CHAPTER 11: Awkward

288 6 1
                                    

Pagkapasok ko hinanap ko kaagad ang dictionary. Nang mahanap ko na kinuha ko na agad ito maglalakad na sana ako papuntang cashier..

*BUGSH*

May biglang bumunggo sa balikat ko kaya napaupo ako sa sahig.

"Ano ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa daan?" inis kong sigaw sa kanya. Si Angel lang naman ang bumunggo sakin, si Keith lang yung kasama niya.

"Oops! Sorry. Akala ko kasi kung sinong NERD at PANGIT ang nabunggo ko." Maarte niyang sabi at diniinan pa talaga yung NERD at PANGIT. Kahit kailan bwisit talaga to!

"Whatever." Mataray kong sagot tumayo na ako at pinagpagan ko na din ang pwetan ko. Maglalakad na ulit sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko.

"Ano na na---" naputol ang sasabihin ko ng may biglang nagsalita galing sa likod ko na kinagulat ko at mas kinagulat ni Angel.

"Princess nerd kanina ka pa namin hinaha--- Oh!" sabi ni Ivan. At nagulat din siya. Kaya napalingon ako at silang tatlo nandito.

"B-bakit kayo magkasama?" nauutal na tanong ni Kent.

"Oh! Hi." ngumiti si Angel ng may pagkamalandi. Phew! Yuck! "Ah w-wala nagkasalubong lang kami. Diba?" dagdag pa ni Angel at hinigpitan niya ang hawak niya sa braso ko bago niya tanggalin at ngumiti sakin ng peke.

"Ah oo." humarap ako sakanila at ngumiti din ng peke. Phew! Ayoko ng ganito. Hindi ako PLASTIK!

"Kayo lang ba dalawang magkasama?" tanong ni Kent. At tinuro niya sila Angel at Keith.

"Oo eh." Sabi ni Angel at yumuko.

"Ganun ba." Sagot naman ni Kent.

"P-pwede ba kaming maki-join sa inyo?" tanong naman nung Keith. Ang lalandi nila.

Nagtininginan yung tatlo. Parang may something? Bakit ba sila nagulat kanina tapos parang nahihiya sila sa isa't isa. Anong meron?

"S-sure." Nauutal na sagot ni Ivan. Oh diba parang may something talaga, bakit ba sila nauutal? Ano ba yan Princess pati ba yun iisipin mo?! Teka lang, pumayag sila? NOOOOOO!!

Tiningnan ko sila Keith at Angel abot langit ang ngiti nila. Ugh. Nakakasuka mga ngiti nila. Kadirdir! Bakit ba sila pumayag?! Kainis.

"Uhm bayaran ko lang to." tumalikod na ako at naglakad. Nang mabayaran ko na, lumabas na ako sa NBS pero pagkalabas ko nandun silang lima.

"Let's go!" nakangiti na sabi ni Ivan.

At naglakad na kami.

"Saan niyo gusto kumain?" tanong ni Ivan. Oo siya lang ang nagsasalita, ewan ko nga eh. Parang may something talaga. Ang awkward.

"Sa KFC nalang." Masayang sabi ni Angel. Katabi ko nga pala sa paglalakad ay si Chad siya sa kaliwa tapos sa kanan ko naman ay si Ivan, tapos katabi ni Chad ay si Kent, tapos katabi ni Ivan ay si Angel, at katabi naman ni Angel ay si Keith. (Gets niyo? Hehe. Intindihin niyo na lang guys)

"Okay." – Ivan.

*Silence*

*Silence*

*Silence*

Hindi ko na kaya ang katahimikan na to! Kaya pinutol ko na ang tahimik na aura dito. Ang tahimik talaga.

"Parang may something?" awkward na tanong ko sa kanila. Tumingin sila sakin include Chad. Oo lahat sila tumngin. Tinanong ko lang naman ah? Nakakunot pa ang mga noo nila. Huhu. Lagot ka Princess! Bakit mo pa kasi tinanong yun..

"Alam mo naman palang may something bakit hindi ka pa umalis, wala kang alam! Wala kang alam sa Prince 3 at wala kang alam samin tapos kung makadikit ka sa Prince 3 akala mo kung sino ka!" inis at galit na sabi ni Angel sa akin. Kaya napatigil kami sa paglalakad tapos tumingin ako sa kanya at nakacross-arms lang siya.

"ANGEL!" suway ni Ivan.

"Totoo naman diba?" mataray na sagot niya. Naiiyak na ako. Tama naman talaga si Angel wala akong alam sa kanila o sa nangyayari.

Kaya yumuko nalang ako. "Oo totoo nga wala akong alam sa inyo." I answered in a lower voice. Naramdaman kong tumingin sila sakin. Maglalakad na sana ako kaso may humawak sa kanang kamay ko. Tumingin ako kung sino.. si Chad, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Tss. Tayo na nga lang kumain. Ang ingay naman dito. Gutom na ako eh." cool lang na sabi niya at hinila niya na ako. Tumingin ako sa kanila. Ganito ang itsura nila:

Kent             O_O

Ivan              O_O

Keith            O_O

Si Angel naman galit na galit ang itsura. Creepy.

Naglalakad kami ni Chad ng..ng..magka-holding hands.

"Ah.. ano" tumingin ako sa kamay namin na magkahawak tapos naramdaman kong tumingin siya sakin.

"S-sorry." binitawan niya na ang kamay namin.

"Sa Jollibee na lang tayo kumain ah." Sabi niya. OHMYGHAD! Anong nakain nito at bumait ata?!

Tumango na lang ako bilang sagot.

Nang makarating na kami sa Jollibee naghanap kami ng mauupuan at ng makahanap na kami ay umupo na kami.

"Anong oorder mo?" tanong sakin ni Chad.

"Hm same as my order nung first panggap date natin." nakangiti kong sagot. "Oh, ito 250 yan ah." Dagdag ko pa. At inabot ko sa kanya yung pera.

"Okay." tapos tumayo na siya.

Nang makaalis siya, biglang tumunog yung phone ko. Pagtingin ko may tumatawag na unknown number. Sino kaya to?

I just click the answered button.

"Hello?"

(Princess nerd si Kent to. Nasaan kayo ni Chad?)

"P-paano mo nakuha number ko, I mean saan mo nakuha?"

(Sa kaibigan mo.)

"Huh?! Pano mo nakuha?" hindi kasi basta basta namimigay ng number si Mela. Strict yan pagdating sa mga hindi niya masyado kaclose.

(Ahm.. inagaw ko sakanya yung phone niya habang naglalaro siya ng candy crush tapos kinuha ko number mo. Ang galit nga e. Haha.)

"Ugh. Lagot ka s---"

(May nagpautos lang sa akin. Huwag mo na tanungin kung sino. Ako naman, answer me nasaan kayo ni Chad? I already answered your question.)

"Sino yan?" – Chad

"Ah..si.." – ako

"Akin na nga." kinuha niya ang phone ko at pinatay.

"Ano ba? Bakit mo pinatay? May kausap pa ako." inis kong sigaw ko sa kanya. Ang bastos lang talaga tsk. Hindi ko lang namalayan na nandito na siya. Binigay niya sakin ang phone ko.

"Si Kent kausap mo diba?" tanong niya sakin at umupo na.

"O-oo." Sagot ko at yumuko. "Teka lang, pano mo nalaman na siya ang kausap ko?" dagdag ko pa, tumungo na ako.

"Siyempre kaibigan ko yun eh. Subukan mo lang sabihin kung nasaan tayo lagot ka sakin."

"Bakit ayaw mo pasabi?"

"Ayoko lang ng maingay. Kahit alam kong maingay ka. Pfft.."

"Ha? May sinasabi ka?"

"Ah wala, wala. Sabi ko kumain na tayo."

"Tss." kumain na nga lang kami.

Hanggang umuwi na kami ang tahimik lang. Ewan ko. Ang awkward na naman ng feeling. Parang ang lalim ng iniisip niya.

Ang daming nangyari ngayong araw. Kahit wala akong alam sa nangyayari. Ays.

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon