Chapter 61: Abduction 1

24.2K 568 36
                                    

Chapter 61: Abduction 1

•••Keira•••

"Bitawan mo ako!" sigaw ko. Pero kahit na anong sigaw pa ang gawin ko alam kong walang makakarinig sa akin. Everyone is at the party right now, baka nga hindi pa alam ng iba na nawawala na ako.

Wala akong nakuhang response mula sa kanya, bagkus ay nagpatuloy lang sya sa paghila sa akin. Wala akong idea kung sino ba ang taong ito, pero isang bagay ang napagtanto ko, isa syang babae. Malambot kasi ang kamay nya at medyo may kaliitan ito kaya ko nasabing isa syang babae.

Two person crossed my mind with that realization, wala namang masyadong babae sa kampo ng kalaban maliban na lang sa aking mortal na kaaway na si bullet at ang aking ina. The question now is who between the two of them is with me right now? I can only guess, and my instinct told me that it is not bullet, if it is her, nasisiguro kong hindi nya na ako dadalhin pa sa kung saan, she will kill me the first chance that she gets.

Nagpatuloy kami sa lakad - takbong ginagawa namin with her on the lead, madilim padin ang paligid kaya wala akong idea kung nasaang parte na ba kami ng mansyon. From time to time I tried resisting but to no avail, masyado syang malakas. Sa tingin ko ay sampung minuto nadin ang nakakalipas simula nung dakipin ako ng taong ito, at sa tingin ko rin ay nagwawala na ang asawa ko sa biglaang pagkawala ko.

He probably blame Raven for my disappearance, afterall Raven didn't take the situation seriously and he even made fun of it. Well I don't really blame him, okay lang naman sa akin yung ginawa nya, he's just trying to lighten up the mood pero dahil hindi uso ang salitang 'joke' sa asawa ko he probably beat the living lights out of him. Poor Raven.

I'm still thinking about Raven and my husband when we came to a sudden stop. Hindi ko inaasahan ang bigla nyang paghinto kaya nabangga ko sya dahilan para mabitawan nya ako ng hindi sinasadya. I then took that chance to run away, madilim ang paligid at hindi ko makita ang dinaraanan ko pero tumakbo padin ako kahit na malaki ang chance na mabangga ako at humalik ako sa dingding ng di oras.

"Keira wait ..." she shouted.

I immediately stop running the moment I heard her voice, hindi ako huminto dahil sa pagtawag nya sa pangalan ko kundi dahil pamilyar sa akin ang boses nya.

"Keira wait" she said once again. Pinakinggan kong mabuti ang boses nya, pilit kong kinokompirma kung tama ba ang hinala ko o nagkakamali lang ako. Madilim ang paligid kaya hindi ko maaninag ang mukha nya, hindi ko tuloy makumpirma kung sya nga ba talaga ang taong nasa isip ko o maaaring nagpapanggap lamang sya. Ayoko kasing magbase sa boses lang, lalo na at may mga taong magkakaboses, meron ding mga taong madaling nagagaya ang boses ng isang tao.

I can hear her footsteps coming closer but I didn't stay still like she wanted me to. Bawat hakbang nya palapit ay sya namang hakbang ko palayo sa kanya.

"Keira let me come closer to you, we need to get out of here" she said in a gentle and almost pleading voice.

"N-no, stay where you are" I said. This is my chance to escape kaya naman hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito lalo na at hindi ko padin napapatunayan ang totoo nyang pagkatao.

"Anak please ..." she pleaded.

"Wag mo akong tawaging anak" pagmamatigas ko. Sa pagtawag nya sa akin ng 'anak' napagtanto ko na kung sino ang dumakip sa akin, it could only be her ~my mother.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon