CHAPTER 33: Retreat

212 3 0
                                    

Abigail's POV:

Thursday na ngayon at retreat na namin.

"Commander, kailangan tabi tayo sa bus ah." Sabi ni Ivan at hinawakan nya ang kamay ko.

"Yes, boss." I answered smiling.

Commander ang tawag nya sakin at Boss naman ang tawag ko sa kanya. Kyaah~ ang cute ng endearment namin no? Haha. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na. Oo, tama kayo kami na nga. Sinagot ko lang sya kahapon. Ayiie kinikilig na naman aketch. Hihi.

4:15am kami dumating ni Ivan/boss dito sa school, sinundo nya kasi ako sa amin. Hindi ko pa nga sya napapakilala sa parents ko eh at ganun din sya. Siguro next time na lang. Hehe. 5am yung assembly at dapat nandito na lahat ng kasali sa retreat. Hindi ko pa din pala nasasabi kila Cess at Mela na kami na ni Ivan, siguro pagdating na lang namin sa Tagaytay. Hehe. Magkasama nga pala sa isang bus ang Section A at C wooh! 4th year lang ang may retreat. 2 bus nga kami eh. Tatlo kasi kaming section. (A,B, at C first batch silang magreretreat)

Melanie's POV:

"K-kent nandito ka pala. Sinusundo mo ako?" Nauutal kong sabi. Paano ba naman hindi ako kakabahan paglabas namin ni mama may nakapark na kotse sa labas at nakatayo si Kent at nakasandal sa kotse nya. Aish! Bakit hindi nya ako sinabihan na pupunta sya dito ha? Anong sasabihin ko nyan? Tsk. Kakalbuhin ko talaga tong Rodriguez na to e.

"Ah. Goodmorning po." Bati nya sa mama ko at tumayo sya ng maayos. Ang name ng mother ko ay Candy Montellaba.

"Sino to Melanie?" May halong pagtataray sa boses ni mama. Ganyan na kasi si mama simula ng namatay sa car accident si papa nagtataray lalo na sa hindi nya kilala. Hays.

"Ano.. s-si Kent po, kaibigan ko." At ngumiti ako kay mama ng pilit.

"Anong surname mo hijo?"

"Rodriguez po. Bakit po?"

"H-ha? W-wala. Nevermind. May kahawig ka lang kasi. Sige na, baka malate pa kayo. Ingat kayo ah."

"Sige po." Sabay na sagot namin ni Kent at tumalikod na. Pinagbuksan nya ako ng pinto, papasok na sana ako sa loob ng kotse ng may sumigaw.

"ATEEEEE!!" Tumakbo sya sakin at niyakap ako hanggang sa bewang. 6 years old pa lang kasi sya.

"Marian? Bakit gising ka na agad? Ang aga pa ah."

Humiwalay na sya ng yakap sakin at kinusot kusot nya ang mata nya. Halatang bagong gising palang. Haist.

"Hehe. Wala lang po. Hi Mr. Pogi." At kumaway sya kay Kent atsaka nagsmile ng sobrang pa-cute haha joke lang cute lang talaga kapatid ko.

"Hello Ms. Cute" at kumaway din si Kent kay Marian at ngumiti. Yan ang PA-CUTE. Hahaha.

"Ate boyfriend mo?" Diretsong tanong ni Marian. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Ang aga aga lumalabas na naman pagkachismosa ng kapatid ko. Nakakain ata ng cheeze. Haha.

"Ha?! Itong mukhang unggoy na to? Haha. Hindi no. Eew!" At tiningnan ko si Kent ng nandidiri.

"Ms. Cute huwa----" pinutol ko na agad sasabihin nya. Gagawa na naman kasi ng kwento, baka maniwala pa to kesa sakin. Magkastoryahan pa. Lol.

