15. Insensitive Chinito

195 5 0
                                        

15. Insensitive Chinito

PSALM'S POV

"The hell? What kind of plan is that Mr. FERNANDEZ? Tsaka my gosh, ang corny nang checklist mo. Parang ginawa nang grade 6." Insult ko sa taong hindi ko alam kung may lahi ba silang may saltik sa utak o sadyang trip lang nyang inisin ako.

Hindi yata ako mamamatay kung sakaling nakakamatay ang pagiging broken hearted ko dahil sa lintik na kuya netu! Baka mamatay naman ako sa sobrang kunsimisyon at sakit nang ulo dahil hindi ko mawari ni hindi maabot ng level of thinking ko kung paano mag-isip tong kaharap ko!

Naku!

Sinimangutan ako ni Darren sa panglalait ko sa checklist nya kuno. "O sige nga! Magbigay ka nga nang ubod gandang checklist para sa revenge plan? Ang hirap kayang mag-isip nang ten ways on how to break that woman's heart in just ten minutes... Saka bakit k aba nagrereklamo, ha?" mahabang paliwanag nya saka bumulong bulong. "Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa galit. Hindi mo man lang naappreciate yung effort kong nag-isip..."

Hindi ko maintindihan yung huling mga sinabi nya kaya binatukan ko sya. "Ui mamang singkit!! Wag ka na pong magsasalita na parang bubuyog jan at hindi rin naiintindihan nang kaharap mo ngayon!" pinaliit ko pa yung mata ko habang sinesermunan sya.

Hinawakan nya yung binatukan kong parte nang batok nya. Aiish! Complicated masyado magnarrate kaya wag ka nang magreklamo kung magulo yung narration ko. "Aray, paano ka nagustuhan ni kuya sa ugali mong yan, ang brutal brutal mo?"

Sumimangot ako at iniripan ko sya sa sinabi nya. "Oo na, ako na masama ugali kaya ako iniwan!" nagwalk-out ako at naglakad palayo sa chinitong insensitive. Alam na nga lang nyang nasasaktan ako kapag ganoon yung topic, hindi pa nya pinigilan yung sarili nyang magsalita nang ganoon.

"Sino ngayon mas masama ugali samin?" naiinis akong bumubulong bulong at hindi pinansin yung pagtawag nya. Bayaan nang mapagalitan ulit nang librarian. Makasigaw wagas!

Tinignan ko kung anong oras sa relo ko habang naglalakad.

2: 06 PM.

Mahigit dalawang oras na pala kaming magkasama at nagusap noong insensitive chinito na yun.

*kruggg*

Naku, kaya pala biglang tumunog yung tyan ko. nagwawala na yung mga alaga ko!

Binilisan kong maglakad paalis nang campus pero may biglang humawak sa balikat ko.

Tinignan ko nang masama nang nanghawak sakin. Sinong nagsabing may karapatan syang hawakan tong balikat ko?

Inirapan ko sya at pabalag na inalis yung kamay nya sa shoulder nya. Tapos naglakad ulit ako nang mabilis. Eh sa gutom tong tao!

Dumeretso ako agad sa karinderya ni Aling Leah at nag-order nang budget meal. Isang cup nang rice, adobong baboy at pakbet.

Naghanap ako nang mauupuan at nang makita ko yung bakante sa sulok, doon ako dumeretsong umupo habang hawak yung ni-serve na pagkain.

"Ate pahingi po nang sabaw." Nilingon ko pa si Alin Leah at nginitian. Hihi.xD

Nagpray muna ako nang pasasalamat bago kumain.

Sarap na sarap ako sa pagkain ko nang biglang may umupo sa harapan ko. sisitain ko sana kasi andaming bakante namang lamesa pero doon pa sya naupo pero pagangat ko nang mukha ako at handa sanang tumalak...

"Sinusundan mo ba ko chinitong insensitive?" ni-control ko yung boses ko habang nagsasalita kasi baka sumigaw ako dito sa karinderya kaladkarin pa ko palabas. Nakakahiya kaya yun.

