Chapter 29: Council

43.4K 1K 154
                                    

Chapter 29: Council

•••Raven•••.

5 minutes before our meeting and we are already at the venue. Amputs, masyado talagang ulirang mafia boss ang kapatid ko! Kung yun ngang mga lower ranking mafia boss ang trip late entrance early exit si kuya Blaze naman ang trip nya early entrance tapos SUPER LATE exit. Psh. Buti sana kung sya lang kaso dinadamay nya pa ako sa trip nya.

Hindi ko alam kung bakit nagpatawag si Kuya Blaze ng meeting ngayon at kasama pa ang lahat ng mafia groups na under sa kanya, pero isa lang ang masasabi ko, maaaring gumagalaw na ang kalaban kaya naman kinakailangan ng ibayong pag-iingat at paghihigpit lalo na at madami na kaming kailangang protektahan, lalong lalo na si Kuya. Dahil kung ako, si Ann Dee at ang pamilya nya lang ang kailangan kong protektahan, si Kuya Blaze naman he need to protect his wife and the twins, ang daddy at kapatid ni Keira, Mom and Dad at syempre ako na nag-iisa nyang kapatid! Pfft. Special kaya ako sa buhay ni Kuya.

Anyway, umupo na si Kuya Blaze sa sentro ng long table na yun at umupo naman ako sa right side nya. Wala pang ilang minuto kaming nakaka-upo nung magsidatingan na ang mga mafia boss na bumubuo sa mafia org. ni Kuya Blaze. Boss sila ng maliliit na mafia groups at si Kuya ang pinaka-big-boss nila.

"Wazzup Boss Blaze, Boss Raven" bati ni Folex sa amin, kapwa naman namin sya tinanguan. Ang totoo nyan kamag-anak namin sya pero malayong kamag-anak na, siguro pang-3rd cousin na namin sya. Mabuti na lang at gwapo sya dahil kung hindi itatakwil ko talaga sya sa pamilya namin. Sabi nga nila genes can tell, kapag pangit yung isa sa kapamilya mo ibig sabihin nun ampon sya! Haha. Anyway, magaling si Folex sa bakbakan, pero hindi ko maintindihan kung bakit trip na trip nyang mag-iwan ng puting rosas sa mga taong nabibiktima nya, parang trademark ba. Kasi kung ako ang tatanungin mas gusto ko na hidden ang identity ko.

Sumunod na dumating ay si Ms. Lorraine May Almirante a.k.a Raine. Maganda at Sexy. At kapag sinabi kong sexy, sexy talaga sya kaya nga madami sa mga men in black ko ang nagkakagusto sa kanya dahil sa angkin nyang ganda at ka-sexyhan. Her mafia group consist mainly of women and no boys allowed! She loves adventure specially trekking so that explains her sexy bod. Also, single and available. Kaso lang may babyloves na ako kaya hindi ko na pwedeng masyadong titigan ang ka-sexyhan nya. Pfft. Baka kasi tusukin ni babyloves yung eyeballs ko kapag nahuli nya akong nakatingin sa ibang babae kaya pasekreto na lang akong titingin! Haha.

"Hello there handsome people" bati sa amin ni Raine. I smiled at her at kinindatan ko pa sya pero isang simpleng tango lang ang ibinigay ni Kuya Blaze. Wala ehh, takot sa asawa yan eh! Haha.

Next came Ms. Kayla Nicole Solis a.k.a Equinox. Isa lang ang masasabi ko sa kanya, MAGANDA sya, emphasis sa maganda. Mahihiya ang langaw na dumapo sa kanya sa sobrang ganda nya! Hindi ako nagbibiro sa bagay na yan. Madami din sa mga men in black namin ang nagkakagusto sa kanya. But don't let her beauty fool you, mabait sya sa mabait pero mabilis uminit ang ulo nya sa maiingay! Also she hates math at yan ang isang bagay na agree ako sa kanya. Bakit mo pa aaralin yung iba't ibang formula na meron sa mundo eh hindi mo naman yun magagamit sa daily life mo. Tama na ang basic math lang! Anyway, she simply smiled at us then umupo na sya sa kanyang designated seat which is beside Raine.

Now dalawa na lang ang hinihintay namin, si Samantha Euria at si Dawn. Kapag dumating na sila maaari na kaming magsimula sa council meeting namin. Anyway, senenyasan ko ang right hand man ko para i-serve na ang mga refreshments. Psh. San ka nakakita ng meeting tapos wala man lang meryenda! Pero imbes na the usual meryenda, I served wine for the women and something a little hard for us men.

Nakalahati ko na yung iniinom ko nung sabay na dumating si Samantha at si Dawn. They both smiled at us and they even waved at us so I did the same to them. Ang sweet talaga ng dalawang to, hindi mo aakalain na mafia boss pala sila.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon