GLAIZA'S POV
"Cheers!Happy Birthday,tsong."Bati ni Jugz kay Chynz.Birthday ni Chynz ngayon.At nagcecelebrate kami sa condo niya.Kumpleto ang squad.Maliban kay Steph at Rhian.Try daw ng mga itong makahabol pero mas gusto kong wag na lang.Isang linggo na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin kami nag uusap ni Rhian.At sa'twing maaalala ko siya,naroon pa rin ang kirot.Hindi iyon mawala wala.Aaminin kong mahal ko pa rin siya.Kaya siguro hindi mawala ang sakit dahil alam kong siya lang ang makakagamot nito.
Alas otso na ng gabi ng dumating silang dalawa ni Steph.Lahat kami ay nasa carpeted na sala.Nakaform kami ng Circle.katabi ko si Solen at Chynz.Katapat ko naman si Rhian.Hindi ko siya binati o tiningnan man lang.Mukha namang tumigil na rin siya sa pangungulit sa akin dahil ilang araw na siyang walang paramdam.
"Mga tsong,game
naman tayo.Birthday ko naman pagbigyan nyo na ako."Tipsy na ito dahil na rin sa dami ng beer na napataob namin."Yay!Gusto ko yan."Solen.
"Okey,shoot"Steph
"Ganito ang laro natin.Icompare natin ang love sa isang bagay."Nakangising sabi ni Chynz.
"Woaw!Ang baduy naman ng game naten."react ni wacky.Patuloy naman ako sa pag tungga ng bote ng beer na hawak ko.
"Katuwaan lang,tsong."Pagsang ayon ni Reo."Okey lang ba sayo Glai,Rhi?"Magkasabay pa kaming tumango bilang sagot.
"So ok na?Gagawa ako ng mga names naten,then we'll pick one.Kung sino ang nabunot,siya ang sasagot.We call it "Ang pag ibig game."Chynz.Gumawa si Chynz ng mga names namin sa isang papel at inilagay iyon sa isang baso.Kinalog niya iyon saka bumunot.
"Jugy"Natatawa nitong sabi ng buksan ang papel na nabunot nito.,Ang pag ibig ay parang harutan.Bakit?".Nakangisi ito at mukhang pinahihirapan sa pag iisip si Jugz.
"Ehem."Tumikhim ito bago nagsalita."Ang pag ibig parang harutan kahit anong iwas,hindi mo maiiwasang hindi masaktan."Nakangising sagot nito.Naghiyawan kami sa isinagot na iyon ni Jugz.
"My turn."Sabi ni Jugz.Bumunot na ito at "It's Wacky boy.Ang pag ibig ay parang fishball..."
Ngumiti naman si Wacky ng nakakaloko saka sumagot."Ang pag ibig ay parang fishball,ang mahalaga makarami ka."
"Hahahahaha.."Magkakaduet namimg tawa.Napakababaero talaga oh.
Next na bumunot ay si Wacky.Si Rhian ang nabunot niya at di ko inaasahan ang isinagot niya sa "Ang pag ibig ay parang sugal...."
"Ang pag ibig ay parang sugal.Minsan panalo,minsan talo.Pero ang masakit,panalo ka na sana,hindi ka nga lang tumaya."Titig na titig nitong sabi akin.Na parang pinatatamaan ako.Iniiwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya.
"Woaaaw..sobrang deep,besty."kantyaw ni Steph.Ang sumunod ay si Reo sa "Ang pag ibig ay parang kape.Kapag napabayaan,lumalamig."
Ang nabunot naman ni Reo ay si Solen."Ang pag ibig parang MRT."
Ilang segundo lang ay nakapag isip naman agad ito ng hugot"Ang pag ibig parang MRT.Bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo kung masikip na.Kung meron pa namang next train di ba,Glai?"sabay kindat nito sa akin.Naghiyawan naman ang squad maliban kay Rhian.Sinulyapan ko siya at nakita kong nakatungo siya at parang malalim ang iniisip.Pagtunghay niya ay nag tama ang mga mata namin.Agad naman akong nagbawi ng tingin.
Ako ang sumunod na nabunot kaya si Solen ang magtatanong sa akin.
"Ang pag ibig parang threadmill."Mukhang mahirap ang napili niya para sa akin.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Frog Prince
FanficIts not who you love. A man, a woman, what have you. It's the fact that you love. That is all that truly matters. A RaStro Story