Tinitigan nya lang ako at nagsimula nang kumain. "I just came here to eat. Bawal na bang kumain? Chinitong insensitive?"

"No but there are many vacant tables out there to occupy pero bakit nakikiupo ka pa dito?" gigil na gigil ako sakanya pero kontrolado parin yung boses ko kahit na gustong gusto ko nang sigawan si Darren insensitive chinito.

"Bakit sayo ba tong table na to at pinagdadamot mo? I can sit wherever I want as long as it's not occupied. At bakit chinitong insentive ang tawag mo sakin?" parang balewala lang sakanya na gigil na gigil na ko dito, enjoy na enjoy pa syang kumakain. Naku, talaga naman pag minamalas ka eh nuh?

"Chinitong insensitive ka kasi, hindi mo alam na nakakasakit ka na pala dahil sa kababanggit mo nang isang bagay na ayaw nang pagusapan!!"

Biglang lumamlam yung mukha nya na kanina lang poker face. "I'm sorry Psalm, I didn't mean to hurt your feelings." Concern nyang sabi.

Meron pala sa bokubolaryo nya ang salitang sorry.

"May magagawa ba ang sorry? Wala na kasi nakasakit kana. Oo, hindi mo intension na saktan ako pero nasaktan mo parin ako." Naks, bilib na talaga ako sa sarili ko dahil makahugot ako ma-ala Marcelo Santos III.

Asa naman ako ah. Hahaha.xD

Pero doon ako magaling eh, sa umasa. Umasa akong hindi ako sasaktan nang taong pinagbigyan ko nang pagmamahal. Umasa akong hinding hindi nya ko iiwan at ipagpapalit pero nandoon na eh. Tsaka hindi naman nya ko pinagpalit. Kasi pangalawa lang pala ako sa buhay nya.

O baka hindi lang pangalawa? Baka pangtatlo, pangapat o panglima? O baka din kaya hindi nya ko kinoncider as second, third, or fourth gf kundi isa lang akong sa taong pinaasa nya!

Deserved ko ba talagang masaktan? Deserved ko ba talagang magmahal nang isang taong hindi naman ako ang mahal?

Pinunasan ko yung luha ko kahit hindi to maampat ampat sa kakapatak.

Bakit kailangan ko pang magmukhang tanga sa harap nang ibang tao? And worst sa harap pa nang kapatid nang taong dumurog sa puso ko.

Hindi lang nya ito dinurog, inapak apakan pa nya yung puso ko! hindi pa sya nakuntento, tinadya-tadyakan pa nya itong parang isa lang latang nakahara sa dinadaanan nya!

Ganoon kasakit yung ginawa nya sa buong pagkatao ko. binigay ko yung puso ko sakanya, umasang aalagaan nya at hindi nya to sasaktan pero nagkamali ako kasi pagkatapos kong ibigay yung puso ko sakanya, basta nya nalang tinapon kung saan! Hindi nya naisip na baka may makaapak dito at masaktan yung pinakamahalagang parte na pwede ko ulit ibigay sa ibang tao.

Sana tinanggihan nalang sana nya o sana binalik nalang nya sakin kesa naman pabayaan lang nya!

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nagmadaling magbayad. Hindi ko na hinintay yung sukli kahit pa isang daan yung binigay ko sakanya.

Natawa ako nang mapait. Naihalintulad ko yung puso ko sa buong isang daan. Sana noong binigay ko to sakanya hiningi ko yung sukli o kaya pinabarya ko muna pagkatapos ibigay sakanya yung kalahati. Para kahit na saktan nya ito, may natira parin sakin.

Pero hindi naman kasi simpleng isang daan lang tong puso ko eh! Kung sana nga simpleng isang daan nalang sya para hindi ganito kasakit...

Para pwedeng hatiin sa kung anong gusto mo. Para kaya mong magtira pa para sa sarili mo...


Unanswered Wishes (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon