Chapter 67: Reason

24K 516 30
                                    

Chapter 67: Reason

•••Keira•••

"Terrence no!" sa pagsigaw ko sa pangalan ng kakambal ko ay sya namang pagharang nito gamit ang kanyang katawan upang maprotektahan si Bullet. Nagitla ako at nakaramdam ng matinding kaba, kaba para sa aking kakambal dahil maaari syang matamaan ng bala at maaari nya itong ikamatay. Mabuti na lang at mabilis na naiwas ni Blaze ang kanyang baril kaya hindi ito nasaktan.

"What the hell are you doing Terrence?" galit na sigaw ni Blaze. Ito ang unang beses na nakita ko syang nagalit ng ganito, madalas kasi ay naka-reserve para kay Raven yung ganitong klase ng galit nya. Mukha namang natakot ang kakambal ko pero pinangatawanan nya padin ang pagprotekta sa kalaban.

"Umalis ka dyan" galit na utos ni Blaze pero hindi parin sya natinag sa kinatatayuan nya kaya naman ako na ang gumawa ng paraan para mapaalis sya. Nilapitan ko ang kakambal ko, hinawakan ko sya sa braso at pilit na ipina-intindi sa kanya na maaari syang mapahamak sa ginagawa nya. Lumapit na din si Sven para tulungan ako pero natigilan kaming dalawa nung bigla na lang humagulgul si Terrence.

"No .. hindi ako aalis dito .. I will protect them .." he said in between sobs. Nakaramdam ako ng awa para sa kakambal ko, ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganito. Naiintindihan ko naman sya, alam kong gusto nyang protektahan si Bullet dahil ang batang dinadala nito ay maaaring sa kanya pero hindi ito ang tamang oras para sa mga ganitong bagay, we are in the middle of a war and showing one's emotion can lead to one's death sometimes.

"Terrence, don't do this, mapapahamak ka lang sa ginagawa mo, magtiwala ka lang kay Blaze, hindi nya sasaktan si Bullet at ang anak mo so please listen to us" pagsusumamo ko. Hindi ko alam kung makikinig sya sa akin pero umaasa ako na sana ay pakinggan nya ako. Sa tingin ko naman ay hindi magagawang patayin ni Blaze si Bullet ng ganun ganun na lang dahil kapag ginawa nya yun ay masasaktan nya ang kapatid ko at kapag nasaktan nya ito alam nyang masasaktan din ako.

"Please don't kill them" umiiyak paring sabi ni Terrence. Kahabag habag ang itsura nya, nakaharang padin sya sa gitna ng hallway pero alam kong handa na syang magparaya, gusto nya lang ng kompirmasyon mula kay Blaze na hindi nya sasaktan ang mga ito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Blaze pero di nagtagal ay pinagbigyan nya din si Terrence sa gusto nito. Agad ko namang nilapitan ang kakambal ko, balak ko sana syang hilahin paalis sa kinatatayuan nya pero na-estatwa ako nung bigla na lang akong makarinig ng putok ng baril.

Nakarinig kami ng dalawang putok, pagkatapos nun ay naging mabilis ang mga pangyayari, agad akong pinuntahan ni Blaze, hinila nya ako at iniharang nya ang katawan nya sa harap ko pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagsigaw ng kakambal kong si Terrence gayun nadin ang pagsigaw ni Mommy Arisa. Pinapatukan nina Blaze, Raven at Sven ang kalaban pero hindi ko alam kung may natamaan ba sila.

Pagkatapos nun ay senenyasan ni Blaze ang dalawang kapatid at agad naman nilang sinugod ang dilim. "They're gone!" sigaw ni Raven the moment he reached the darkness. Nakatakas na ang kalaban. They took advantage of the confusion, ginamit nila ang kapatid ko para makatakas at nag-iwan pa sila ng isang sorpresa. Napaka-sama talaga nila.

Nung masiguro ni Blaze na wala na ang panganib, binitawan nya na ako, dali dali naman akong lumapit kay Terrence at kay Mommy Arisa. Pareho silang may tama ng baril sa balikat. Mabuti na lang at hindi sila natamaan sa kritikal na bahagi ng kanilang katawan pero hindi ko parin dapat na ipag-sawalang bahala ang kalagayan nila, maaari parin nila itong ikamatay, maaari silang maubusan ng dugo at maaari ring magkaroon ng komplikasyon sa kalagayan nila. Habang tinitignan ko sila ay nakaramdam ako ng matinding galit, galit para sa kalaban lalong lalo na kay Bullet.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon