Chapter 32: Sweet Gesture
•••Keira Ashlyn•••
"Wifey, don't be mad at me ..."
Hindi ko pinansin si Blaze. Lulan na kami ng kotse nya at pauwi na kami sa Aerondale Mansion pero hanggang ngayon ay nababadtrip padin ako sa pang-aasar nya. Ewan ko ba pero sobrang naaasar talaga ako sa kanya. Kung si Raven siguro ang mang-aasar sa akin tanggap ko pa ehh, kasi hindi mabubuhay ang isang Raven Aerondale ng hindi sya nakakapang-asar. Pero si Blaze, mang-aasar? End of the world na ba??? Hindi ako sanay.
"Keira naman, please don't be mad at me, please wifey" pagmamakaawa nya pero inismiran ko lang sya. Tss. Kahit lumuhod pa sya dyan, gumapang o kung ano man, nababadtrip talaga ako sa kanya! Paano mawawala yung pagka-badtrip ko eh habang nagmamakaawa syang wag na akong magalit sa kanya nakangiti pa sya na parang natutuwa parin sya sa pang-aasar na ginawa nya sa akin. Tss. Badtrip diba?
Hindi ko talaga sya pinapansin at nagfocus na lang ako sa daan, baka sakali mawala yung nararamdaman kong pagka-asar sa kanya pero sadyang ang kulit nya ata ngayon. Di kaya sumapi ang kaluluwa ni Raven sa kanya kaya ang kulit kulit nya?
"Wifey, gusto mo ba halikan kita .. sa LIPS? Hmmmm" nang-aakit ang tonong sabi ni Blaze. Siguro kung ibang babae lang yan, bumigay na kaagad sa pang-aakit nya pero sorry sya dahil nadala na ako, hindi nya na ako makukuha sa mga paganyan ganyan nya.
"Ewan ko sayo, wag mo akong kausapin" mataray na sabi ko.
"Keira naman eh, bat ba ang sungit sungit mo? Buntis ka ba?"
"HINDI AKO BUNTIS!" Sigaw ko. Asar ehh, porke nagsusungit buntis kaagad? Hindi ba pwedeng nabadtrip lang talaga ng malala kaya nagsusungit? Yan ang hirap sa mga assuming ehh, akala nila kung ano yung in-assume nila yun na ang totoo.
"Chill wifey, nakasigaw ka na dyan kaagad ehh. Kung hindi ka buntis baka naman nag-me-menopause ka na? O di kaya meron ka ngayon? Pfft"
*BOINK* (Sorry sa sound effects)
"Aray naman Keira, what was that for? Bakit mo ako binatukan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Blaze sa akin. He even stopped the car just to stare incredulously at me.
"Ang kulit mo kasi ehh" tipid na sagot ko. Siakol din kasi si Blaze ehh, ako nag-me-menopause? Matanda na ba ako para mag-menopause? Nababaliw na ba sya?
*BEEEEP BEEEEEP BEEEEP* isang malakas at sunod sunod na busina ang bumulabog sa pag-uusap namin ni Blaze. Agad naman akong napalingon dito and boy was I surprised. Nakatigil kami sa gitna ng daan at nag-ca-cause na kami ng traffic! Waaaaah!!! Ilan pang busina ang bumulabog sa amin at hindi lang ito mula sa iisang kotse.
"Tss. Istorbo naman ohh" medyo inis na sabi ni Blaze. Kinuha nya yung baril nya at kinasa ito, akmang bababa na sya pero pinigilan ko sya. "Woi, saan ka pupunta? Anong gagawin mo at bakit dala dala mo pa yang baril mo?!" Medyo nag-aalalang tanong ko. Don't tell me sisindakin nya yung mga yun? Kami na nga yung cause of delay tapos si Blaze pa ang may ganang mag-angas. Aish!
"Patatahimikin ko lang sila"
*BEEEP BEEEP BEEEP* kasunod ng pagbusina ay ang paglapit sa amin ng isang di kilalang lalaki. Padabog nyang kinatok ang bintana sa side ni Blaze. Siguro kung hindi ko lang alam na isang mafia boss si Blaze baka natakot na ako para sa aming dalawa, ang laki kasi ng katawan nung lalaki at mukhang one wrong move at uupakan ka nya.
"Hubby, wag ka nang bumaba, umalis na lang tayo dito" pagmamakaawa ko. Hindi ako natatakot para sa kaligtasan namin, pero nangangamba ako para sa dun sa lalaki, kahit na ba malaki ang katawan nya at sanay sya sa bakbakan, ano ba ang laban nya sa isang mafia boss.

BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomanceBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016