Princess's POV:
Marahan kong minulat ang mga mata ko, b-bakit puti ang nakikita ko? Nasa langit na ba ako? Noo! Ayoko pang mamatay.. marami pa akong gustong gawin sa buhay.
"Prend?" b-boses ni Mela yun ah. Teka.. nasa langit na din ba sya?
"Buti naman gising ka na." Nakangiti niyang sabi. Bakit nakangiti pa sya? Masaya ba sya na nasa langit na sya? Hanggang dito ba naman baliw pa din sya?
"Uy, okay ka lang ba?" At niyugyog niya ng mahina ang katawan ko. Baliw talaga tong babaeng to, tanungin daw ba kung okay ako? Siyempre hindi no. Sino bang magiging okay na patay ka na at dito na magtatapos ang aking storya at hindi ko na makikita ang mga mahal ko sa buhay?!
"Uy!!" tinapik-tapik nya ng mahina ang kanang pisnge ko.
"Aaahhhhh!!" Bigla akong napaupo.
"Dahan-dahan lang, ano ka ba! Baka mapano ka." Pagalalang sabi sa akin ni Mela. Inikot ko ang tingin sa paligid. @.@
"Nasaan ako?" Tanong ko habang iniikot ko pa din ang tingin sa paligid. Langit na ba to? Parang hindi naman.
"Nasa clinic ka. Nawalan ka daw kasi ng malay sabi ni Abi." Hoo. Akala ko katapusan na ng aking storya. Akala ko din nasa langit na talaga ako yun pala kisame lang nakita kong puti. Shunga lang.
Bigla kong naalala yung kanina at kung sino mang lalaking familiar face ang nakita kong sumalo sakin.. tiningnan ko kung sino yung nagdala sa akin dito sa clinic. Isang girl? Ang ganda niya ah, infairness.
"Hi Princess! How are you?" Englishera lang ang peg? Ay bakit kilala niya ako? Aha! Baka sinabi ni Mela. Baka nga ganun..
Ngumiti ako sakanya. "I'm fine. Thank you for helping me, Abi?"
Ngumiti din siya sakin. "Wala yun. Ako nga pala si Abigail Torres ang Presindent ng campus." Marunong naman pala siya magtagalog eh. -.- Napa-english tuloy ako. Teka lang, President? Bakit hindi ko sya kilala?
"President? Ah, abigail.."
"Abi nalang for short. Diba may shortcut kayo sa mga names niyo? Hehe." Tumungin siya kay Mela at tumingin din ako kay Mela, nang tingnan ko silang dalawa parang naguusap sila gamit ang mga mata nila. Eh? Ano kaya pinaguusapan nila? Gusto ko din sumali. Hihi.
"Ah.. Cess.. ano kasi.." tumingin sa akin si Mela, kaya tumingin ako sa kanya.
"Hmm?" May bigla akong naalala.. "Nga pala, sino nagdala sa akin dito sa clinic?" Impossible naman itong si Abiga-- este Abi nga pala for short, ang nagdala sakin dito sa clinic, kinaya nya ako? Pfft!
"Si Chad ang nagdala sayo dito." sagot ni Abi sa tanong ko. Wait... s-sino daw? Bigla ata akong nabingi sa pagkakasabi ni Abi sa pangalan na iyon.. Impossible, paanong nangyari?
"What?! S-sinong Chad?" Bigla kumunot ang noo ni Abi at nagulat.
Malay mo naman diba? Baka ibang Chad yung tinutukoy nya. Marami namang Chad ang may pangalan na ganun dito hindi lang sya kaya ayokong magassume.
"OMG!!" Gulat na sabi nya at inilagay nya pa ang dalawa nyang palad sa kanyang pisnge. Anyare? "H-hindi mo din kilala ang nagiisang Chad dito?! Si Chad Reyes yung tinutukoy ko, as in si CHAD REYES ang prince heartthrob sa school na to. Kakaiba ka.." pailing-iling niya pang sabi. Oookay? Siya lang ba talaga ang nagiisang pangalang Chad dito? Wait.. wait.. i-ibigsabihin sya ang nagdala sakin dito at ang sumalo sa aking familiar face? Waaah!
"Ah, ganun ba. Akala ko kasi kung sinong Chad ang tinutukoy mo. Hehe. Pero kilala ko naman yung Chad Reyes na yun." sabi ko na lang.
"Haay.. good. Akala ko hindi mo kilala yun eh."
"Kyaah! Talaga?! As in s-si babe bente syete walang titibag kay Chad ang nagdala sayo at nagbuhat sayo dito?! Aw. Kainggit!" Pfft.. ito talagang si Melanie na to kung ano-ano at saan saan nakukuha ang mga salitang babe bente syete walang titibag kay Chad? HAHAHA.
Napailing-iling nalang ako kay Mela. Maiba na nga lang ang usapan.. "Change topic. Ano nga pala sasabihin mo sa akin Mela kanina na hindi mo natuloy?"
"Ah, yung kanina? Ano.. daw kasi.. p-pwede ba nating maging kaibigan s-si Abigail?"
"Ano?! E hindi pa nga natin siya masyadong kilala." Ano yun feeling close? Ako kasi yung tipo na hindi agad tumatanggap ng kaibigan na hindi pa nakikilala ng lubusan malay mo kasi kasali siya sa isang gang! Katakot-takot yun.
"Nagkausap na din naman kami kanina at medyo marami na din akong nalaman mula sa kanya at ganun din sya. Hehe." Ang daya naman. Edi sila na. Pakasal na sila. Joke.
"Ha? Ganun ba. Uh ano bang oras na?" Ano nga bang oras na? Maaga pa naman siguro.
"Pass 12. Lunch time na ngayon." sagot ni Mela. Biglang nanlaki ang mata ko.
"WHAT?!"
"Kakasabi ko lang Cess, huwag unli. At excuse ka naman daw. Kaya no problem, my friend."
"Pero kahit na! Marami akong hindi napasukang subject."
"Papakopyahin nalang kita ng mga ni-lecture namin." Sagot ni Abi and she smiled.
"Huh? P-pero paano mo ako papakopyahin, kak----" pinutol nya ang sasabihin ko.
"Kaklase mo kaya ako sa Section A." Bored na sagot nya.
"Weh?" Hindi makapaniwalang sabi ko. E hindi ko nga sya nakikita dun. Or talagang wala lang talaga akong pake sa mga classmate ko at nasa universe ang pake ko at lumilipad, kaya hindi ko alam. Siguro nga ganun.
"Haha. Oo nga. Wait..." may kinuha siya sa bag nya. May inabot siya sa akin na apat na notebooks.
"Ibigay mo nalang sa akin yan bukas ah." Kinuha ko na lang yung notebooks at inalagay sa tabi ko.
"Okay. Sige thanks." Tipid kong sagot kay Abi for short.
"Ahm... Cess p-pwede na ba natin siyang maging friend?" singit ni Mela naexcited na malaman ang sagot ko.
Tumingin ako kay Abi.
"Friends?" And she streched her right hand. Tumingin ako sa kamay nya, tapos kay Mela na nag-nod lang. At sa mukha ni Abi na nakangiti. Ang ganda niya naman.
"Friends." And I stretched my left hand and smiled.
"Yeheyy!" Tiningnan namin si Mela at ang saya-saya niya. Siya na masaya. Haha. "FFACM!" sigaw nya ng nakangiti na parang nagcheeheer. Nagtinginan kami ni Abi na nakakunot ang noo at tumingin ulit kay Mela. Ano na naman ba pinagsasabi ng babaeng to?
"Huh?" Sabay na takang tanong namin ni Abi.
"Friends Forever Abi, Cess, Mela!" Nagtinginan kami ni Abi at sabay sabay kaming tumawang tatlo... "HAHAHAHA!!" magaan naman ang pakiramdam ko sa kanya, halata naman na mabait tong Abi for short.
Lumabas na kami ng clinic, sabi kasi ng nurse doon kung okay na daw ako, pwede na ako lumabas. Atsaka sinabi din ng nurse yung kung bakit ako nawalan bigla ng malay.. lack of sleep, tired and stress.
Pumunta muna kami sa cafeteria dahil sabi ko sa kanila nagugutom na ako at ako nga lang kumain eh, kumain na daw kasi sila kanina pa.
Nang matapos na ako kumain sakto namang tumunog na ang bell, kaya nagsi-puntahan na kami sa rooms namin, si Mela humiwalay na sa amin kami naman ni Abi pumasok na kami sa room namin.
BINABASA MO ANG
The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]
Genç KurguI am not the typical nerdy girl na sobrang sipag, may braces, may pimples. I'm Princess Ann, not a good girl as you think. What else? Ugly as always. I am not the typical conceited boy na sobrang yabang kulang na lang madala ka ng hangin. I'm Chad R...