Chapter 10: Wedding Part 4

57.5K 1.3K 56
                                    

Chapter 10: Wedding Part 4

•••Keira Ashlyn•••

Life is fair.

Kung sino man ang nagsabi nyan, I will KILL that person dahil hindi yan totoo. No matter the time and place, regardless of nationality and age, Life will always be UNFAIR.

Bakit kailangang ngayon pa ito mangyari? When I'm at the happiest moment of my life. This has to happen. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, agad akong tumayo at tumakbo palabas, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang alam ko lang ayokong maghintay na lang at umasa sa ibang tao. Magkahalong kaba at galit ang nararamdaman ko ngayon pero nananaig ang kaba dahil sa nakita ko.

Naririnig ko ang pagtawag ni Spade sa pangalan ko, pero hindi ako huminto sa lakad-takbong ginagawa ko. Kailangan ko syang makita. Kailangan kong makasigurong okay sya. Paakyat na ako ng hagdan nung maabutan ako ni Spade at hinawakan nya ako sa braso dahilan para mapahinto ako.

"KEIRA! Will you please stop, we need to think this through. Hindi maganda ang padalos dalos, pwede kang mapahamak sa gusto mong gawin!"

"Hindi! Kailangan ko syang mahanap! Kailangan kong pumunta dun!" Sigaw ko. Tinanggal ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko at pinagpatuloy ang lakad-takbong ginagawa ko. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nung maabutan na naman ako ni Spade, muli nyang hinawakan ang braso ko at mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakahawak dito para hindi na ako makawala pa.

"KEIRA! Stop! Let's ask for help first, wag kang magpadalos dalos!"

"Ayoko! Kailangan kong makasiguro sa pamamagitan ng sarili kong mga mata! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon Spade. What if something bad happens? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya! Kaya pwede ba Spade, bitawan mo ako!"

*PAKKK*

Natigilan ako dahil sa pagsampal sa akin ni Spade, mahina lang naman ito and it doesn't really hurt pero sapat na para bumalik ako sa tamang huwisyo.

"Keira please listen to me! Delikado kung pupunta ka dung mag-isa, at least let's tell others about the situation first. Kung hindi ka talaga magpapapigil then hayaan mo akong samahan ka para naman masiguro kong walang mangyayaring masama sayo!"

Bumuntong hininga ako and I weigh my options. Kung tatawag pa kami ng tulong maaaring huli na ang lahat. Kung pupunta naman akong mag-isa maaaring ako naman ang mapahamak kaya naman pumayag na din ako sa gusto ni Spade.

"Fine. Let's go together but we need to go now!"

I heard him sigh mukhang hindi sya totally pabor sa option ko but I'm stubborn at alam nyang wala na syang magagawa pa kaya in the end sinamahan nya na din ako. Habang naglalakad kami, inilabas nya naman yung baril nya at ini-ready ito just in case unexpected surprises pop up. We walk briskly hanggang sa makarating kami sa may library. Spade stop a few inches beside the door pero nagtuloy tuloy lang ako, narinig ko pa ang pagsigaw ni Spade sa akin na wag ko muna itong buksan but I'm too consumed by my emotions kaya hindi ako makapag-isip ng maayos and I opened it just like that.

Agad akong pumasok sa library at inilibot ko ang mata ko sa kabuuan nito and I didn't see anyone. Bakit? Malinaw naman sa picture na nakalagay sa box na nandito sya pero ngayon why isn't she here? Nasaan si Ann Dee? Naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala.

Nung iniabot kasi sa akin ni Spade yung box tumambad sa akin ang isang picture. Its a picture of Ann Dee, wala syang malay, nakahiga sya sa sahig at nakatali. Hindi ako pwedeng magkamali, alam kong sa library yun at ngayon ngayon lang yun dahil suot suot pa ni Ann Dee yung gown na ginamit nya sa kasal kanina. Pero bakit wala sya dito? Huli na ba ako?

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon