Melanie's POV:
Pumunta ako sa likod ng gym, alam ko kasi tahimik dito. Umupo nalang ako sa damuhan at sumandal dito sa nagiisang puno at yumuko, nagbunot-bunot na din ng mga damo. Trip ko lang. Hindi nalang ako siguro papasok. Badtrip kasi! First ko din magcutting. Grr.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinext si Princess. Alam ko nagklaklase na sila pero hayaan mo na naka-silent naman siguro phone nun.
To: Cess
Prend, sa lunch nalang tayo magsabay kumain. May kailangan lang kasi ako gawin eh. Sorry.
Badtrip lang talaga ako. Tsk. Tinago ko nalang ang phone ko sa bulsa, alam ko kasing hindi na yun magrereply.
Pinikit ko nalang ang mata ko at niyakap ko ang mga tuhod ko. Naka-jogging pants naman ako kaya hindi makikita.
Zzzzzzz....
***
-_-
-_O
O_-
O_O
RIIIIIIINGGGG!
Nagulat ako ng biglang nagbell. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras.. hays. Mabuti naman akala ko uwian na. Break time lang pala. Tiningnan ko na din yung nagmessage..si Cess
From: Cess
Ok, sige. Halatang may problema ang bespren ko ah. Sige sa lunch nalang tayo magkita. See you!
Kilala na talaga ako ni Cess. Haha.
Tinago ko na lang ulit ang phone ko. Umayos na din ako ng upo at inayos ko na din ang mukha ko baka kasi may morning glory. Nag-indian sit nalang ako at sumandal sa puno.
"HEY!" nagulat ako ng may biglang sumigaw kaya napatingin ako kung sino iyon..
O_O
Si..Chad..tapos yung dalawa niyang kaibigan. Anong ginagawa nila dito?
"Who are you?" Chad asked.
"Teka parang pamilyar ka ah? Nagkita na ba tayo?" He added.
O-OHMYGHAD! First time ko makausap siya ng malapitan. Ako na talaga! First time ko na ata lahat! Tumayo ako at pinagpagpagan ang pwetan ko.
"Ah.. O-oo. Ako si Melanie kaibigan ko si Princess." inabot ko sakanya ang kamay ko. Sana makipag-shakehands siya para mahawakan ko ang kamay niya. KYAAAH! Kinikilig ako.
I just stared at him.
"Ah. Ikaw pala si Melanie. By the way, I'm Chad. Nice to meet you." At nakipagshakehands siya. KYAAAH! Kinikilig talaga ako, nawala tuloy pagkabadtrip ko.
At binitawan niya na ang kamay ko.
"And this is Ivan." At nakipagshakehands ako. Tumango-tango nalang ako kahit kilala ko naman sila.
"And this is Kent." Nakipagshakehands din ako.
"Nice to meet you Chad, Ivan and Kent." Sabi ko then ngumiti.
"Nice to meet you too Melanie." Sabay-sabay nilang sabi at ngumiti din. Ang gwagwapo talaga nila.
"Teka, bakit ka nga pala nandito sa tambayan namin?" tanong ni Chad tsaka sila umupo tatlo. Kaya umupo na din ako.
"H-hindi ko kasi alam na tambayan niyo to. Sorry."
"Ah. Ganun ba. Oks lang. Bakit ka nga pala nagiisa?" Whaaaaah! Ang bait naman ni crush! Concern ba siya sakin? (assuming)
"Uhm..m-may nangyari kasi kanina..kaya dito muna ako pumunta kasi alam ko na tahimik dito. Hehe. Na-badtrip ako kaya sabi ko kay Princess na hindi muna kami magkakasabay na kumain mamaya nalang sigurong lunch." Then I smiled.
"Ah. Ano bang nangyari kanina?"
"Kung ano-ano kasi pinaguusapan, magbubulungan na nga lang rinig na rinig pa. Kaya ayun sinagot-sagot ko sila. Sinabihan kasi nila si Princess ng malandi." I explained.
"Naks. Bait naman." puri ni Ivan.
I just smiled at him.
"Melanie, saan ngayon si nerdy girl?" biglang tanong ni Chad.
"Nerdy girl?" gulo kong tanong.
"Si Princess. Yun kasi tawag ko sakanya." then he chuckled.
"Ah, ganun ba. Nasa cafeteria ata. Bakit?"
"Wala lang. Buti na lang hindi ka kagaya nung nerd na yun na parang nakalunok ng megaphone." and he smiled. OHMYGHAD! He smiled at me right? Right?! Peste. Ang gwapo niya talaga. >///<
"Ay hahaha." I chuckled.
Nagkwentuhan lang kami.. at biglang nag-bell.
Kaya ayun nagpaalam na kami sa isa't isa. Pero siyempre kasabay ko yung dalawa magkaparehas lang naman kami ng section eh. Kung tatanungin niyo kung hindi lang ba ako nakaramdam ng gutom, my answer is NO. Hindi ko din alam kung bakit. Kainis nga lang eh. Ang saya-saya namin na nagkwekwentuhan tapos panira yung bell na yun.
Marami rin ako nalaman sakanila tulad ng ugali nila, si Ivan daw ay may pagka-chickboy, tapos si Kent tahimik daw minsan tapos may pagka-weird din minsan at si Chad seryoso, may pagkamayabang at minsan lang tumawa. Oh, diba? The best ako! Ako na talaga! Ang swerte-swerte ko. Haha. Nakausap ko lang naman ang mga heartthrob! Haba ng hair ko no? Abot hanggang EDSA. Bwahahaha! Maiinggit na kayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/17795429-288-k745842.jpg)
BINABASA MO ANG
The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]
Roman pour AdolescentsI am not the typical nerdy girl na sobrang sipag, may braces, may pimples. I'm Princess Ann, not a good girl as you think. What else? Ugly as always. I am not the typical conceited boy na sobrang yabang kulang na lang madala ka ng hangin. I'm Chad R...