Chapter 17: Couple Alert
•••Keira Ashlyn•••
Alam nyo yung ang ganda ng gising mo kasi excited ka only to be disappointed in the end.
That's how I feel right now.
"Hoy, ano na namang problema mo at hindi maipinta yang pagmumukha mo?" Tanong sa akin ni Ann Dee. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast ngayon. Ako, si Ann Dee at si Raven. Kung hinahanap nyo si Blaze, hindi ko alam kung nasaan sya at wala akong pakealam!
"Alam mo babyloves, wag mo nang pansinin yang si Keira, mukha pa lang nya ka-stress stress na baka mahawa ka pa" sabat ni Raven.
"Tss" tinignan ko sya ng masama. Nababadtrip talaga ako. Ang ganda ng gising ko kanina, I have it all planned out, ang plano ko after breakfast pupunta na kami sa office ni Ms. Shawn Prado pero hindi pa man kami nakakapag-breakfast wala na sya! Ang galing. Tapos ano? Mag-iiwan sya ng note sa may bedside table na hindi nya ako masasamahan because of an important 'business deal'.
Important business deal nga ba?
"Ano ba kasi ang problema mo Keira, baka pwede ka naming matulungan?" Muli ay tanong sa akin ni Ann Dee. Sasabihin ko na sana sa kanya kung ano ang problema ko nung bigla na namang sumabat si Raven. Psh. Paka-sabatero naman neto. "Wag mo na nga syang tanungin Ann Dee, nag-iinarte lang yan paano wala si Kuya Blaze"
Thats it. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, ibinato ko sa kanya ang pinakamalapit na bagay na nadampot ko and turns out it was a fork.
"Wui! Grabe ka! Papatayin mo ba ako gamit tong tinidor na to haaa? Sana man lang yung kutsara na lang ang ibinato mo para hindi masyadong nakakamatay diba?"
"Psh. Walang pinagkaiba yun. Eh kung gusto mo pala ng nakamamatay bakit di na lanh tong plato para mabigat bigat tapos tatama sa bungo mo" Mataray na sabi ko, inirapan ko sya at nilaro laro ko na lang yung pagkain ko, wala na akong ganang kumain, si Raven kasi eh pina-alala nya pa si Blaze. Asar lang. Beast mode ka na nga tapos lalo ka pang be-beastmode-din.
"Wag mong pansinin yang si Raven, Keira. Tell me what's bothering you" si Ann Dee. Itinigil nya muna ang pagkain nya para mas mapagtuunan nya ako ng pansin. I sigh a deep sigh before answering her. I guess I have to tell her what's bothering me para mayaya ko na din sya na samahan ako kay Ms. Shawn.
"Nakakainis kasi si Blaze ehh, kagabi bago matulog sinabi ko na sa kanya ang plano para sa araw na to, pero pag-gising ko kanina may note syang iniwan na may pupuntahan syang 'important business deal' Pssh. Business nga ba? Paano kung babae lang naman pala yun Mas importante pa ba yun kesa sa akin at sa mga anak namin?" Inis na litanya ko. Ewan ko ba, naiinis talaga ako at hindi ko ma-kontrol ang emosyon ko. I know I am being unreasonable pero ewan ko ba parang ang sensitive ko.
"Tsk. Tsk. Tsk. Yan ang hirap minsan sa mga babae ehh, masyadong assuming, walang tiwala sa partner or asawa nila. A little trust goes a long way you know" singit ni Raven na umiiling iling pa.
"Ahh ganun ? So ganyan ba ang tingin mo saken? Assuming at walang tiwala sayo?!" Galit na sabi ni Ann Dee , nanlilisik pa ang mga mata nya na nakatitig kay Raven na ngayon ay halos hindi na mapakali sa kinauupuan nya. "Hehe , I mean yung ibang babae, katulad nyang si Keira. Lahat sila may flaws ikaw lang ang perfect sa paningin ko babyloves. Hehe"
"Ewan ko sayo, hindi mo ako madadaan sa pambobola mo!" Sigaw ni Ann Dee sabay batok kay Raven. Pero adik din tong si Raven ahh, ako pa talaga ? Ako pa talaga ang assuming at walang tiwala. "Ahh ganun, so assuming pala ako at walang tiwala haaaa?!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at mabilis kong nilapitan si Raven and just like Ann Dee binatukan ko din sya ng medyo malakas. Oo medyo malakas talaga. (=___=
BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomansaBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016