Chapter 53: Desire

33.5K 633 25
                                    

Chapter 53: Desire

•••Cloud•••

"How is she?"

"She's okay but she needs more rest at dapat nyang iwasan ang pag-iisip ng mga nakaka-stress na bagay dahil medyo maselan ang pagbubuntis nya"

Napabuntong hininga ako sa sinabing yun ng doctor, sa tingin ko ay mahihirapan ako sa bagay na yun lalong lalo na at hindi nasunod ang ilan sa mga plano namin. Makalipas ang ilan pang paalala ay nagpaalam na sya, ako naman ay pumunta na sa kwarto ni Bullet kung saan kasalukuyan syang nagpapahinga. Tahimik akong pumasok at dahan dahan ko syang nilapitan pero mukhang nakatulog na sya kakaantay sa akin dahil nakapikit na ang mga mata nya pero nung tuluyan akong makalapit sa kama ay bigla na lang syang nagmulat ng mga mata.

"What did he say?" Mataray na tanong nya. Kung dati ay masungit na sya ngayon ay mas domoble pa ang sungit nya. Psh. Epekto malamang ng pagbubuntis nya kaya kailangan kong magpasensya.

"You need more rest at kailangan mo nang iwasan ang pag-iisip ng mga nakaka-stress na bagay dahil makakasama yun sa baby natin. Maselan ang pagbubuntis mo so we need extra care" paliwanag ko. Inaasahan ko na ang magiging reaksyon nya sa sinabi ko kaya hindi na ako nagtaka nung tumawa sya ng peke na agad ding napalitan ng galit.

"Iwasang mag-isip ng mga nakaka-stress na bagay? Tell me, how can I do that? Lahat na lang ng plano natin palpak, lumipas na ang pasko at bagong taon pero wala man lang tayong matanggap na good news. Tsk. How am I supposed to live my life happily kung hanggang ngayon ay bigo parin tayo!" Sigaw nya. Dahan dahan ko syang nilapitan. Kailangang pakalmahin ko na sya bago pa may mangyari sa kanya at sa anak namin.

"Sssshhh , please dont be like that Bullet, you need to think about yourself and our unborn child. Wag ka nang mag-isip masyado and let me handle everything"

Mukhang kumalma naman sya sa sinabi ko pero makikita mo sa mukha nya na hindi parin sya kumbinsido.

"Hindi ko maiwasang mag-isip, alam mo namang yun ang pinaka-aasam asam ko, ang makapaghiganti sa mga Aerondales. Hindi ba yun din naman ang gusto mo? Kaya nga nandito tayo ngayon, magkasama sa laban na to"

Tama sya. Nandito ako dahil sa pagnanais kong makapaghiganti kay Raven. We were once the best of friends pero nagawa nya akong traydurin bagay na hindi ko matanggap. Pero minsan kasi parang nakakapagod din ang paghihiganti, nakakaubos ng lakas kaya madalas maisip ko, ano kaya kung tumigil na lang ako? Ano kaya kung hayaan ko na lang syang sumaya at hanapin ko na lang ang bagay na makakapag-pasaya sa akin imbes na inuubos ko ang oras ko sa paghihiganti.

"Nandito nga ako dahil sa paghihiganti but didn't it ever cross your mind to stop lalong lalo na ngayon at magkakaanak na tayo. Imumulat mo din ba sa paghihiganti ang magiging anak natin?" Seryosong tanong ko. Saglit naman syang natigilan sa sinabi ko. There's a part of me who wishes for her to stop but there's also a part of me who already knew the answer and its not the answer that I want.

"Alam mo naman diba, alam mo kung anong klaseng buhay meron ako. Mula pagkabata iminulat ako ng mga magulang ko para maging sandata at pananggalang. Nabuhay ako para proteksyonan si Zoe, she's the princess and I'm just one of her many knights .."

"Kaya ba gusto mo syang mawala na sa landas, so you can become the princess instead of her?" Singit ko sa sinasabi nya. She ordered me to kill Zoe and Sven, ginawa ko naman yun ng hindi na inaalam ang rason nya pero ngayon ay hindi ko maiwasang isipin yun. Is that what you really desire, Bullet? Hindi sya nagsalita at tinitigan nya lang ako ng mataman so I took that as a yes pero maya maya lang din ay bigla na lang syang nagsalita.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon