Chapter 60: Party 2
•••Keira•••
My hands are sweating like crazy, hindi ito ang unang beses na um-attend ako sa isang magarbong pagtitipon kaya sanay na akong pagtinginan ng ibang tao, sanay na sanay na ako na madaming matang nakamasid sa akin dahil sa tuwing may ganitong okasyon na lang, laging puti ang pinapasuot nila sa akin habang silang lahat ay naka-itim. Ano bang meron sa puti?
Everyone is in black so I am the only light in this sea of darkness. Ako lang ata ang hindi nabigyan ng memo na itim ang dresscode, I felt exposed, feeling ko dahil ako lang ang naiiba madali akong mahahanap ng mga kalaban but on a positive note maaari din namang ang dahilan nito ay para mas madali akong mahanap ni Blaze. Whichever the case, I'm already wearing it so there's no point denying.
The only consolation I got is that I have Blaze beside me. Kahit saan ako magpunta ay nakasunod sya sa akin pero most of the time ay ako ang hinihila nya sa mga kakilala nya to mingle or to get updates from them. Hindi ko naman sila kilala so imagine how awkward that is, mabuti na lang at kasama namin si Zach kaya may nakakausap ako.
Napag-alaman kong nakatira sya sa ibang bansa kaya paminsan minsan na lang sya kung mapadalaw rito sa pilipinas pero sa mga araw na napapadalaw sya lagi nyang 'pinagti-tripan' ang mortal 'frenemy' nya which happens to be Raven. Frenemy dahil friends naman sila kahit na madalas enemy ang turing sa kanya ni Raven. According to him, hindi daw kasi matanggap ni Raven na MAS GWAPO sya at MAS HABULIN sya ng chicks, idagdag pa ang pamatay nyang dimples na wala si Raven. Tsk. Tsk. Tsk. Of all the things na pwedeng pag-awayan, ka-gwapuhan talaga? Hindi ba pwedeng lahat sila gwapo?
Nagpatuloy sya sa pag-ku-kwento habang patuloy kami sa pag-ikot na kunwa ay nag-i-istima ng mga bisita. Ang lahat ay nagkukunwaring masaya sa pagtitipong ito pero alam ko sa likod ng pagbabalatkayong yun ay ang tensyong nararamdaman naming lahat.
An hour has already passed pero wala pading nangyayaring kakaiba, dapat maging masaya ako na wala pang nangyayari pero ewan ko ba malakas ang pakiramdam ko na meron at merong mangyayari na hindi namin inaasahang lahat. Baliw na siguro ako, ang ibang tao ipagpapasalamat na walang nangyari pero heto ako, dreading things. Tch.
"You wan't something to drink Keira?" alok sa akin ni Zach. Come to think of it, I am a bit parched. Tumango ako sa kanya bilang sagot at dali dali naman syang nagtungo sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain at inumin.
"Thanks" sabi ko nung ibinigay nya sa akin ang inuming kinuha nya, iinumin ko na sana ito nung bigla itong kunin mula sa akin ni Blaze. At ang siste sya ang uminom ng inuming para sana sa akin.
"Blaze naman eh! Nauuhaw na kaya ako!" reklamo ko. Kaw kaya ang maglakad lakad at tumayo ng isang oras sa napakalawak na kwartong ito ewan ko na lang kung hindi ka magutom o kaya ay mauhaw. Tinignan ko sya ng masama pero hindi naman sya naapektuhan sa pagtitig ko sa kanya, in fact he doesn't look apologetic or anything like that for that matter at all. Tsk. My heartless husband.
"No alcoholic drinks allowed for my wife Zach" Blaze said seriously. Natawa naman si Zach sa sinabi nya, he's probably thinking I'm weak dahil sa edad kong ito eh hindi pa rin ako pwedeng uminom ng alak or pwede ring tinatawanan nya ang pagiging 'overprotective' at pagiging 'kill-joy' ni Blaze which is the main reason kung bakit nga ba hindi ako pwedeng uminom ng alak no matter how little the alcoholic content may be.
"It's just a little alcohol Kuya Blaze" Zach said.
"She's pregnant" tipid namang sagot nito.
BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomanceBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016