Hi/Hello :D
Malapit na ang Independence Day!! Alam nyo na naman kung anong meron hihi. Sa mga hindi nakakaalam BIRTHMONTH ko po 🎂 BTW ito na lang muna ang pablowout ko sa inyo. MY UPDATE :* ENJOY!
>>
"Third Day"
Time check: 7:05am
Princess's POV
"Friend, ano pinagusapan nyo ni Zeke ha? Kagabi hindi ka namin makausap e. Okay ka na naman siguro ngayon?" Tanong ni Mela. Nandito na kami ngayon sa bus nasa pinakalikuran kami ako ang nasa tabi ng bintana at katabi ko naman ay sila Mela at Abi. Yung mga partners namin? Humanap ng ibang pwesto. Tss. Papunta na kami ngayon sa last destination sa Sky Ranch Tagaytay dala na din namin ang mga gamit namin dahil deretso uwi na kami pagkatapos.
"H-ha? Wala naman, tungkol lang kila epal at Angel. Hayaan nyo na. Wala lang naman yun." I answered and smile.
"Sigurado ka ah?"
"Oo nga. Haha."
"Sabi mo eh." Then she smiled.
"Nga pala, Abi okay ka lang? Nagkausap na ba kayo ni Ivan?" Tanong ko at tumingin sa kanya.
"Okay lang naman. Yeah, nagkausap naman na kami. Ni let go ko na yung first love first love na yan. Akin na naman siya eh, tsaka nagpromise na din siya na wala na yun, nakalimutan na nya." Sagot niya at ngumiti. Tama nga naman, ngumiti na lang din ako.
After 30 minutes na biyahe namin nandito na rin kami sa wakas. Bago kami bumaba nagbigay lang ng rules and regulations si Mam Dizon at sinabi lang na magenjoy, ride all you can, magiingat din dahil hindi na naman daw kami mga bata para bantayan pa at may mga isip na, alam na ang tama at mali.
Bumili na din ng mga souvenirs pagkatapos 12pm babalik na kami sa bus at dapat din nakakain na kami nun, meron naman daw mga restaurant sa mga tabi nito.
Nang makaentrance na kami sa Sky Ranch nagkita kita din naman kaming anim (Ako, Epal, Mela, Kent, Abi, Ivan)
"Hihiwalay kami sa inyo ni Abi ah. See you. Ingat kayo." Sabi ni Ivan at inakbayan si Abi at naglakad na sila papalayo saamin. Urgh. Bakit ba lagi nila gusto solo solo? Pwede namang group date gawin diba?
"Kami naman ni Ce----" naputol ang sasabihin ni Mela ng hawakan siya ni Kent sa kamay at hinigit papalayo sa amin ni epal. Psh. Lagi naman eh. Pati nung first day namin dito ganyan din nangyari.
Hays. Tsaka hindi ko naman kailangan ng kasama ano, siguro naman hindi ako maliligaw dito kaya nga lang ang boring at para akong sira at nagiisa. Loner ba kung baga. Teka, ano ba pakialam nila kung nagiisa ako? Sanay na naman ako ah. Nerd nga diba? Bully?
Tumikhim muna ako at magsisimula ng maglakad ng may humawak sa right hand ko. Sino pa ba?
Hinayaan ko na lang siya, hindi lang din naman sya umimik at nagpahila na lang din ako.
Nakarating kami dito sa malaking ferris wheel o tinatawag na Sky Ranch. Nakapila na kami, holding hands pa din pero wala namang nagsasalita sa amin. Shut up pa din. Alam ko naman kung bakit dito niya ako dinala e, para makapagusap. Tsk.
Waaah! Dati ang saya saya ko kapag pumupunta sa mga ferris wheel ngayon lang talaga hindi ko feel ha.
Nang kami na ang next binitawan na nya ang kamay ko at saka kami sumakay.
Whoo! May aircon pala dito. Brr. Lumamig tuloy lalo. Napayakap na lang ako sa sarili ko. Aish! Bakit ko kasi nakalimutan dalhin ang jacket ko?!
Nagulat ako ng may pumatong sa balikat ko, pagtingin ko isang black leather jacket.
BINABASA MO ANG
The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]
Teen FictionI am not the typical nerdy girl na sobrang sipag, may braces, may pimples. I'm Princess Ann, not a good girl as you think. What else? Ugly as always. I am not the typical conceited boy na sobrang yabang kulang na lang madala ka ng hangin. I'm Chad R...
![The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/17795429-64-k745842.jpg)