Chapter 43: Brothers

33.8K 787 46
                                    

Chapter 43: Brothers

•••Sven•••

"Time to end this game little brother"

Time to end this indeed. Bumaba ako sa kotse but before I do so, pina-alalahanan ko muna ang kasama ko kung ano ang mga dapat nyang gawin o mas tamang sabihing ang mga hindi nya dapat gawin.

"Alam mo naman sigurong wala to sa plano, at hindi na tayo mag-s-stick pa sa plano. If worse comes to worse then our only option is to kill them, naiintindihan mo ba?" Tumango naman sya sa akin bilang sagot. Mabagal ang takbo ng orihinal naming plano dahil ang gusto ni Bullet ay pabagsakin muna ang mga Aerondales financially, then iisa-isahin sila at ang pinaka-una sa listahan ay si Keira para madama ni Blaze kung paano ang mawalan ng mahal sa buhay dahil yun ang ginawa nila sa amin. Pero mukhang hindi na namin yun ma-a-accomplish sa ngayon dahil gumawa na sila ng aksyon laban sa amin.

"Kill them, dying is not an option Sven" seryosong utos nya sa akin. Alam ko naman yun eh, hindi ako maaaring mamatay hanggat hindi ko naipag-hihiganti si Zoe.

Anyway, bumaba na ako sa kotse, prente namang naghihintay sa akin sa labas sina Blaze at Raven. Kami lang ang nandito, walang mga men in black o kahit na sino pang back-up, just the three of us kaya kung papatayin namin ang isa't isa, we can only rely on our self and our skills.

"Did you enjoy our little game?" Mapang-asar na sabi ni Raven. Hindi ko naman sya pinansin at itinuon ko ang atensyon ko kay Blaze. Between the two, mas mapanganib na kalaban si Blaze that's why I need to be cautious around him, may skills din naman si Raven but he is nothing compared to me, puro lang naman pangungulit ang alam ni Raven, kita nyo nga ngayon at ayaw nya talagang magpatalo. Di na nga pinansin nagpapansin pa. Psh.

"Wow naman, wagas ma-ka-deadma? Nakakatampo ka naman, para namang wala tayong pinagsamahan nyan KAPATID" kunwa ay nagtatampong sabi ni Raven, binigyang diin nya pa yung word na 'kapatid'.

That did it ...

"Pwede ba, wag mo akong tawaging kapatid! Hindi tayo magkapatid!" Inis na sabi ko. Its still a sore point for me kaya as much as possible ayokong maalala ang katotohanang all these years hindi naman talaga sila ang pamilya ko, na isa lang akong salimpusa, na nagmukha akong tanga.

"Chill, masyado kang hot" natatawang sabi ni Raven habang si Blaze naman ay seryosong seryoso padin.

"Bakit hindi mo sya palabasin? Para naman makilala namin sya tutal mukhang close na close naman na sila ng asawa ko" Blaze said.

"Sino?" Pag-ma-maang-maangan ko. As much as possible gusto kong itago ang identity nya dahil sya ang pinaka-mahalaga sa plano namin ni Bullet but if worse comes to worse then wala na akong magagawa pa kundi ang pagbigyan sila.

"Oh come on, alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Kailangan pa bang dumanak ang dugo bago mo sya ilabas? I just wan't to talk Sven and I need her right in front of me bago ako magsimula"

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. I don't see the point of us talking, if we are going to kill each other, then why wait? Bakit kailangan pang patagalin pa?

"I'll give you a deal" seryosong sabi ni Blaze. A deal? I am very skeptical about that because striking a deal isn't usually his style kaya medyo nakakapanibago lang. This feels more like a trap but I'll listen to what he has to say.

"What kind of deal?"

"A deal that you can't resist I'm sure"

A deal that I can't resist? Isa lang naman ang gusto ko sa buhay, at yun ay ang mawala silang lahat sa landas ko at maipaghiganti ko si Zoe. Sa tingin ko hindi naman nila ako mapag-bibigyan sa gusto kong yun, not unless by some miracle they commit suicide or they let me kill them myself, yeah right. Nuon, madami akong gusto, gusto kong bumuo ng pamilya kasama ang pinaka-mamahal ko, maging top mafia boss pero nawala ang lahat ng yun na parang bula. Hindi ko alam kung anong klaseng deal ang tinutukoy nya, but I doubt it can sway me that much.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon