Chapter 47: 3rd Day
•••Raven•••
"Ang gwapo ko talaga"
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at syempre sinalubong ako ng gwapo kong repleksiyon. Konting titig ko pa sa salamin baka mabasag na sya, ang gwapo, gwapo, gwapo ko kasi talaga. Hahaha. Meron pa akong tatlong oras para mag-ready then its showtime baby. At syempre sa tatlong oras na yun kailangan kong mas maging gwapo pa. Mahirap na, baka magpa-gwapo din si Kuya Blaze at Sven, kailangan ako ang pinaka-gwapo sa aming tatlo. Besides, hindi ko masasabi kung ano ang maaaring mangyari mamaya, pwedeng last day on earth ko na pala. Kung kukunin man ako ni lord, mabuti na yung sobrang gwapo ako kapag kinuha nya ako. Haha.
Well kidding aside, hindi naman ako papayag na basta na lang kunin ni lord, syempre magpapakipot din ako, ayoko pang iwanan si Ann Dee at syempre kailangan ko pang ikalat ang napaka-gwapo kong genes, oh pila pila na. Ssshhhh, walang magsusumbong kay Ann Dee ha. De joke lang. Haha. Anyway, naligo na ako. Nakakadalawang oras palang ata ako sa loob ng banyo nung may biglang kumatok nang malakas sa may pintuan.
"Raven! Dalawang oras ka na dyan sa banyo! Aish. Ano ba, may balak ka pa bang lumabas o wala na?" Psh. Si kuya Blaze lang pala, mas okay sana kung si Ann Dee para lalabas ako ng nakahubad, syempre maglalaway agad yun kapag nakita nya ang perpekto kong katawan pero mag-papakipot ako, baka isipin nya easy to get ako kaya no touching, tingin lang pwede. Haha. Anyway, lumabas na ako sa banyo ng nakatapis, mahirap na baka wasakin pa ni Kuya yung pintuan eh. Masyado rin naman kasi syang excited, may isang oras pa naman kami eh.
"Yung totoo bakla ka ba Raven? Ang tagal mong maligo! Aish!"
Pinandilatan ko naman sya ng mata sa sinabi nyang yun, ako bakla? Sa gwapo kong to, ako bakla? Madaming iiyak na babae sa boung mundo kapag ako naging bakla haha. Ang sabi sa tv lahat ng gwapo may boyfriend pero sa kaso ko, hindi naman kasi ako gwapo. Gwapong gwapo lang at ang ganito ka-rare na tulad ko ay nakalaan lang para sa isang babae. Naks. Pero syempre di ko naman mapipigilan ang mga babae at lalaki na maglaway sa akin. Ang gwapo ko kasi talaga eh.
"Of course not! Hindi ako bakla. Bakit, babae lang ba ang may karapatang maligo ng matagal? I wanted to clean every inch of my body, hindi mo ba alam na mas lalong lumulutang ang kagwapuhan ng isang tao kapag malinis sya? Psh. Palibhasa hindi kasi uso sayo yung maligo no kuya"
"Whatever, bilisan mo"
Hindi na ako komontra pa at nagbihis na ako pagkaalis ni Kuya Blaze. Masama bang mag-pa-gwapo? Masyado naman kasing excited si Kuya Blaze, excited umuwi that is. Ayaw na ayaw nya kasing nahihiwalay kay Keira kaya gusto nyang tapusin na as soon as possible ang deal so he can get home early. Tsk, ang kapatid kong loverboy.
The moment I was ready bumaba na ako at dumiretso sa garahe kung saan naghihintay na sa akin si Kuya Blaze at ang mga tauhan namin. Sumakay na sila sa kanya kanya nilang sasakyan kaya ganun nadin ang ginawa ko. Pero parang may naramdaman akong kakaiba, na para bang may isang bagay akong nakalimutan pero hindi ko mapin-point kung ano yung something na yun. Iisipin ko ba o hindi, hindi na lang siguro, who cares, I have more important matters to deal with anyway.
I drove as fast as I can hanggang sa makarating ako sa designated place kung saan mangyayari ang deal. Mukhang nauna na si Kuya Blaze at ang mga men in black namin dahil tanging ang mga kotse na lang nila ang naabutan ko sa may parking lot. Sumunod na lang ako sa kanila but the moment I step foot inside the building parang biglang sumambulat ang nararamdaman ko na matagal ko nang itinatago o mas tamang sabihing hindi ko binibigyang pansin. I felt dread, dread para sa maaaring mangyari. I have a feeling na darating sya at hindi maganda ang mangyayari. Is this some kind of bad premonition? Pero wag naman sana. Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo lang dun and all the while sinasabi ko sa sarili ko na kahit na ano pa ang mangyari, everything's gonna be okay.
![](https://img.wattpad.com/cover/61718501-288-k20072.jpg)
BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomanceBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016