CHAPTER 41.3

181 3 3
                                    

"What time is it ate?"

"5:45 na."

"Aish! Ang tagal naman ng epal na yun. Naiinip na ako."

"I'm here. Natraffic lang. Pag-alis ko nagrereklamo ka pati ba naman hanggang sa pagdating ko?" bigla akong napaharap sa entrance door nung nagsalita siya.

"Totoo naman kasi. Ang tagal mo kaya. Tsk." Tumakbo ba ang lalaking to? Nasa side na ang neck tie niya. Lumapit ako sa kanya at inayos ito. "Nagmadali ka ba? Gwapo ka na sana eh. Ayan tuloy haggard ka na. Pfft." pangaasar ko.

Napatingin ako sa mukha nya. Para naman biglang naginit ang mukha ko. Omo! Joke lang pala. Hindi pa din pala sya haggard. Bakit ba ang gwapo nya? Shete! Epal wag mo nga akong titigan.

Napalayo ako sa kanya ng kaunti at sinubukang wag mailang. Kung nakakatunaw lang talaga ang titig nya kanina pa akong lusaw dito. Enebe!

"Oy tulaley ka dyan ah? Tara na. Oy!" winagayway ko pa sa harap niya ang dalawang kamay ko.

"Ang ganda mo daw kasi Princess. Haha." sagot ni ate Ericka atsaka lumapit sa amin.

"Princess?" biglang tanong ni epal. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Ngumiti naman ako sa kanya. Bakit ba ang gwapo ng boyfriend ko? Nakacorporate attire lang naman siya tapos naka gel ang buhok niya pataas. Sino bang hindi kikiligin at mapapangiti araw-araw?

"What? Naiinip na talaga ako." pasimple kong sagot at nagcross arms.

"Ikaw ba talaga ang girlfriend ko? Your so... Gorgeous and Hot. Sht." napakurap pa siya pagkatapos sabihin yun.

Naramdaman ko namang lalo akong namula sa sinabi niya and speechless. Sino bang hindi kikiligin? First time kong marinig niyang sabihin sa akin yun. Lagi na lang kasing nerdy girl.

Tsk. Kailangan ko pa palang magayos ng ganito para lang masabihan nya. Ays.

"Naks naman. Oh sya aalis na ako, may kailangan pa nga pala akong gawin. Paano ba yan Chad inlove ka na naman sa soon to be sister-in-law ko no? 'Wag mo na yan pakawalan. Enjoy kayo." she smile and tap Chad's shoulder.

Bago siya makaalis tinawag ko siya. "Yes?"

"Thank you."

"Your always welcome Princess." She smile sweetly and leave.

"Epal ayaw ba ng parents mo sa mga nerd and ugly?" I ask. Nagdadrive na siya papunta sa mamahaling restaurant. Doon daw kasi namin imemeet. Sosyal diba? Hoho.

"Ha? Hindi naman. Bakit mo naitanong?"

"Yun naman pala eh. Naisip ko lang, ganun na ba talaga ako kapangit sa paningin mo at kailangan mo pa akong ipamake over? Pwede mo naman kasing sabihin na lang at magsuot ako ng presentableng damit diba?" nakayuko kong tanong sa kanya habang nilalaro-laro ko ang mga daliri ko.

Oo masaya naman ako na nasabihan ng ganun at masarap sa pakiramdam. Naisip ko nga lang kasi bigla. Hays.

Nagulat ako ng bigla siyang nagpreno. Hinawakan nya ang magkabila kong braso at hinarap sa kanya.

"Look at me." umiiwas ako ng tingin. "I.Said.Look.At.Me." bossy niyang pagkakasabi kaya wala na akong nagawa kundi tumingin sa kanya.

"Good. Hindi ako ang nagsabi na ipamakeover ka. Ang kuya mo ang nagrequest nun sa akin."

"Request lang pala eh. Edi ibig sa ---- hmm"

Pinutol nya ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan. Shet! Yung heartbeat ko na naman nagiging abnormal.

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon