Chapter 22: Secrets
•••Keira Ashlyn•••
"STOOOPPP!" Medyo hinihingal na sigaw ko. Umupo na din ako sa sahig dahil hindi ko na talaga kaya.
"Ano suko ka na ba?" Medyo natatawang tanong sa akin ni Terrence. Hindi naman sa suko na ako, pero PAGOD na talaga ako. Kanina pa kami nagpa-practice ng judo and ever since we started hindi pa kami nagpapahinga. Wala ba akong karapatang mapagod?
"I need a break you know, hindi ako robot, tao ako at napapagod din ako ano ka ba!"
"Haha, wala naman akong sinabing robot ka ahh. Anyway, kukuha na muna ako ng maiinom, sulitin mo na yang pahinga mo because once we resume tuloy tuloy na tayo. Tsk Tsk. First day pa lang pero mukhang susuko ka na, paano pa kaya sa next session natin baka bumulagta ka na dyan"
Iningusan ko si Terrence dahil sa sinabi nya. At tatawa tawang iniwan nya ako. Psh. He is clearly underestimating me, mag-antay antay lang sya, kapag ako natuto ng husto papakitaan ko sya ng moves mala-Ran Mori. Judo ang ni-request kong una naming pag-aralan, parang ang astig kasi ni Ran sa tuwing papatumbahin nya yung mga kriminal na gustong tumakas, kung pwede nga lang din parang gusto kong magkaroon ng black-belt sa karate. Anyway, anong oras na pero wala padin ang asawa ko. Hindi ko alam kung saan sya nagpunta, pero okay lang para malaya akong makapag-practice ng self defense, kapag kasi nandito sya for sure tututol sya sa ginagawa ko. Kapag natuto na akong mag-judo, aikido at kung ano ano pa, isusunod ko naman kung paano gumamit ng baril at patalim. Tinuruan na ako ni Raven dati pero wala kasi sa puso ko ang pag-aralan yun nuon kaya hindi ko masyadong binigyan ng pansin yung mga pinagsasabi nya sa akin.
Mga limang minuto din siguro ang lumipas bago bumalik si Terrence at agad nyang iniabot sa akin ang isang bottled water at agad ko naman itong ininom. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig, feeling ko kasi nadehydrate na ako sa dami ng pawis na inilabas ng katawan ko kanina.
"I'll give you 5 more minutes para magpahinga, then after that tuloy na natin, o suko ka na? HAHAHAHA"
Pshh. Makatawa naman to. Walang tiwala sa sariling kapatid? Tch.
"Hindi ako susuko no! Bat pa maghihintay ng 5 minutes kung pwede namang ituloy na ngayon! Anong tingin mo sa akin, weak?!"
"Medyo. Hahahaha" agad na sagot nya.
Wow. Palakpakan! Ang honest ng kapatid ko. Kung maka-medyo naman to. Alam ko naman sa sarili ko na weak ako, kaya nga nagpa-practice ako eh. Sabi nga nila practice makes perfect. Anyway, nagsimula na ulit kami sa session namin and after 30 minutes sumuko na ako! Haha. Pagod na talaga ako at feeling ko bugbog sarado na ang boung katawan ko.
Kapwa na kami naghiwalay ni Terrence, dumiretso ako sa kwarto ng mga anak ko para silipin sila at mukhang mahimbing naman ang tulog nila. Ang bait bait talaga ng mga babies ko. ^^, After staring at them for what seemed like hours, dumiretso na ako sa kwarto namin ni Blaze, nagpahinga lang ako konti then naligo na ako. Sakto namang paglabas ko ng banyo ay syang pagpasok ni Blaze. He looks handsome as always. Lumapit ako sa kanya and we hug each other, pero bakit ganun, parang may kakaibang amoy sya ngayon? Parang malansa?
"Hubby? Anong kinain mo for dinner?" Tanong ko sa kanya, nagtataka naman nya akong tinignan before he answered my question. "Burger and fries, why?" Burger and fries, wala man lang ka-isda isda. So ano yung naaamoy kong malansa sa kanya? Hindi naman sya nireregla para mag-amoy malansa sya.
"Ang lansa mo ehh, saang pala-isdaan ka ba lumangoy at ganyan ang amoy mo ngayon ha?"
"What the hell are you taking about?!"
BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomanceBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016