CHAPTER 6: The Slut

307 5 2
                                    

Princess's POV:

Friday na ngayon at papunta na kami ngayon ni Mela sa school.

"Uy, prend sabay na tayo kumain mamaya ah. Ako lang kaya magisa kumain kahapon." malungkot na sabi niya.

"Oo na. Sorry din, kinausap ko pa kasi yung mokong na yun eh." I answered.

"Friend mag-ingat ka nga pala.."

"Ha?"

"Pinaguusapan ka na at marami nang galit sayo."

"Ah. Alam ko, pero pano yan wala nang bawian yung sinabi ko sa mokong na yun, bigla-bigla kasi magsasalita tong bibig ko eh." pinagpapalo ko ng mahina yung bibig ko.

"*nagkibit-balikat siya* Basta kapag nasa school tayo huwag ka muna masiyado lumapit dun sa tatlo. Okay?"

Tumago-tango nalang ako at nginitian ko nalang siya. Buti may kaibigan ako. May nagbibigay sakin ng advice. Kahit nag-iisa ko lang siyang kaibigan okay lang atleast nagpapakatotoo kami.

Nang dumating na kami sa school nag-paalam na rin kami sa isa't isa.

Melanie's POV:

Buti naman binigyan din ako ni author ng POV. Bwahaha

By the way, back to reality.. Kilala niyo na naman siguro ako diba? Kaya hindi ko na kailangang magpakilala, nakakatamad din kasi.

Nandito na ako sa classroom namin at umupo na ako, nasa Row 2 ako. At classmate ko yung dalawang heartthrob.

Ang ingay nga palagi dito kasi naman kapag dadating yung dalawang heartthrob pinagkakaguluhan yung dalawa, pero siyempre ako hindi naman katulad ng mga babae dito na mahaharot. Tahimik lang at pasulyap-sulyap nalang sa heartthrob. Hehe.

Nang nakitingin lang ako kung saan-saan may bigla akong narinig na nagchichismisan na dalawang babae na hindi ko kinagusto.

"Diba yan yung kaibigan nung nerd na pangit?" – girl 1

"Oo yan nga yan. Her name is Melanie." –girl 2

"Ah. Kaya pala. Di' bale parehas naman silang pangit haha." –girl 1

"Oo nga. Kaya bagay sila. Kaya nga lang sobrang landi nung nerd na yun akala mo kung sinong maganda. Makadikit sa Prince 3 natin." – girl 2

"TAMA! HAHA." – girl 1

"HAHAHA" – girl 2 at girl 1

Kaya tumayo ako at nilapitan yung dalawang fm (feeling maganda). Nabwibwisit kasi ako. Ang ayoko pa naman sinasabihan ang kaibigan ko ng malandi, na hindi naman talaga totoo.

"HOY! Kayong dalawa! Sino kayo para sabihan ng malandi ang kaibigan ko ha?! Hindi malandi ang kaibigan ko! Tandaan niyo yan! Kapag may narinig pa akong malandi ang kaibigan ko, ako ang makakalaban niyo! Naintidihan niyo?!" naiinis na sabi ko.

Nagkatinginan silang dalawa at nagtaas ng isang kilay sila pareho at ngumiti sakin.

Aba! Nangaasar pa ata tong mga to ah. Hindi ba sila natakot sa pagsigaw ko? -_- Palaban lang ang peg?

"Eh totoo naman diba? MALANDI ang KAIBIGAN MO!" sigaw nung girl 2. Alam kong nakatingin ang mga classmates ko at parang nanunuod lang ng sine na kulang na lang may kainin silang popcorn.

"Aba! Lumalaban ka pa! Bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw ko din sa kanya. Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya.

"Bakit ko naman babawiin eh totoo naman!" sabi ni girl 2 at nag-cross-arms pa. Naiinis na talaga ako!!

"Aargh! Sumosobra ka na talaga!!" sasabunutan ko na sana siya kaso..

"Hey! Hey! Anong nangyayari dito?" kaya napatigil ako at tumingin kung sino yun.. si Kent at Ivan. Kadadating lang nila.

Biglang lumapit si girl 2 kay Kent, hindi ko sila kilala kasi naman taga-iba silang section pumunta lang ata sila dito para makita yung dalawang heartthrob. Tss. Pero hindi ko alam kung bakit alam ni girl 2 ang pangalan ko, baka siguro na din sa pagkachismosa niya.

"Kent, oh inaaway niya ko." At parang bata na nagsusumbong, tinuro niya pa talaga ako. Pero siyempre may pagkamalandi, humawak pa siya sa braso ni Kent.

Nagpamewang ako. "So, ako pa talaga may kasalanan ha? Eh kayo nga dyan na nagpaparinig tungkol sa kaibigan ko!" at nagtaas pa ako ng isang kilay. Nga pala, kaya marami akong nababalitaan, mga chismosa kasi itong section eh.

"Sino bang kaibigan mo?" tanong naman ni Ivan.

"Si Princess. Yung palagi niyong inaasar lahat na nerd! Tss. Tabi nga!" binunggo ko yung balikat ni Kent. Gusto ko munang umalis dun. Bwisit kasi sila! Oo isali niyo na rin yung dalawang heartthrob na yun. Hindi ko alam pero mas naiinis ako nung humawak sa braso yung girl 2 kay Kent.

Hooo! First time ko ilabas yung pagkaugali ko dito ah. Hayaan na nga, tama na rin siguro yung ginawa ko para matauhan mga tao dito.

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon