Chapter 71: Regrets
•••Bullet•••
As I lay dying my whole life flash back into me with a vengeance, memories I want to forget, memories that I want to bury suddenly resurface and are now haunting me. Nakakainis, bakit ngayon pa? Life is such a bitch sometimes.
"Bullet" paulit ulit na tinatawag ni Cloud ang pangalan ko, ang pangalang kinamuhian ko, ang pangalang naging dahilan ng lahat ng pagdurusa ko. Sa pagtawag nya sa pangalan ko ay unti unting bumalik sa akin ang isang masalimuot na alaala.
Bullet.
'Bakit Bullet ang pangalan mo?' tanong ng mga kalaro ko. Matagal ko na ding tinatanong sa sarili ko kung bakit yun ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko, pero kahit na anong isip ang gawin ko ay wala akong maibigay na kasagutan.
'Ang sabi ng Daddy ko ang ibig sabihin daw ng Bullet ay bala ng baril' ani ng isa sa mga kalaro ko. 'Talaga? Nakakatawa naman yun!'
Tumawa sila ng malakas hanggang sa ako na ang naging tampulan ng tukso.
Umuwi akong luhaan nung araw na yun, agad kong hinanap ang aking ina at natagpuan ko sya sa may hardin kasama ang aking kapatid na si Zoe. Masaya silang nag-uusap habang ako naman ay tagaktak ng pawis at puno ng dumi ang mukha.
'Mommy' tawag ko sa aking ina. Nilingon nya ako pero agad na napawi ang ngiti sa mukha nya ng makita ako.
'Anong nangyari sayo Bullet?' nagtatakang tanong ni Zoe. Hindi ko sya sinagot. Sasabihin ko ba? Ayoko. Nahihiya ako. Mabuti na lang at inutusan sya ni Mommy na pumasok na sa loob, na agad nya namang sinunod.
Pinagmasdan ko sya habang naglalakad sya palayo at nung tuluyan na syang nawala sa paningin ko bigla kong naramdaman ang mabigat na palad ng aking ina sa aking mukha.
'Mo-mommy?' Hindi makapaniwalang usal ko. Sinampal nya ako. Ito ang unang beses na ginawa nya sa akin ito. Pero bakit? May nagawa ba akong kasalanan?
'Diba ang sabi ko sayo wag mo kaming i-istorbohin kapag magkasama kaming dalawa! At bakit ganyan ang mukha mo? Anong nangyari sayo?! Ano na lang ang sasabihin ng mga taong makakakita sayo! Nakakahiya ka!'
'So-sorry po Mommy, hi-hindi ko na po uulitin. Sorry po' paulit ulit ang paghingi ko ng tawad. Sa mura kong edad, napuno ako ng takot, takot na magkamali dahil ang boung akala ko ay isang napakabigat na kasalanan na ang nagawa ko kaya naman hanggang pagtanda ay nadala ko ang takot na yun.
'At bakit ganyan ang itsura mo?' muli ay tanong nya. Sasabihin ko ba? Natatakot ako, baka magalit sya lalo kapag nalaman nya ang dahilan kung bakit ganito ang itsura ko. Pero kung hindi ko sasabihin, nasisiguro kong mas lalo syang magagalit sa akin.
Ikinuwento ko sa kanya ang boung pangyayari, mula sa pagtatanong ng mga kalaro ko kung bakit Bullet ang pangalan ko hanggang sa pang-aasar nila sa akin. Ang akala ko ipagtatanggol nya ako pero tumawa lang sya ng malakas katulad nila. Ang sakit. Ang sakit sa pakiramdam, parang may tumutusok sa munti kong puso.
'Alam mo ba kung bakit Bullet ang pangalan mo? Nabuhay ka sa mundong ito para protektahan ang kapatid mo. I am a queen and Zoe is a princess, she is my precious child, as for you, you will be her weapon and shield. You have to protect her. Wag na wag mong kakalimutan ang bagay na yan'
BINABASA MO ANG
Cinderella Is Married To A Gangster! 2 (Complete)
RomantikBook 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016
