CHAPTER 45: Foundation Day

79 1 0
                                    

Hello my bonafides! HAPPY 11K READS! 💌
Here's the update. I really appreciate your love and support! Thank you. Lovelots.

user38011309 IshiteruWoAINi NatieCallueng

~

Third Person's POV

"Epal naman sabi ng dito na nga lang tayo sa room." kanina pa kasi siya kinulit ng kinulit ni Chad na lumabas daw at libutin ang mga booths.

"Anong gagawin natin dito ha? Hindi natin maeenjoy ang Foundation na to kung dito na lang tayo buong maghapon." naiinis na sagot ni Chad. Ang pinakaaayaw niya talaga ang mamilit ng isang tao na ayaw naman talaga. Nasa isip pa niya buti pa si Angel always happy go lucky, ika nga madaling kausap kapag niyaya mo sa ganito, go agad. Kaya naiinis siya.

"E kasi naman baka hilain tayo tapos iano sa iba't ibang booth. Nakakatamad naman 'pag ganun, nakakulong tayo tapos ilang oras na ganun."

"Ano naman? Edi magbabayad na lang." walang ganang sagot niya.

"Bawal yun! Lahat naman dito afford magbayad kaya bawal na yun. No KJ's allowed nga diba?"

"Yun na nga eh. Pumunta ka pa dito kung kj ka lang din naman pala edi dapat hindi ka na umatend."

Nagulat si Princess sa naging sagot ni Chad kaya hindi agad siya nakapag-react.

After few seconds, sumagot siya na naiinis. "Edi pumunta ka dun kung gusto mo! Basta dito lang ako. Umalis ka na. Go." yumuko siya at nagbrowse browse sa phone niya.

"Yan lang naman ang hinihintay kong sagot." tsaka lumakad na si Chad papalayo kay Princess.

Sumigaw naman si Princess bago makaalis ng tuluyan si Chad. "Enjoy! Letche."

Nakapamulsang naglalakad si Chad sa corridor at nagkalat ang mga estudyante na galing sa iba't ibang schools. Yes, outsiders allowed.

Dahil sanay na naman si Chad na pinagtitinginan siya para mas mayabang pakinggan pinagkakaguluhan siya, dinededma niya lang ang mga ito. Pero napatigil siya ng may malakas na loob na lumapit sa kanyang beki and three girls.

"Kuya! Koya pwede papicture?" malakas na loob na sabi ng beki at may pabeautiful beautiful eyes pa.

"Sure." simpleng sagot ni Chad. Pero sa isip isip niya ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Hays. Ang hirap talaga maging gwapo e no?

"Ako muna bakla."

"Ako ang nagtanong kaya ako muna. Dalian mo girl baka may pupuntahan pa si koya." imabot naman nung beki yung camera niya sa kasamahan niya.

"Oh yan. Ako naman." nasa isip isip ni Chad dahil babae siya at hindi ako pumapatol sa bakla para mas kiligin siya inakbayan ko naman siya.

Ang naging resulta? Ayun hanggang matapos silang magpapicture kilig na kilig ang mga loka.

Ang hindi ine-expect ni Chad, maglalakad na sana siya ulit nun ng dumugin siya at nagrerequest din na magpapicture.

Dahil isa siyang dakilang mayabang kahit inis na inis na siya nagagawa pa din niyang ngumiti. Pagbibigyan na niya sana yung babae na magpapicture ng may sumulpot nowhere at kumapit sa braso niya.

"Love, kanina pa kita hinahanap. Iniwan lang kita dito saglit, pinagkaguluhan ka agad." ngiting ngiti na sabi ni Angel at kinurot sa pisnge. "Ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko. Tara na." hinila hila niya si Chad.

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon