Thank you for the comments and votes 😘 Love y'all. This is all for you my bonafides. Enjoy!
~
Chad's POV
"Anong ginagawa mo dito Zeke?!" gulat na gulat na tanong ni Angel.
"Dito pala ang tagpuan niyo. I see. 'Di bale wala nga naman dumadaang mga tao dito, tagong tago nga naman." nilibot niya ng tingin ang paligid at lumapit sa amin ng konti.
"Zeke, nagkakamali ka ng iniisip." Angel look away.
"Bestfriend ba talaga kita Angel? Hindi mo man lang sinabi sa akin na kayo na pala ulit ng g*gong yan." maangas na sabi niya. Kaya hindi ko napigilang mainis.
"Wag na wag mo akong matawag na g*go. Gago ka din! Ano naman kung hindi nya sinabi sayo ha? Bestfriend ka lang niya! Ako ang boyfriend niya!"
"Talagang ang hilig mong sumingit Chad no? Ikaw ba kinakausap ko?" cool na sagot niya. E gago pala talaga to eh!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko siya. Matagal na talaga amo nagtitimpi sa lalaking to.
Natumba siya sa damuhan at pinunasan ang dugo sa labi niya sa pagkakasuntok ko sakanya at nagawa pang ngumisi ng g*go!
Akmang susuntukin kk ulit siya ng pumagitna si Angel.
"Chad please stop." nagulat ako ng may tumulong luha sa mukha niya. Oh sht! "Bestfriend ko pa din siya. Mahalaga din siya sa akin, wag mo na siyang saktan, okay?" tiningnan ko siya then si Zeke na tumatayo na at nakangisi pa din.
Lumapit ako kay Angel at pinunasan ko ang luha niya. "Shh. Okay. Naiintindihan ko. Wag ka ng umiyak, alam mong ayokong nakikita kitang umiiyak. Isa yan sa weakness ko, alam mo yan." nguniti naman agad siya and nodded.
"Alam niyo, Angel okay lang na wag mo akong ipagtanggol. Chad? Okay lang din na suntukin mo ako ng maraming beses. Pero sana huwag niyo naman saktan ang isang inosenteng tao na walang kaalam-alam na niloloko pala siya patalikod ng g*go niyang boyfriend, like Princess."
Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit siya. "Chad ito lang masasabi ko, kung hindi mo kayang pahalagahan si Princess palayain mo na lang siya, wag mo ng patagalin at masasaktan lang siya ng sobra. Within one week kapag hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo, ako na mismo ang magsasabi sa kanya. Dahil hindi ko kayang nakikita siyang nagpapakatanga sayo."
"Sino ka naman para utusan ako ha? Sa tingin mk maniniwala siya sayo? Ang yabang mo din e no! Ano ka ba niya?!" lalapit na sana ako sa kanya ng hawakan ni Angel ang braso ko.
"Pre, ang mga babae parang barbie lang yan, kung paglalaruan mo bakla ka!"
"T*ngina mo! Ang dami mong alam!"
"Haha. Masyado ka naman kasing seryoso!" sarcastic na sagot niya.
"Deretsahin mo na nga lang ako, kaano-ano mo ba si Princess at ganyan ka ----"
Pinutol niya ang sasabihin ko. Bastos! Nagulat na lang kami ni Angel sa sunod niyang sinabi.
"Hindi mo pa rin pala nakukuha ang sinasabi ko? Sorry Chad, sa oras na pakawalan mo siya at sa tingin ko naman malapit na yun. Hindi na ako magsasayang ng oras para mapalapit siya sa akin. Hindi ko lang kasi siya gusto Chad mahal na mahal ko ang babaeng pinaglalaruan mo lang. Para sa iba nobody siya pero para sa akin Prinsesa siya."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na din siya. Napakuyom ako ng kamao ko. Hindi ko alam pero naiinis ako sa sinabi niya lalong lalo na sa sarili ko. Why?!
![](https://img.wattpad.com/cover/17795429-288-k745842.jpg)
BINABASA MO ANG
The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]
Teen FictionI am not the typical nerdy girl na sobrang sipag, may braces, may pimples. I'm Princess Ann, not a good girl as you think. What else? Ugly as always. I am not the typical conceited boy na sobrang yabang kulang na lang madala ka ng hangin. I'm Chad R...