CHAPTER 8

1.8K 92 1
                                    


RHIAN'S POV

Sinalubong kami ng mag asawang Reo at Loisa pagkababa pa lamang namin ng sasakyan.Nakipagbeso muna kami sa mag asawa.Kinuha ni Reo ang dala naming cake at nauna na itong pumasok sa bahay.

"Mars,thank you for coming ha?"nakangiting sabi ni Loisa sa aming dalwa habang papasok kami ng bahay.

"Hi ninang.Hi Tita."Bati ni Shin pagkakita pa lamang sa amin ni Steph.

"Hi handsome."Magiliw na sabi ko sa bata bago ito halikan sa pisngi.

"Hi baby boy ko."humalik din si Steph sa bata at pinisil ang pisngi nito."Happy Birthday."

"May gifts kami sayo."Tinaas ko ang dalawa kong kamay para ipakita sa bata ang dalawang paper bag para dito."Happy Birthday." Nakita kong namilog ang mata nito dahil sa malaking paper bag na dala ko.Iniimagine siguro ng bata kung anong laman niyon.

"Thank you po,Tita." Pagkaabot ko ng mga ito."Thank you po,ninang." Baling naman nito kay Steph.

"Let's go inside."Anyaya ni Loisa sa amin.Inakay naman namin si Shin papasok ng bahay.Nasa pagitan naming dalawa ang bata.

Maraming tao sa loob ng bahay at pati na rin sa bakuran.Nagsisikain na ang iba sa mga ito.Ang iba ay grupo grupong nakikipagkwentuhan.At maraming batang naglalaro.

May napansin din akong stage sa may bakuran.Maliit lang iyon kumpara sa ordinaryong stage.May drum set at speaker roon.

"Ang ganda nya ano?"

"Mukhang artista."

"Ang hot nya pre."

"Nakakainlove siya."

Ilan lang iyon sa mga naririnig kong usapan patungkol sa akin.

*Howell,maganda naman talaga ako.*I smirked.

"Hanggang dito ba naman mars may nabibingwit ka." Pabirong sabi ni Loisa na ikinatawa naming tatlo.

"Anyway,may ipapakilala ako sa inyo.Mga kaibigan ni Reo." sabi nito.Itinuro nito ang direksyon kung nasaan si Reo.Nasa isang mesa ito kasama ang mga kaibigan.Lumapit kami ng nakangiti.Ngunit unti-unting nawala ang ngiti ko habang papalapit sa umpukan ng mga iyon.

"Hi guys." Nakangiting sabi ni Loisa.Napalingon naman sa amin ang lima sa table na iyon.Si Reo,isang babae (Chynz),panlalaki ang gupit nito pero mahahalata mong feminine itong kumilos.Isang medyo chubby na nakasalamin (Jugz).Isang matangkad at macho na lalaki (Wacky)at ang pinakahuli,isang napakaganda at hot na babae na muntik ko ng mapatay kanina lang.😱😱😱

*Sh*t!Anong ginagawa niya dito?* Bulong ko sa sarili.*Malamang namemertdeyan,Crazy!*Hindi ako mapakali.Ngingitian ko ba o dedma na lang?Kunwari hindi nangyari iyong kanina?*Oh God,what am I gonna do?*

"Guys,kumurap naman kayo oh."Natatawang banat ni Loisa ng mapansing nakatulala ang apat bukod kay Reo.Mukha naman binuhusan ng malamig na tubig ang mga ito.Nag si ayos ng upo at ngumiti ng ubod tamis sa amin except sa babaeng hindi yata marunong ngumiti.Napansin kong nakatitig pa rin sa akin ang machong lalaki kaya nginitian ko siya.Iyong makalaglag balls.nyahaha

"Hi.I'm Wacky."Tumayo ito at iniabot ang palad sa akin.Tinanggap ko naman iyon.

They shooked hands.

"I'm Rhian,nice to meet you." Binalingan nito si Steph at nagpakilala din.Sumagot din naman ang kaibigan.

"Wow,ha?Nagprisinta ka na kaagad magpakilala."asar naman ng chubby na katabi ni Wacky."Jugz nga pala,beautiful." Tumayo na rin ito at nakipagkamay sa akin.Tinanggap ko rin iyon ng nakangiti.Ganun din ang ginawa nito kay Steph.

Pinakilala naman ni Reo ang nagngangalang Chynz.Nakipagbeso kami dito.

