Chapter 15: Get Together
•••Keira Ashlyn•••
"Hmmmmhmmm.." Naghu-hum ako habang pineprepare ko ang niluto kong carbonara. Naghihintay na si Ann Dee sa may garden kung saan namin naisipang mag-meryenda, aayusin ko na lang ito then lalabas na din ako. Nag-dagdag na din ako ng extra plates in case biglang dumating si Raven at ang dear hubby kong si Blaze.
Habang inaaayos ko yung food at plates, naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Blaze. Kahit na hindi ako lumingon alam ko namang sya yun, amoy nya pa lang at yakap alam na alam ko na. Besides wala namang mangangahas na yumakap sa akin dito, not unless that person doesn't value his life anymore. :)
"Hmmm , I'm a little hungry wifey, can I have something delicious to eat?" Blaze said, medyo nakatapat pa sa tenga ko ang bibig nya kaya naramdaman ko ang mainit nyang hininga and its kinda tickling me and I can feel butterflies fluttering in my stomach because of it kaya medyo nautal pa ako sa pagsagot sa kanya. "S-sure hubby, nagluto ako ng carbonara, gusto mo ba ng carbonara, antayin mo na lang ako sa may garden, dun ko kasi i-se-serve ang mga to"
"Ayoko" tipid nyang sagot.
Hindi ko inaasahan ang sagot nyang yun kaya bahagya akong nakaramdam ng disappointment sa pagtanggi nya, eh kasi naman inihanda ko talaga yun specially for him .. Well para talaga yun kay Ann Dee pero syempre idinamay ko na din sya.. T^T tapos ganun lang? Akala ko pa naman basta luto ko kakainin nya kahit na ano pa yun. Tsaka pansin ko lang ni hindi nya man lang pinag-isipan yung sagot nya, kaiyak.
"Bakit ayaw mo?" Medyo malungkot na sabi ko. Nakayakap padin sya mula sa likod ko kaya hindi ko makita ang reaksyon ng mukha nya, kung seryoso ba sya sa sagot nya o nagbibiro lang sya, but I hope its the latter.
"Because ... " pambibitin ni Blaze sa sasabihin nya.
"Because what ?" Curious na tanong ko. Tss. Kapag di nya ako nabigyan ng matinong sagot, babangasan ko talaga pagmumukha nya pramis! O kaya ibabato ko sa kanya yung carbonara!
"Because your the one I want to eat"
Nabigla ako sa sinabi nya. Para akong nalagutan ng hininga sa sinabi nyang yun. Eh kasi naman duma-da-moves sya ng ganun, nakakabigla!
"A-ano bang sinasabi mo Blaze" medyo nauutal na sabi ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa sinabi nya. Kahit na mag-asawa na kami hindi pa rin ako sanay sa mga ginagawa at sinasabi nya minsan. It feels like my heart skip a beat.
"Hmmm, don't make me repeat myself wifey, I know you heard me perfectly well .." Muli ay bulong nya sa tenga ko.
"Yes I perfectly heard you kahit na pabulong lang yung sinabi mo, Kuya Blaze hindi mo naman sinasabi sa akin na suma-sideline ka na pala ngayon? Kelan ka pa napasama sa cast ng The walking dead? Haha"
Pareho kaming napatingin sa kanan namin at tumambad sa amin ang ngingisi-ngising si Raven. (=__= .. Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin si Blaze at galit na humarap sa kapatid nya. At this point in my life dapat hindi na ako nabibigla, sa tuwing may something or magandang nangyayari sa amin ni Blaze bigla na lang sumusulpot si Raven, hindi ko alam kung may radar ba sya kaya nasasagap nya kami ni Blaze o sadyang stalker lang namin syang dalawa. Basta ang alam ko hindi uso kay Raven ang salitang privacy.
"What are you doing here?! At anong pinagsasabi mong parte ako ng cast ng The walking dead, bakit kamukha ko ba si Rick Grimes?!" Galit na sigaw ni Blaze, pinandilatan nya pa ng mata ang kapatid na halatang nag-e-enjoy pa. Malamang may pasabog na naman to.
"Hindi!"
"Then what?!"
"Ikaw yung zombie! Haha"
BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomanceBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016