Chapter 26: Hearts Day
•••Keira Ashlyn•••
"Before I forgot Keira, may ipapakilala nga pala ako sayo" Raven said. Nakatambay na kami ngayon sa office ni Blaze at hinihintay na lang namin syang matapos sa kung ano mang ginagawa nya. I look at Raven curiously. Sino naman kaya ang ipapakilala nya sa akin? If that person is anything like Mandy then thanks, but no thanks. Andami ko nang na-meet na hindi kanais-nais na tao para sa araw na to kaya tama na muna yun, kota na ako.
Anyway, hindi ko na nagawang magreklamo pa dahil may biglang tinawagan si Raven sa phone at inutusan nya itong pumasok na. Wala na akong nagawa pa kaya hinayaan ko na lang. Besides, I did say na kota na ako from meeting people but still, I got curious kaya inabangan ko ang pagbukas ng pintuan.
After a few minutes, the door finally opened.
Standing at the door is a girl, payat lang sya at naka-ponytail ang buhok nya kaya hindi ko alam kung gaano ito kahaba pero isa lang ang masasabi ko, mukha syang mabait and not to mention she looks cute "Good Morning Sir Raven, Mam Ann Dee, Mam Keira, I am Reinalyn Baluyut and I'm gonna be your secretary Mam Keira" nakangiti nyang sabi, nag-bow pa sya pagkatapos nyang sabihin yun. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba sya o tatarayan, ang bilin kasi ni Raven wag akong magpapakita ng kahit na anong emosyon diba? Parang nag-alangan naman sya at medyo kinabahan dahil sa kawalang-reaksyon ko sa pagpapakilala nya kaya in the end naawa na ako and I smiled at her. Yung simpleng ngiti lang just to acknowledge her.
"Nice to meet you Reinalyn"
"Ahh Mam Keira, kahit Rein na lang po ang itawag nyo sa akin" she said while smiling widely at me. Ang cute naman nun, Rein, parang ulan lang (:
"Okay got that" sagot ko naman.
"So paano ba yan Ladies, iiwanan ko na muna kayo so you can get to know each other more. Okay? Si Rein na ang bahala sayo Keira, if you need anything just ask her, na-orient naman na sya sa mga duties nya as your secretary so she'll know what to do. Utusan mo na lang sya kapag may iba ka pang kailangan, okay?" Raven said. Well, she seems okay at mukhang magkakasundo naman kaming dalawa kaya hindi na ako umapila pa. As for Ann Dee agad naman nyang tinapunan ng masamang tingin si Raven. "At saan ka na naman pupunta BABYLOVES?!" Ann Dee said habang nanlilisik ang mga mata nya pero hindi naman natakot si Raven sa kanya.
"May aasikasuhin lang ako Babyloves, hindi ako mambababae, hindi ako titingin sa ibang babae so don't worry" nilapitan ni Raven si Ann Dee na kasalukuyang nakaupo sa couch at binigyan nya ito ng halik sa noo. Awww. So cute. Mukhang kontento naman ang bestfriend ko kaya wala nang naging aberya pa sa pag-alis ni Raven. Anyway, nagpaalam na sa amin si Raven. Most probably he's off to somewhere para gumawa ng kalokohan o di kaya mafia related ang aasikasuhin nya. Whichever the case, ayos lang yun basta ba bumalik sya ng walang galos sa katawan!
Pag-alis ni Raven medyo nagkahiyaan na kaming tatlo, kaya naman kinalikot na lang ni Rein ang cellphone nya habang si Ann Dee ay nagbasa na lang ng magazine. Parang nakakahiya naman kasi kung mag-uusap kami ni Ann Dee tapos excluded sya diba. Anyway, pagbukas ni Rein sa cellphone nya napansin ko yung wallpaper nya because it kinda looks familiar to me. Hindi na ako nakatiis kaya I pointed it out to her.
"Diba si Lacus at Kira Yamato ng Gundam Seed yang nasa wallpaper mo?" Tanong ko, itinuro ko pa yung cellphone nya. Agad namang nanlaki yung mata nya na para bang hindi sya makapaniwala. "Opo! Favorite ko po kasi ang Gundam Seed, nanunuod din po pala kayo ng Anime Mam Keira?" masayang sabi ni Rein. Nakakatuwa lang yung expression nya, makikita mo talaga na love na love nya ang anime.
"Yep nanunuod din ako, kaso lang matagal ko nang napanuod yang Gundam Seed kaya hindi ko na masyadong matandaan yung mga nangyari"
(Kaway kaway sa mga fellow Otaku dyan)

BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomanceBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016