CHAPTER 28: Can I court you?

242 9 3
                                    

Princess's POV

Time check: 2:10am

Waaaah! 2:10am na hindi pa rin ako makatulog kasi naman yung epal na yun, kung ano-ano pinagsasabi.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko,nagpipilit hindi sumigaw, kasi naman kinikilig talaga ako.

Naalala ko na naman ang sinabi sakin ni epal sa Quantum.

--Flashback--

"Pfft... ang manhid mo talaga." he chuckled at ginulo nya ang buhok ko.

"AYIIIIIIIIEE!!" hiyawan ng mga tao dito. Binaba nya sa labi niya yung mic at nilapit nya ang labi niya sa left ear ko.

"I like you Princess." he whispered.

--End of Flashback--

"I like you."

"I like you."

"I like you."

KYAAAH! Totoo ba talaga yun? Hindi kasi ako makapaniwala na magkakagusto sa akin si epal sa isang nerd.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagtakip ng unan sa mukha ko. Baka kasi bigla nalang agad ako makasigaw.

Pinikit ko na ang mga mata ko at sinubukang matulog na..

* * *

Naglalakad kami ngayong tatlo nila Mela at Abi papuntang school. Hindi ko din alam na si Abi ay malapit lang din pala dito sa street namin.

"Alam nyo ba Cess, Abi naiinis ako dun sa Kent na yun text ng text. Hindi ko nga alam kung kanino niya nakuha number ko tapos ano pa pinagsasabi. Nakakainis!" inis na inis na reklamo ni Mela.

"Baka naman may gusto na sayo si Kent. Ayiiie!" pangaasar naman ni Abi.

"Tss."

"Buti nga ikaw may gusto sayo si Kent pero ako, si Ivan yung gusto ko, hindi ako magustuhan at hanggang ngayon galit pa rin ata siya sakin, hindi niya pa din ata makalimutan ang ginawa ko sa kanya. Ginawa ko lang naman kasi yung tama eh." malungkot na sabi ni Abi and pouted.

Lumapit si Mela kay Abi at inakbayan.

"Mapapatawad ka rin nun. Baka hindi pa talaga ngayon."

Nagsmile lang si Abi kay Mela at tumango.

"Oy, prend e ikaw parang wala ka atang nirereklamo dyan tungkol kay Chad ah kanina pa din yang ngiti mo na hindi matangal-tangal sa labi mo. Anong meron ha?" curious na tanong ni Mela na may halong pangaasar.

"H-huh? W-wala ah." I looked away.

"Wushuu. Wala daw." pangaasar na sagot nilang dalawa.

"Wala nga kasi." binilisan ko na lang ang lakad ko.

"Hahaha!" rinig ko pang tawa nila. Tss.

(@CLASSROOM)

"Goodmorning Mam Dizon!" We said in chorus and stand.

"Goodmorning class!" said Mam Dizon and she smile at us.

"Get your book and turn it to page 109."

---
(LUNCH TIME)

Nandito kami ngayon nila Mela at Abi sa cafeteria kumakain.

"Prend, ano ba tinetext ni Kent sayo?" tanong ko kay Mela sabay subo ng pagkain ko.

"Nakakabadtrip at nakakainis lang." she rolled her eyes.

"Bakit nga? Ano ba yun?" Sabay lunok ng kinakain ko.

"Kung kumain ka na ba, sleep well, kamusta ka na, anong gingawa mo, miss na kita, i love you. Oh, diba nakakaasar yung mga text nya? Tapos kanina sa room pakindat-kindat pa sakin. Ang landi. Eww!"

Nagkatinginan kami ni Abi sabay tawa.

"Hahahahaha!"

"What's so funny?" tinaasan niya kami ng kilay.

"E kasi yung..yung ilong mo umuusok na sa galit tsaka yung mukha mo halatang asar na asar. Hahaha!" sagot ni Abi tapos tumawa ulit kami.

Sinamaan niya lang kami ng tingin pero hindi pa rin kami tumitigil, nakakatawa talaga kasi.

Tumigil lang kami tumawa ni Abi ng may magsalita na lalaki, paglingon namin...

"Excuse me." si epal. O.O Waaah! Umiwas agad ako ng tingin, hindi ko siya kayang kausapin baka biglang himatayin na talaga ako sa harap niya. Kasama niya din sa likod sila Kent at Ivan.

"Nerdy girl can we talk?" seryoso niyang tanong sa akin kaya bigla akong napatingin sa kanya. Bigla na naman tumibok ng mabilis ang puso ko.

"H-huh? A-ano kasi ---" naputol ang sasabihin ko ng hawakan niya ang wrist ko at kinaladkad.

Hanggang sa makarating kami sa likod ng gym at binitawan niya na ang kamay ko.

"What are we going to talk about?" I asked.

"Yung lahat ng sinabi ko sayo sa Quantum. Totoo yun." nagulat ako sa bigla niyang pagstraight forward. Ano ba epal? Wala ng paligoy-ligoy?

Naramdaman kong biglang uminit ang palagid at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Waaah! Ito na naman yung nararamdaman ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi kaya.. Gusto ko na din sya?! Aaaah! Hindi, hindi pwede pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sa mayabang na lalaki na to. Hanggang crush lang talaga!

"H-huh? E Chad bakit ka ba nagkagusto sakin, isang hamak na nerd lang naman ako ah. Isa pa diba lahat ng to ay fake?"

Tinitigan niya muna ako sa mata at niyakap.

"Princess, kailangan ba sa pagmamahal ang dapat kong sundin kung anong nakikita ng mata ko? Hindi ba pwedeng gusto ko yung isang tao dahil siya ang nagpapatibok at gusto nitong puso ko? Basta Princess yung nararamdaman ko sayo ay for real na." nagkalas siya ng yakap sakin at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"So, Princess can I court you?" seryoso niya akong tiningnan. 

Nagulat ako sa tanong niya hindi ko ineexpect na aabot dito. Bakit parang biglaan lahat ng nangyayari sa akin? 

Halos manghina ang tuhod ko buti na lang hawak niya ako. First time ko kasi na may magyaya at magtanong kung pwede ba akong ligawan. Kaya ang sagot ko..

"S-sure." Then I smiled. Syempre pagkakataon ko na no, palalagpasin ko pa ba? Tapos isa pang heartthrob ang manliligaw sa akin. Magpapabebe pa ba? Pfft.

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon