Lunch na ngayon at kasabay ko si Mela.
Pagkatapos namin kumain naghiwalay na din kami may gagawin pa daw kasi siya ng partners niya. Ipapasa na daw kasi mamaya yun. Hindi daw nila nagawa dahil tinatamad sila. Diba ang nice ng reason nila?
Kaya ngayon magiikot nalang ako sa loob ng campus, wala din naman kasi akong ginagawa. Nakakatamad din ulit mag-advance reading, kaka-review ko lang kanina eh. Siyempre porket nerd bawal na ako tamarin? Tao din naman ako.
Nandito ako ngayon sa hallway naglalakad..
Nagulat nalang ako nang may nagtap sa likod ko at ang lakas ah. Ouch lang! May bumulong sa left ear ko...
"Hindi ka tumutupad sa usapan natin ah." Nang tingnan ko kung sino yun si.. ANGEL! Nagsmile lang siya sakin ng galit? Then she rolled her eyes.
Anong pakialam ko kung hindi ko tinutupad yung usapan namin, sila naman talaga lumalapit sa akin di ba? Paano ko ba sila iiwasan? Aaah! Hinilamos ko na ang kamay ko sa mukha ko sa sobrang inis.
Naglalakad lang ako tapos nakikita ko ang mga tao na madadaanan ko sa paligid ay nagtatawanan at yung iba nakahawak na sa tiyan tapos yung iba nagpipilit ng tawa. Anong meron? Bakit sila tumatawa?
Kumunot nalang ang noo ko at hindi ko nalang sila pinansin. Bahala sila sa buhay nilang tumawa. Hanapin nila pake ko! Bwisit.
Kent's POV:
Nagalalakad ako sa hallway at papunta sana ako sa tambayan namin kaya nga lang napansin ko yung mga tao dito, nagtatawanan. Ano naman pinagtatawanan nila?
Nang nakita ko si Princess tumakbo agad ako sa kanya at nang malapit na ako nakita kong may nakadikit na papel sa likod niya na nakasulat ay 'Marami akong buhok sa kilikili :)' Pfft. Ang ganda pa ng lettering ah. So, this is the reason why they are laughing huh?
"Hey!" sabi ko sakanya at ngumiti. Buti hindi siya nagulat. Kinuha ko na rin yung papel sa likod niya.
Nagsmile lang siya sakin.
"Teka lang parang ang lalim ng iniisip mo ah. May problema ba?" tanong ko sa kanya. Ang tahimik niya kasi.
"Ah, wala. Saan punta mo?"
"Sa tambayan namin. Ano.. alam mo ba kung bakit sila tumatawa?" tumingin naman siya sakin.
"Hindi nga eh. Malay ko sa mga yan. Wagas makatawa parang wala ng bukas."
Uy, ryhme yun ah. "Ay, ganun ba?" wala nga siyang kaalam-alam. Tsk. Tsk. Kawawa naman.
Tumingin nalang ulit ako sa harap.
"Bakit alam mo ba kung bakit?" tumingin ako sa kanya. Huminga muna ako ng malalim..
"Oh." inabot ko sakanya ang papel at kinuha naman niya. Nagulat ako ng biglang nagiba yung itsura niya salubong ang dalawa niyang kilay konti na nga lang magdikit eh.
"Urgh"
"B-bakit?"
"Wala, wala. Salamat nga pala." Sabi niya tsaka siya tumakbo. First time ko siya makita magalit ng ganun ah. Dati naman kasi kahit inaasar siya ni Chad hindi naman ganun ang itsura niya. Pero ngayon iba, galit na galit talaga siya. Hm bakit kaya?
Naglakad nalang ulit ako papunta sa tambayan namin.
A/N: Sorry kung kakaunti tong Chapter. Babawi po ako. Hehez
![](https://img.wattpad.com/cover/17795429-288-k745842.jpg)
BINABASA MO ANG
The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]
أدب المراهقينI am not the typical nerdy girl na sobrang sipag, may braces, may pimples. I'm Princess Ann, not a good girl as you think. What else? Ugly as always. I am not the typical conceited boy na sobrang yabang kulang na lang madala ka ng hangin. I'm Chad R...