"Tara na tara na. Malalate na tayo oh." At pumasok na ako sa loob. I heared him chuckled bago pumasok sa loob at umupo na sa driver seat. May license ba tong lalaki na to? Baka mahuli kami ah. Isipin nyo 4th year High School pa lang marunong ng magmaneho kahit saan?! 'Di bale mayabang nga kasi.

"Bye ma, bye kapatid."

"Bye. Ingat." -mama

"Bye. Mr. Pogi ingatan mo si ate ah. Lampa yan. Haha."

"Pfft.. haha. Sure. Bye tita, bye Ms. Cute." Magkakasundo pa ata tong dalawa na to ah. Iniisip ko pa lang ngayon, kawawa na ako. Sak-laugh.

Princess's POV:

"Oy, Princess dalian mo nga. May naghihintay sayo sa baba!" Sigaw ni kuya malapit sa pinto. What?! May naghihintay saken? Sino naman yun? O niloloko na naman ako nito?

"Oo na. Nandyan na!" sinukbit ko na ang backpack ko. Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na.

Pagbaba ko, nahagip agad ng mga mata ko ang isang lalaki na nakaupo sa sofa at naka-side ang mukha nya kaya hindi ko sya masiyadong mamukhaan kung sino, pero parang familiar siya sakin e, nakikipagusap lang sya kay mama, si daddy kasi tulog pa, puyat siguro sa work. At kung magusap sila ni mama parang close na agad sila ah, sino ba tong fc na to? Pamilyar talaga siya sakin eh. Ugh.

"Mama sino yang -----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko para bang naistock sa lalamunan ko yung sasabihin. O.O Bigla kasi siyang humarap sakin tsaka tumayo at ngumiti ng mala-anghel. What mala-anghel?! No way. Erase erase.

"Chad?! A-anong ginagawa mo dito?"

"Oh, anak nandyan ka na pala. Sinusundo ka na ng manliligaw mo oh." May pangaasar na sabi ni mama. Manliligaw?! Huwat?! Waaah! Bakit alam ni mama? Tanga ka ba Princess syempre sinabi ni Chad. Waaah! Noo! Lagot ka saking epal ka. Napakalaki mo talagang epal.

"Ha-ha mama nagpapatawa ba kayo? Yan manliligaw ko? E wala nga sakin nanli----" naputol na naman ang sasabihin ko ng biglang sumulpot si kuya somewhere at lumapit kay epal.

"Hay nako kapatid, huwag na magdeny. Kaclose ko kaya tong manliligaw mo at kaclose ko din sila Kent, Ivan, Mike at Paulo. Nagpatulong pa nga sya sakin kung anong diskarteng sasabihin sa parents natin na nanliligaw na sya sayo e. Diba bro?" At tsaka nya tiningnan si epal tumango lang naman sya.

"Hindi ako naniniwala, h-hindi ko yan manlili---" again. Tss.

"Ayiie! Anak huwag ka na nga magdeny. Boto naman ako sa manliligaw mo eh. Haha. Sasabihin ko to sa dad mo at siguradong matutuwa din yon. Alam mo bang akala namin na tatanda kang dalaga paano ba naman puro libro na lang inaatupag mo kaya. Aha! At kaya pala palagi kang nakangiti tuwing umaga ha, may nanliligaw na pala sayo at ang gwapo pa ang swerte naman ng anak ko. Hays. Yiie." Mahabang lintanya ni mama. Nakita ko pa sa mga mata nya na nagheart shape. Aish! Si mama talaga oh.

"Mama." Irita kong sagot at nagrolled eyes. Ngumiti lang sakin si mama at saka ako niyakap. Habang yakap yakap ako ni mama, sinamaan ko na agad ng tingin si kuya at epal. Reaksyon lang nila? Ayun nagpipilit ng tawa. Pangasar talaga sila urgh. Ano daw sabi ni kuya? Kaclose nya sila Kent, Ivan, Paulo at Mike? Ha? Paano nangyari yun? Kailan naman? Psh.

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon