Chapter 16: Brother
***Keira Ashlyn***
Kanina ko pa sinusundan si Terrence, medyo nakakalayo na din kami sa mansion pero hindi pa rin sya tumitigil sa paglalakad. Saan kaya pupunta ang isang yun? Beyond the garden lies the farm, malawak ang property ng mga Aerondales at napapalibutan ito ng farms, yung mga naaani sa farms ay ini-export nila sa ibang bansa because its a part of their expanding business, madami silang business pero top priority pa rin nila ang mafia organization. Hindi na ako nakatiis kaya tinawag ko na sya baka kasi umabot pa sya sa dulo ng walang hanggan sa lalim ng iniisip nya.
"TERRENCE!" Sigaw ko.
"Keira ! What are you doing here ?!" Gulat nyang sigaw pagkalingon nya sa akin. Agad nya naman akong nilapitan at makikita mo sa mukha nya ang pagtataka kung bakit ako nasa kalagitnaan ng field.
"Kanina pa kita sinusundan Terrence"
"Bakit?" Nagtatakang tanong nya, medyo kumunot pa ang nuo nya sa pagtataka.
"Because I wanted to talk to you"
"A-about what?"
Hindi ko alam kung bakit pero na-se-sense ko na parang naiilang sya sa akin and the fact na hindi nya ako magawang tignan sa mata gave it away.
"About our mother. But before that, okay ka lang ba kambal? Mukha kasing hindi ka okay" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nginitian nya lang naman ako at pinasigla nya ang sarili nya. But he can't fool me, hindi man kami nagkasama ng matagal, alam ko kung okay sya o kung may problema sya. Sabihin na lang nating its a twin connection. "Okay lang ako, may iniisip lang. So why do you wan't to talk about our mom?"
"Wala naman, I just want to know her more. Pero bago tayo magkwentuhan, pwede bang lumipat muna tayo ng lugar. Hello, nasa kalagitnaan kaya tayo ng fields tapos tirik na tirik pa yung araw"
"Pfft okay sure"
Iginiya nya ako papunta sa isang puno sa gitna ng field, walang kahit na anong pwedeng upuan dun kaya umupo na lang kami sa may damuhan. Ang sarap lang mag-relax dito, idagdag nyo pa yung preskong hangin at ang napaka-gandang view. Ang sarap matulog. Kung wala lang kaming pag-uusapang importanteng bagay, matutulog talaga ako dito eh.
"So .. What do you want to know about her? Pero sa tingin ko dapat si Dad ang tanungin mo about kay Mom, pareho lang naman tayong hindi sya nakasama"
"Gagawin ko yan, tatanungin ko si Dad tungkol sa love story nila ni Mom , pero bago ko gawin yun, gusto kong malaman yung naging buhay nya nung bigla na lang syang nawala"
"Hindi ba nasabi ko na sayo ang bagay na yan nuon?"
"Oo nga, pero kagagaling ko lang sa isang traumatic experience nuon kaya medyo hindi na-process kaagad ng utak ko. Hehe. Please Terrence, pwede bang paki-ulit?" Nagpaawa effect ako sa kanya para pagbigyan nya ako at ginulo nya lang naman ang buhok ko bilang sagot. "Tss. Ikaw talaga, mahihindian ba naman kita, okay listen carefully because I'm just gonna tell you this once, kapag kinalimutan mo pa, bahala ka na. Hehe"
"Opo, wag kang mag-alala makikinig ako ng matindi! Kung gusto mo nga irerecord ko pa hihi"
Anyway, sinimulan na ni Terrence ang pagku-kwento. Ang totoo nyan, medyo nakalimutan ko na yung mga sinabi nya sa akin dati, sa dami ng nangyari sa buhay ko, nawala tuloy ang mga yun sa isip ko.
"As I've said before, mom felt threatened even in her own home, she felt like there's a traitor among the organization. She tried to tell dad about her suspicions but he didn't listen kaya humingi sya ng tulong sa kapatid nya, kay Tito Kenneth. Nagtago sila sa kung saan at habang nagtatago, she gave birth to us. But unfortunately, she didn't make it"
BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomanceBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016