4th year high school kami ni Melanie and 1st day of school namin ngayon.
Kasabay ko ngayon ang aking bestfriend na si Melanie. Kapitbahay ko lang siya kaya palagi kami nagkakasabay, siya lang naman ang matalik kong kaibigan at tinatanggap ako kahit nerd ako.
Yes, I'm nerd at walang nagkakagusto sa akin palagi lang naman ako inaasar pero sanay na naman ako.
I'm Princess Ann Ramirez, 17 years old and NBSB.
"Cess, hindi ka ba nabibigatan sa mga dala mong books? First day palang natin ang dami mo na agad dala." nagaalalang sabi ni Mela short for Melanie at Cess short for Princess.
"Hehe. Hindi naman, hindi ka na ba nasanay?" I asked. Totoo naman sanay na talaga ako.
"Oo nga. Sabi ko nga. Okay." sabi nalang niya.
After 15 minutes nandito na rin kami sa school, nilalakad lang namin ito kasi malapit lang naman sa amin. Nga pala, magkaiba kami ng section pumunta kasi kami kanina sa principal's office then nalaman nalang namin na Section A ako. Si Melanie naman ay Secton C, hindi kasi siya masyado mahilig mag-aral eh kaya ayan hindi kami magka-section. Naghiwalay na din kami at nagpaalam.
Habang naglalakad ako sa hallway pinagtitinginan na ako ng mga tao. Alam ko naman ang pinagchichismisan nila at pinagbubulungan, akala naman nila magaganda sila.
Phew! Pwes hindi no. As if naman. DUH?! Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad nalang ako. Habang naglalakad ako biglang gumigilid ang mga tao at parang kinikilig na ewan. Ako na lang siguro tao dito sa gitna ng hallway eh. Pinapadaan na ata ang prinsesa. Joke!
Bakit kasi sila gumigild, hindi ko gets ah! Hmp! Hayaan ko na nga lang sila. Tumingin na ako sa harap ko at naglakad ulit, pero bigla ulit ako napatigil at napatulala, ngayon gets ko na. Sht! Ang gwagwapo. Aish! Nevermind.
Ang yayabang ata ng mga to, maglakad pa lang kasi ang yabang na. Psh. Hindi ko sila type lalo na mayayabang. Siyempre hindi porket nerd wala na ako type no.
Biglang may bumuggo sa balikat ko kaya bumalik ako sa realidad at nahulog ang mga libro ko. Kainis naman!
"Ano ba? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?!" inis na sabi ko habang pinupulot ko ang mga libro ko. At hindi pa nga ako tinulungan ng loko, nakatayo lang.
"Nakaharang ka sa daan eh. At sino ka para sigawan ako? Kilala mo ba ako?" mayabang na sabi niya. Tss.
"Ako pa talaga may kasalanan ha? Hindi kita kilala no, wala akong pakialam kung sino ka man." mataray na sagot ko, nakakainis na kaya! Ang mga tao naman dito ang sasama ng tingin sa akin hindi lang ba nila ako tutulungan sa lalaking to. Anyare?
Tumayo na ko. Pagkatapos ko pulutin ang mga books na nahulog ng LALAKING TO.
"Hindi ka nga ata kilala bro." sabi naman nung isang kasama niya.
Nagkibit-balikat lang siya at nag-smirk. "Hoy nerdy girl masyado kang pangit para sigawan ang isang gwapong katulad ko HAHAHA" at nagsitawanan din ang dalawang kasama niya. Ang yayabang talaga. Makapanglait.
"Ang yayabang niyo bwisit!" galit na sigaw ko sa kanila atsaka ako nagwalk out. Nakakahiya kaya, pinagtitinginan na ko ng mga tao.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko. Humarap ako para tingnan kung sino.
"Ano?!" inis kong tanong.
"See you later nerdy girl." sabi niya pa na nakangiti ng nakakaasar. Pagkatapos nun, umalis na sila. Teka lang ano sabi sabi niya see you later daw? As if naman gusto ko siya makita kahit same school pa kami no. Naglakad na ako papunta sa classroom ko at umupo sa pangalawang row. Wala pa ako katabi sa upuan ko at sana naman babae katabi ko. Sana! T^T

BINABASA MO ANG
The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]
أدب المراهقينI am not the typical nerdy girl na sobrang sipag, may braces, may pimples. I'm Princess Ann, not a good girl as you think. What else? Ugly as always. I am not the typical conceited boy na sobrang yabang kulang na lang madala ka ng hangin. I'm Chad R...