Chapter 14: Ghost

62.4K 1.3K 135
                                    

Chapter 14: Ghost

•••Keira Ashlyn•••

"Are you sure your okay?" Hindi ko alam kung pang-ilang tanong ko na yan kay Ann Dee pero ewan ko ba kahit ilang ulit nyang sabihing okay na sya hindi pa rin ako makontento. Kung pwede ko nga lang syang bantayan 24/7 gagawin ko. "Okay na ako, for the millionth time, OKAY NA AKO, wala namang kahit na anong masakit sa akin, hindi rin naman ako injured. Grabe ka, mas malala ka pang mag-alala kesa kay Raven"

Syempre naman mag-aalala talaga ako ng matindi, hindi naman kasi mangyayari sa kanya yun kung hindi dahil sa akin. Nadadamay lang sya nang dahil sa akin. Sa akin galit si Bullet and in order to get to me she used the people closest to me.

Pero mabuti na lang din talaga at walang nangyaring masama kay Ann Dee. She doesn't have any wounds, kahit nga galos wala, samantalang pwedeng pwede naman syang saktan at patayin ni Bullet kung gugustuhin nya. Good thing lady luck is on my best friend's side.

"Anong gusto mo? Fruits? Chocolates? Anong pagkain ang gusto mo? Gusto mo ba ipagluto kita?" alok ko, Kahit sa ganitong paraan man lang makabawi ako sa kanya.

"Hmm parang gusto ko ng Carbonara? Yung luto mong carbonara. Hehehe. Okay lang ba?"

"Oo naman, mag-go-grocery lang ako. Yun lang ba ang gusto mo?"

"Tsaka ICECREAM!"

"Okay walang problema"

Iniwan ko na muna si Ann Dee. Minsan lang naman sya mag-request kaya pagbibigyan ko sya. Pupunta ako sa mall para mag-grocery at mamili ng mga ingredients para sa request nya. :) secured naman yung kambal dahil ang parents ni Blaze ang nag-aalaga sa kanila ngayon kaya malaya kong magagawa ang gusto ko, plus may meeting si Blaze ngayon, mafia related meeting kaya I'm sure matatagalan din sya dun.

I know its not safe to go outside, pero sa tingin ko naman kahit nasaang lupalop pa ako ng mundo, bullet will surely find a way to harm me no matter the cost. Wala ding mangyayari kung matatakot lang ako sa kanya. But as a precautionary measure nagbaon na lang ako ng deadly weapon to at least protect myself.

As usual kasama ko ang mga 'men in black' ni Blaze, never na atang mawawala ang mga bantay ko so I might as well get used to them. Mabuti na ding kasama ko sila, kasi sila pinapapasok kaagad ng mga guards sa mall, ipapakita lang nila ang I.D nila, baka kasi kapag mag-isa ko lang harangin ako ng malala kapag na-detect yung dala kong baril sa may entrance.

Pagdating sa mall, dumiretso na ako sa supermart. Namili ako ng ingredients para sa lulutuin kong carbonara, namili na din ako ng gatas at baby foods para dun sa kambal. Hindi ko alam kung ano ang gusto ni Blaze, pero sa tingin ko naman basta luto ko kakainin nya. (=__= subukan lang nyang hindi kainin lahat ng luto ko, malalagot talaga sya sa akin ng malala.

Pagkatapos ng isang oras natapos din ako sa pag-go-grocery. Ang saya palang mamili lalo na at yung mga pinapamili mo ay para sa mga taong mahal mo. Nakapila na ako sa may counter nung mapukaw ng isang mag-ina ang atensyon ko.

"Mommy I want Icecream!"

"No baby, that's too sweet. Your teeth will rot, gusto mo ba yun?"

"But I want icecream!"

Icecream. Hala, muntik ko nang makalimutan, nagpapabili din pala ng icecream si Ann Dee. Umalis ako sa pili kasama yung push cart na dala ko para maghanap ng icecream. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nung may mabangga akong babae. Naku lagot baka magalit.

"Ahh sorry po, may hinahanap po kasi ako, hindi ko po napansin na may tao sa harapan ko. Pasensya na po talaga, okay lang po ba kayo?"

Nakatalikod sya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nya, hindi ko tuloy alam kung nagalit ba sya o ano dahil sa pagkaka-bangga ko sa kanya, pero alam kong mahina lang naman yun dahil mabagal naman akong maglakad kanina habang pi-nu-push yung cart kaya hindi naman siguro sya gaanong nasaktan.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon