Chapter 37: Relief
•••Keira Ashlyn•••
*BAAAAAANNNGGG*
Nakarinig ako ng putok ng baril , hinihintay ko ang pagtama ng bala sa katawan ko pero ilang minuto nadin ata akong nakatayo lang dun pero wala man lang akong maramdamang pananakit saan mang parte ng katawan ko. Maybe she wanted to scare me again, hanggang ngayon ba ay pinaglalaruan nya padin ako? Damn this woman.
I decided to face her once and for all pero iba ang nakita ko sa ini-expect ko. Someone is lying on the floor, that person is dressed all in black, tanging kamay nya lang ang makikita mo dahil balot na balot sya, nakabonnet din sya ng black at may scarf na black din ang nakapalibot sa leeg nya. At para matakpan ang mukha nya, nagsuot sya ng black na shades at black na face mask. Di kalayuan sa kinahihigaan nya ay isang baril. Pero hindi yan ang kinagulat ko because just a few meters behind her, I saw Blaze, Raven and my brother Terrence. Para pa ngang may sayad sa utak si Raven at Terrence eh kasi kumakaway kaway pa sila sa akin.
Tatanungin ko sana sila kung ano ang ginagawa nila dito at kung paano nila ako nahanap pero bigla kong naalala si Hikaru. Agad akong tumakbo sa kinaroonan nya and I pulled him to safety. He seemed okay, in fact mukhang mahimbing nga ang tulog nya ehh. Aish. Kung alam nya lang kung nasaan sya a few minutes ago ewan ko na lang kung makatulog pa sya ng maayos. But thank God he is okay! Marahan kong niyakap si Hikaru para hindi sya magising. Sa totoo lang na-miss ko ang anak ko.
Habang yakap yakap sya hindi ko namalayan ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko. Eto na ata yung kanina ko pa si-nu-suppress na feeling, heto at sumambulat na ngayon. I felt relieve, masaya din ako dahil ligtas ang anak ko. But there's one thing that I need to do right now, at yun ay ang alamin ang identity ng taong may pakana ng kaguluhang ito. Pinunasan ko ang mukha ko para hindi nila makita ang mga luha ko.
Lumingon ako kung saan ko sya huling nakita kanina pero wala na sya dun dahil buhat buhat na sya ng ilang mga men in black. "Sa-sandali, saan nyo sya dadalhin?" Mabilis akong naglakad sa kinaroroonan nila pero pinigilan ako ni Blaze sa braso dahilan para matigil ako sa paglalakad.
"Kami na ang bahala sa kanya Wifey" Blaze said seriously.
"Pero gusto kong malaman kung sino sya" protesta ko. Gusto ko talagang malaman kung sino ba talaga sya, hindi ko sya gagantihan o papatayin, gusto ko lang talagang malaman ang totoong identity nya at kung bakit nya ito ginagawa. Alam ko kasing hindi sya si Bullet, because if its 'HER' baka tinapos nya na si Hikaru the first chance she gets. And I think hindi ganun kadaling mahuli si Bullet, hindi naman siguro kami malalagay sa ganitong sitwasyon kung ganun lang sya kadaling mahuli.
"I'll tell you when the RIGHT TIME comes" Blaze said. Kelan naman kaya yung 'right time' na sinasabi nya? But I guess I don't really have a choice, Blaze is not the type of person who can easily be swayed. Kapag sinabi nyang later, later nga nya sasabihin at hindi ko sya mapipilit no matter what lalo na kapag mafia related ang bagay na yun. Sabi nga nya, the lesser I know the safer I will be.
Anyway, now that everything seems fine lumapit si Blaze sa akin, akala ko aawayin nya ako sa pagtakas na ginawa ko but instead he gave me a light hug, light lang para hindi namin ma-crush si Baby Hikaru. At mukhang hindi pa sya nakuntento dahil binigyan nya ako ng isang matamis na halik sa labi. As usual, samot saring emosyon na naman ang naramdaman ko, para din akong mauubusan ng hininga. Pero parang nabitin ako dahil agad din nyang tinanggal ang labi nya sa labi ko.
"Ehhh ..." Protesta ko. Pinitik nya naman ako ng mahina sa noo. "Masyado ka na atang baliw sa halik ko Mrs. Aerondale baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa akin, lumabas ka ng walang paalam. Hindi mo ba alam na delikado ang ginawa mo?" Seryosong sabi ni Blaze pero makikita mo ang pag-aalala sa mukha nya. Corner na ako and there is no use denying kaya I might as well admit my mistakes. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomanceBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016