"And this is--" si Reo.Nakatapat ang kamay nito sa babaeng sinermunan ako kanina.Muling nagtama ang mga mata namin.Pero umiwas kaagad ito.

"Nangnong,can you help me with my drumset,there." Nakalapit na pala si Shin sa babaeng ipapakilala na sana ni Reo.Itinuturo nito ang drumset na nakapwesto sa stage.

"Oh sure." Mabilis nitong sagot bago tumayo."Excuse us."Paalam nito.Ni hindi man lang ako tiningnan.

Napakunot ang noo ko, *Is she mad at me?*Nasundan ko na lamang ito ng tingin.Akay nito ang bata papalabas ng bahay.

*Malamang!Muntik mo na ngang mapatay kanina!*

"Please,join us here." sabi ni Chynz.
Ikinuha kami ni Reo ng mauupuan at nakijoin na lang sa table ng mga ito.Umalis muna sa table namin ang mag asawa dahil marami pang bisita ang dumating.

"Besty,di ba siya yung girl kanina?"tanong ni Steph habang kumakain kami.Narecognized din pala ni Steph ang babae.Tumango ako.Hindi naman na ito nagsalita at pinagpatuloy na ang pag kaen.

"So Rhian,anong pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Wacky.Halatang type ako.

Uminom muna ako bago nagsalita."Nothing,exploring,maybe." nakasmile pa ring tugon ko.

"Wow!Exploring?Parang Dora the explorer lang." si Jugz.

Sa sinabi ni Jugz napatanaw ako sa tunay na Dora the explorer,I mean,sa babaeng hindi ko pa rin alam ang pangalan.Tanaw namin ang babae mula roon dahil malapit lang kami sa malaking terrace.

Ibinaling ko din agad ang tingin sa mga kasama ng mapansing lilingon si Dora sa direksyon namin.Ayaw ko ng magtama ang mga mata namin.At baka mangatog na naman ang tuhod ko.Nakipagkwentuhan na lamang ako sa mga kasama.Masaya namang kausap ang mga ito.Hindi ako naboboring.

"Naku,tsong,iba na lang."Si Reo.Inakbayan nito si Wacky.Naroon na kami sa mismong terrace ng mga ito.Kaya mas tanaw ko roon si Dora.

"Anong iba na lang?Naguguluhang tanong ni Wacky.Inginuso naman ako ni Reo."Wag na lang siya ang bolahin mo."patungkol sa akin.

"Ha?" Si Wacky.

"Wag na lang siya dahil kaya niyang bilhin ang buhay mo."Tatawa tawang sabi naman ni Steph.

"Sino naman nagsabing ipagbibili ko ang buhay ko?Kung pwede ko namang ibigay na lang sa kanya."sabay kindat nito sa akin.

*Gwapo but not my type.*

*Woaw!Ang galing bumanat ah.Sanay na sanay." pang aasar naman ni Chynz.

"Baka palagi na nyang ginagawa."nakikisakay naman si Steph sa pang aasar ni Chynz.

"Wait,wait,wala naman laglagan dito."Natatawang react ni Wacky.

Tawanan kaming lahat sa sinabi nito.

Napalingon ulit ako sa direksyon ni Dora.Nakikipaglaro na ito sa mga bata.

Napangiti ako.

"Ang cute nya ano?" si Chynz.

"Ha?"Kinabahan ako.Nahuli ba ako ni Chynz na nakatingin kay Dora?😓😓

"The kid.He's so cute,right?" Nakatanaw na rin pala ito sa mga batang naglalaro.

"Uhm..yeah,ang cute niya."Napalunok ako.Akala ko nabuking na niya ako.

*Ang cute niya.* sabi ko sa sarili habang nakatitig kay Dora.

*No!Yung bata ang cute.*Pangungumbinsi ko sa sarili.

"Gusto ko din magkaroon ng ganyan,in the near future."si Chynz.Tinutukoy nito si Shin.

"Me too."

*Katulad ba talaga ni Shin ang gusto mo,Rhi,o katulad ni Dora?*tanong ko sa isip.

"No!" ako

"Ha?"si Chynz.Napatingin na rin ang iba naming kasama dahil sa malakas kong pagkasabi ng "No."

"Uhm yes,gusto ko din ng kid,but no,hindi pa in the near future."Palusot ko.

"Don't worry,I am willing to wait."banat na naman ni Wacky na ikinatawa naming lahat.







The Princess and The Frog PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon