GLAIZA'S POV
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng pangyayari sa bar. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko kung bakit naging memorable ang araw na iyon.Nahalata na rin ako ni Chynz na madalas kong tinitignan si Rhian.Nagbiro pa siya na baka daw matunaw sa mga tingin ko si Rhian.Kaya siguro inasar niya ako ng gabing iyon.
Naiset na rin namin ang bakasyon na idea ni Steph.Bakit nga ba ako napaOo sa bakasyon na iyon?
..
..
..
Oo nga pala.Nginitian ako ng anghel.
Kaya instead na tumanggi ako sa plano nila ay wala na lang akong nasabi kundi "okey".Pakiramdam ko kasi hinihila ako ng mga ngiti niya papalapit sa kanya.
Tahimik lang ako noong gabing iyon.Naobserbahan ko kasi si Rhian.Tumititig ito kapag may nagsasalita o may nagkwekwento sa amin.Maybe its her way of saying that she's listening.At para hindi na niya ako matitigan,tumahimik na lang ako.Bigla akong natakot sa mga titig niya.Parang anytime magcocollapse ako sa mga iyon.
Nag aalala na rin ako sa nararamdaman ko.Sa nararamdaman kong saya nung gabing yon.Yung "saya" na matagal ko ng hindi naramdaman.Bago muli ang pakiramdam na iyon para sa akin.
Totoo.
Natatakot ako.
Natatakot na akong maattach sa isang tao.
Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Natatakot ako sa kasiyahang nararamdaman ko.
Ayokong lamunin ako ng kasiyahan at makalimutang nagluluksa nga pala ako.
Namatayan nga pala ako.
Namatay nga pala si Jade dahil sa kapabayaan ko.😢
So anong dahilan para maging masaya?
Wala.
Wala akong karapatang maging masaya.
Para sa akin,pagtataksil iyon sa asawa ko.
At higit sa lahat,
Natatakot akong maging masaya dahil alam kong panandalian lang ito.
Parang hiram na laruan na kahit anong gawin ko hindi mananatili sa akin.
Kahit anong ingat ko,babawiin din ng tunay na nagmamayari.
Kahit anong pagpapahalaga,mawawala din at maiiwan na naman akong mag isa.
Malungkot.
Miserable.
Pero kahit anong pilit ko.Hindi ko pa rin maiwasan na hindi isipin si Rhian.Hindi ko pa siya lubos na kilala pero ang gaan na ng loob ko sa kanya.
Kapag nasa malapit lang siya sa akin,hindi pwedeng hindi ko siya susulyapan man lang.
The hazel colour of her eyes.
The perfect contour of her lips.
The smile of her that I can never ever forget.
Hindi iyon mawala sa sistema ko.
And I know,this is WEIRD.
Hindi ko dapat to maramdaman.
At noong gabing kasayaw ko siya.Ramdam ko ang totoong ngiti na makikita sa mukha ko habang nakatitig sa kanya.Mga totoong ngiti na maraming taon kong ipinagkait sa sarili ko.At ng hawiin ko ang ilang strands ng buhok sa noo niya,para akong lumilipad.Ramdam ko ang mga paru parong nagliliparan sa sikmura ko.Ramdam ko ang totoong ako.Ramdam ko na nabuo na muli ako.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Frog Prince
FanfictionIts not who you love. A man, a woman, what have you. It's the fact that you love. That is all that truly matters. A RaStro Story