Angel's POV:
Monday na ngayon. Kasabay ko ang aking bestfriend na lalaki na si Zeke Valdes papuntang school, palagi kami magkasabay tuwing papasok sa school kasi magkapitbahay lang naman kami. Naging mag-bestfriend kami ni Zeke dahil magkakilala ang parents namin. Ang dalawa ko naman babaeng bestfriend ay sila Keith Santos at Pam Leovera.
Si Zeke nga pala ang sinasabi ni Chad na pinagpalit ko daw, hindi niya nga ako binigyan ng chance para makapag-explain man lang na magbestfriend lang talaga kami. Kahit first time niya ako sigawan ng ganun ramdaman ko pa din naman kahit konti, mahal niya pa din ako.
'Love' is our endearment. Kung corny sa inyo, who cares? Para sa akin sweet pakinggan lalo na kapag siya ang tumatawag sa akin ng ganun.
Nasira ang relasyon namin dahil ayaw sa akin ng mama ni Chad at ayaw naman ni daddy kay Chad tapos tuwing pupunta ako sa bahay nila Chad puro lang ang sasakit ng sinasabi ng mama ni Chad. Yung tipong mawawalan ka na ng respeto sa kanya. Kaya hindi ko na kinaya, ako na mismo ang nakipag-break kay Chad. No choice eh.
Then now, naiinis ako dun sa Princess na yun akala mo kung sinong maganda makadikit kay Chad. Grr. Naalala ko na naman yung hinawakan ni Chad yung kamay nung nerd na yun. Nakakabadtrip! Hindi tumutupad sa usapan ang nerd na yun ah. Lagot siya sakin mamaya, ipapahiya ko talaga yun sa maraming tao. *evil laugh*
Nang makarating na kami sa school nagulat na lang ako ng magsalita si Zeke.
"Ang lalim ata ng iniisip mo Gel ah. Si Chad na naman ba?" tanong sakin ni Zeke. Gel ang tawag niya sakin shortcut niya daw sa Angel. Alam niya yung nangyari sa amin ni Chad, kinuwento ko kasi sa kanya.
Section C nga pala si Zeke.
"Uh.. wala to huwag mo nalang pansinin. Sige una na ako sayo. BYE!" I said and run. Kilala ko na kasi to, pipiliting sabihin ang totoo.
Nandito na ako sa classroom namin at nakita ko agad sila Princess at Chad na nagkukulitan.
Hindi ka talaga tumutupad sa usapan ah, pwes mamaya ipapahiya talaga kita nerdy girl! *evil grin*
Princess's POV:
"Akin na sabi yan eh! ANO BA?" inis kong sigaw sa kanya habang inaagaw ko ang libro ko. Nananahimik lang kasi ako dito kanina at nagbabasa ng libro, tapos nagulat ako nang may biglang humigit ng libro ko at si bwisit na Chad yung kumuha.
"Matalino ka na. Hindi mo na kailangang mag-review. Ibibigay ko lang to sayo kapag pumayag ka na magcutting tayo."
"AYOKO NGA! Kung gusto mo ikaw na lang magcutting. O isama mo yung dalawa mong baliw na kaibigan!"
"Ayoko sila kasama."
"Bakit ba gusto mo ako kasama, I-I mean bakit ako ba yung gusto mo isama?"
"Uh kasi masaya ka kasama?" Bakit parang biglang uminit?!
"Oh, bakit ka namumula?" Waaah! Anong gagawin ko? Tumalikod nalang ako sa kanya at nagtakip ng mukha gamit ang dalawa kong kamay.
"Wait, namumula means.. nagblublush. Yiie! Ikaw ha may pagtinigin ka pala sa akin hindi mo lang sinasabi, sinabi ko lang na masaya ka kasama namula ka agad. May gusto ka na sa akin no?" sinundot-sundot pa ako sa tagiliran.
"A-ano ba! Wala akong g-gusto sayo no. F-feeling ka naman na magkakagusto ako sayo! A-at namumula ako ano dahil..dahil.. uhm mainit kasi.. Oo mainit nga.. Hoo!" humarap na ako sa harap, hindi sa kanya. At nagpamaypay ako ng kamay para kunwari talaga na mainit nga kahit naka-aircon naman kami hays sana lang maniwala siya kahit hindi kapani-paniwala.
"Wushu! Kunwari pa. Ang totoo naman may gu---"
"Sabi nang ---" akmang susuntukin ko na siya pero hindi ko naituloy dahil biglang pumasok ang teacher namin at sabay sabing...
"Good morning class!" kaya ayun tumayo na din kami at sabay sabing...
"Good morning Mam Dizon!"
Sinamaan ko nalang siya ng tingin, siya naman ay nagpipigil ng tawa. Bwisit talaga tong lalaki na to. Umupo nalang ako at nakinig nalang ako kay Mam na nagdidicuss.
Pumunta na kami ni Mela sa cafeteria, break time na kasi. Ako nalang ang bumili ng makakain namin. Bumili lang ako ng biscuits and coke.
Nang naglalakad ako pabalik sa upuan namin ni Mela ay bigla akong natisod at nadapa. Narinig ko na lang na tumawa lahat nang tao dito. Tiningnan ko kung sino ang tumisod sa akin. Si..si ANGEL! Problema na naman niya? Wala na ba siyang ginawa kundi ipahiya ako sa maraming tao?!
Tumayo na ako. Bwisit na pa-Angel to!
"Ano na naman bang trip mo ha? Wala akong ginagawa sayo!" naiinis ko ng sigaw sa kanya. Kasama niya rin yung dalawa niyang fm na kaibigan. Alam ko nakatingin na naman lahat ng tao dito. Aaaah! Ayoko masira image ko. Hindi ko na talaga kasi mapigilan.
Nagtaas lang siya ng isang kilay at nagpipilit ng tawa. "Oh, sorry. Nakalagay na talaga kasi yung paa ko dito. Baka tanga ka lang talaga, hindi ka tumitingin sa dinadanan mo. And hindi kita trip no. FEELER!" maarteng sabi niya then she rolled her eyes. Nagtawanan ulit yung mga tao, nagbubulungan din yung iba. Naiiyak na ako sa kahihiyan dito. Ayoko ng ganito.
"Pwede ba tantanan mo ang kaibigan ko! Tara na nga." Biglang sagot ni Mela hindi ko namalayan na katabi ko na siya. Hinigit niya ang kamay ko at lumabas na kami doon. May bigla na lang tumulong luha sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, baka fitst time ko lang mapahiya sa maraming tao at pagtawanan.
Hanggang nakarating kami sa likod ng school. Umupo kami sa isang bench.
"Shh. Huwag ka ng umiyak. Alam kong ayaw mo napapahiya lalo na sa mraming tao. Pero da---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil niyakap ko agad siya ng mahigpit.
"T-thank you Mela. *sob*"
"For what?" binaba taas niya ang kamay niya sa likod ko.
"Meron pa akong naging kaibigan kahit g-ganito ang itsura ko."
Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap sa kanya.
"Anong ganyan ang itsura mo? Maganda ka Cess okay? Hindi katulad nung ANGEL na yun maganda nga pero yung ugali napakasama. Eh, ikaw nasa iyo na nga ata lahat. Maganda, matalino, mabait, ma----"
"Pfft. Tama na nga tong drama natin. Kumain na lang tayo." pinunasan ko na ang luha ko at ayun nga kumain nalang kami. Pero grabe ha napahiya na naman ako. Ugh.
![](https://img.wattpad.com/cover/17795429-288-k745842.jpg)
BINABASA MO ANG
The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]
Teen FictionI am not the typical nerdy girl na sobrang sipag, may braces, may pimples. I'm Princess Ann, not a good girl as you think. What else? Ugly as always. I am not the typical conceited boy na sobrang yabang kulang na lang madala ka ng hangin. I'm Chad R...