Chapter 31: Selos

43.3K 936 60
                                    

Chapter 31: Selos

•••Keira Ashlyn•••

Hindi ko makita ang ginagapangan namin ni Ann Dee dahil medyo masikip ito plus sya pa ang nauuna, hindi naman kami pwedeng magtabi dahil mukhang pang-isahang tao lang ang kasya dito. Ang totoo nyan kanina pa ako natatakot, feeling ko kasi any moment may hahablot sa akin from behind. Kanina padin kami gumagapang pero parang ang tagal bago kami makarating sa destinasyon namin.

Kakalabitin ko na sana si Ann Dee para sana ayain sya na bumalik na lang kami sa pinanggalingan namin nung bigla akong makarinig ng putok ng baril then the next thing I know I was falling to god knows where. Ni hindi pa nga ako nakakapag-react sa putok ng baril ehh pero heto at mukhang sinasalubong na ako ni kamatayan.

"Aaaaaaaahhhhhhhh!" Sigaw ko. Naririnig ko din ang pagsigaw ni Ann Dee pero hindi ko alam kung nasaan sya dahil ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Alam ko na ang mangyayari sa akin, babagsak lang naman ako sa semento at kakalat ang dugo, utak at laman loob ko sa kung saan saan tapos mababalian din ako ng buto at kung ano ano pang masaklap na bagay na maaaring mangyari sa akin. Minsan ang morbid lang ng thoughts ko. Aish.

Hinihintay ko ang pagbagsak ko sa matigas na semento pero ilang minuto or segundo na ata ang nakakaraan pero hindi ko padin ito nararamdaman at parang bumagsak pa nga ako sa something na malambot. Dahan dahan ko namang binuksan ang mata ko, in-case na sinusundo na  pala ako ni San Pedro at malambot na ulap ang naramdaman kong kinabagsakan ko kanina pero imbes na si San Pedro ang makita ko, ang gwapong mukha ni Blaze ang tumambad sa akin.

He looks scary and handsome at the same time, napaka-seryoso kasi ng mukha nya right now. At syempre hindi ko na kailangang magtanong pa kung ano ang kinakagalit nya. Tinignan ko na lang ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhang ito, my best friend Ann Dee. Just like me, sinalo din sya ni Raven kaya pareho kami ng kalagayan, buhat buhat ako ni Blaze samantalang sya naman ay buhat buhat ni Raven. Nasa ganun kaming posisyon nung may biglang magsalita mula sa likuran namin.

"Boss, nahuli nyo na daw ang mga intruders?" Tanong ng kung sino man sa likuran ni Blaze. Ni hindi ko man lang napansin ang paglapit nya. Hindi ko makita kung sino ang nagsalita dahil sa buhat buhat padin ako ni Blaze pero alam kong babae yun dahil na rin sa boses nya. Pero shemz, ang ganda ng boses kaya may hinala ako na maganda din ang nag-ma-may ari ng boses na yun.

Anyway, bigla ko namang naalala yung pag-uusap namin ni Ann Dee kanina. Paano pala kung tama sya? Paano kung punong puno nga ng babae ang grupo ni Blaze and worse may lumalandi na sa kanya!? Kung kanina nagsisisi ako na nagpadala ako sa pandedemonyo ni Ann Dee, ngayon nagpapasalamat na ako!

Dahan dahan naman akong ibinaba ni Blaze saka sya humarap sa babaeng nasa likuran namin. "Yes, we already caught them. Its just my wife and Raven's fiancee" Blaze said. Dahil sa hindi na ako buhat buhat ni Blaze, malaya ko nang napagmasdan yung babaeng kausap ng asawa ko at ang masasabi ko lang .. ayokong magreact pero hindi ko maiwasan! Pasimple na lang akong tumingin kay Ann Dee and she have this smug look in her face na para bang sinasabi nyang 'I told you so'. Tss.

Ang babaeng nasa harap ko ngayon ay maganda. Kulang nga ata ang word na maganda para i-describe sya. Mukha syang dyosa not to mention she's so SEXY. Ito yung klase ng pagka-sexy na pang-FHM level.

"Hi I'm Lorraine May Almirante but you can call me Raine. Nice to finally meet you, queen" pagpapakilala nya sa sarili, inilahad nya pa ang kamay nya na 50 years ko muna atang pinag-isipan bago ko naisipang tanggapin. Ang lambot lang ng kamay nya. Total package, maganda, sexy at flawless pa. In short nakakaselos.

"Nice to meet you" mahinang sabi ko. Parang naubusan ako ng energy nung makita ko sya. Ang ganda nya kasi eh T^T Confident naman ako sa mukha at katawan ko pero minsan kasi meron talagang mga babaeng sobrang ganda at sexy, ang only option mo na lang ay hangaan sya o kamuhian sya.

Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon