Chapter 69: Demon
•••Raven•••
"Its payback time"
Those words wasn't meant for me but it still gave me the chills. Pagmulat ko agad na tumambad sa akin ang umiiyak na si Mandy, hawak padin nya ang baril nya but despair is clearly writter all over her face. Magkahalong lungkot, paghihinagpis at galit ang makikita sa mga mata nya.
This is what I am afraid of, kung sana ay tinanggap lang nila ang offer ko kanina, hindi na sana humantong pa sa ganito, buhay pa sana si Ice at wala sanang iniiyakan si Mandy. Kahit na medyo nahihirapan ay pinilit kong tumayo and that's when I saw the lifeless body of Ice lying on the floor. Saktong sakto ang tama sa ulo nya, whoever shot him intended to kill him without even listening to a single explanation.
"Time to die Mandy" said a voice somewhere from the shadows.
That person's voice is as cold as ice and it sent shivers up my spine, hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ito, it could only be that person.
"Walang hiya ka! Wala kang awa! Demonyo ka! Isa kang demonyo na nagbalat kayong tao!" Hysterical na sigaw ni Mandy.
Stop. Stop Mandy, sa ginagawa mong yan ay mas lalo ka lang na mapapahamak, mas lalo mo lang syang ginagalit. I wanted to stop her but no words escaped my mouth.
"Yes, I am a demon" tipid na sagot nito. Wala man lang bahid ng kahit na anong emosyon ang boses nya. But the moment he said the word demon, he pulled the trigger. Masyadong naging mabilis ang pangyayari, hindi ko inaasahan na gagawin nya yun, narinig ko na lang ang pagsigaw ni Mandy pagkatapos nun ay bigla na lang syang bumagsak sa sahig. Is she dead? Did she suffer the same fate as her brother?
"De-demonyo ka" nanghihinang sambit ng babae. Kung gayun ay hindi pa sya patay. Nagpasya akong lapitan sya para tignan ang kalagayan nya. Masasabi kong maswerte pa sya dahil hindi sya natamaan sa vital organs nya. Katulad ko ay sa bandang balikat lang ang tama nya.
"Ba-bakit hindi mo pa ako pinatay , tutal dun ka naman magaling. Ang kumitil ng buhay! Isa kang demonyo Blaze!" umiiyak na sambit ni Mandy. Kahit sino ang makakita sa kanya ngayon ay tiyak na maaawa sa kanya.
"Wag kang mag-alala, papatayin din kita pero ang gusto kong maging kamatayan mo ay yung dahan dahan. Tama ka, isa akong demonyo, hindi ko itatanggi ang bagay na yan but this is all your fault. The demon inside me is peacefully sleeping until you woke him up."
Yes, they did. They woke the demon and now they are paying the price. Dahan dahang naglakad si Kuya Blaze palapit sa sugatang si Mandy. Is he going to finish her off? I hope not, kahit na muntik na akong mamatay ng dahil sa kanila may nararamdaman parin naman akong katiting na awa kahit na papano, lalong lalo na at babae sya. So in an attempt to stop him, I tried to divert his attention to me instead.
"Kuya, we should go" sinadya ko talagang lakasan ang boses ko at humarang din ako sa daraanan nya pero hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin at nilagpasan nya lang ako. Damn. So much for my efforts.
"PATAYIN MO NA AKO!" makabasag eardrums na sigaw ni Mandy nung tuluyan ng makalapit si Kuya Blaze sa kanya. Sinubukan nya ding duraan ito pero dahil nakahiga pa rin sya sa may sahig, sa may sapatos lang ni Kuya Blaze umabot ang dura nya.
BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomantikBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016