GLAIZA'S POV"Tsong,hindi ka na bata.Dito ka dapat."Tawag ni Reo kay Glaiza.
*Paktay!Napansin na naman ako."Napahawak ako sa noo sabay hawi sa bangs ko.Manerism ko iyon kapag kinakabahan.
"Hayaan mo na ang mga bata dyan."Tatawa tawang sabi pa ni Jugz.Naglakad ako sa direksyon ng mga ito.Nakahalf smile ako habang papalapit sa mga ito.Muling nagtama ang mata namin ng babaeng nagngangalang Rhian.
*Ang puso mo,Cha!* Para akong mabubuwal sa titig nito sa akin.
"Grabe ka tsong.Sino ba talaga ang barkada mo?Kami o yung mga bata dun?"Turo pa ni Wacky sa direksyong pinanggalingan ko.Ipinaghila ako ng upuan ni Reo.Katapat ko si Rhian.
"Sorry,tsong.Namiss ko lang si Shin."ako.Hindi ako makatingin sa harapan ko dahil alam kong nakatingin si Rhian sa akin.
*Grabe ang babaeng to.Bakit kase tingin ng tingin?* kausap ko ang sarili ko."Eh bakit ikaw,tingin din ng tingin."Mababaliw na ko.
"Kami ba hindi mo namiss?"si Jugz."Kung hindi uuwi na lang kami."Kunwaring pagtatampo nito.
"Mauna ka na."Sabi ni Chynz na ikinatawa namin.Tumingin muli ako sa babae sa harapan.Nagtama ang mga mata namin.Ibinaba nito ang tingin ng mahuli ko siyang nakatingin din sa akin.
*Nasa langit na ba ako?*Ang ganda naman kasi talaga ng babae.Kung may perfect mang matatawag,heto nang nasa harapan ko ang good example dun.Pinagmasdan ko pa siya tutal hindi na ito nakatingin sa akin.Nagsasalin ito ng tubig na inagaw naman ni Wacky para ito ang makapgsalin sa baso ni Rhian.
*Paimpress*Halatang type ito ng kaibigan kong playboy.Kawawa naman ang babae pag nagkataon dahil iiyak lang ito kay Wacky.
*Anong gusto mo sayo na lang?*Umiling iling ako.Kung ano ano naiisip ko.
"Tsong,are you okey?"tanong ni Reo.Napansin siguro ang pag iling ko.
"Hmm..oo tsong.Mainit lang."Napahawak na naman ako sa noo at hinawi ang bangs ko.Tensed na naman ako.
"Maaga pa para mag init." Sabat ni Jugz.Tawanan ang mga kasama ko habang pulang pula naman ako sa hiya.
"Teka,mas maganda kung may naikot sa table natin,right?"Suwestyon ni Reo bago ito tumayo.
"Si Jugz na lang paikutin natin tutal bilog din naman eh."Pambawi ko sa kaibigan.Tawanan ulit ang mga kasama ko.Napatingin muli ako kay Rhian.Mukhang aliw na aliw ito sa pagkukulitan ng squad.
"Ouch!Anchaket!" hawak pa nito sa may dibdib na lalo pa naming ikinatawa.
"Wait,I'll get some beer."Paalam ni Reo ng humupa ang tawanan namin.Pagbalik ng kaibigan,may dala na itong alak at mga pulutan.Pero nang kukuha na ako ng beer,pinigilan ako ni Reo.Hindi pa raw kasi ako kumakain.
*Wow!Concern!*Napangiti ako sa malasakit nito.
"Yieee.."Nag react ang mga kaibigan ko sa concern ni Reo sa akin.Buti na lang wala sa umpukan namin si Loisa.Baka magselos pa ito sa pangangantyaw ng mga kaibigan ko.
"Mga gago!"Smile ko sa mga ito bago tumayo."I'll get my food." paalam ko sa kanila.Pumasok ako sa loob ng bahay.Madami ring tao sa sala.Nahihiya akong kumaen dun mag isa.Kaya ang next destination ko ay sa ..
kusina.
Pumasok ako roon,dala dala ang pagkaing kinuha ko sa sala.
"Cha,ikaw pala yan."bati sa akin ni ate Sol.Yaya ito ni Shin.Ngumiti naman ako.Tinanong ko kung pwedeng dun na lang ako kumaen dahil madaming tao sa sala.Umoo naman ito at hindi rin ito nagtagal sa kusina dahil kailangan nitong bantayan ang alaga.
*Hmm pati pag kaen nakalimutan ko na dahil sa babaeng iyon.* Patuloy ko sa pag nguya.Feel na feel ko ang pag kaen.
"Uhm excuse me."Napalingon ako sa nagsalita.Muntik ko ng maibuga ang laman ng bibig ko nang makita kung sino ito.Punong puno pa naman ang bibig ko.Sa sobrang kaba ko,nilunok ko na lamang ang pagkaen sa bibig ko at hindi na iyon nginuya.
At iyon ang pagkakamali ko dahil nagkasamid samid lang ako.
"Miss,are you alright?" si Rhian
*Hindi!Penge tubig!* gusto kong sabihin sa babae ngunit hindi maisatinig dahil puno ng pagkaen ang bibig ko.Kumilos naman ito ng mabilis dahil nakitang nabubulunan na ako.Nagsalin ito ng tubig at ipinainom sa akin.Pareho naming hawak ang baso habang hinahagod niya ang likod ko.Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha niya.
Bigla naman akong napatayo ng maramdaman ko ang palad niya na humahagod sa likod ko.Para iyong ilang milyong boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko.
"Ah eh .. "Hindi ako makahanap ng sasabihin.Bigla namang napabunghalit ng tawa si Rhian.Kaya napakunot ako ng noo.
"B-Baket?'
Natatawa pa rin ito ng itinuro ang nguso ko.Napahawak ako sa bibig ko tsaka nya narealized na hindi pa ako nakakapagpunas ng bibig.Nasa chin ko pa ang marka ng tubig pati ang ilang butil ng kanin ay nasa bibig ko pa rin.
"Naku po,sorry." Naghagilap ako ng pwedeng ipamunas sa bibig ko.
*Kingina!nasa terrace ang bag ko!"
"Here,use it."Napalingon ako kay Rhian.Napatingin ako sa inaabot niya.Panyo.Baby pink na panyo.
*Jusko,pabebe pa.Pabebe pink* :)))
Tumingin muli ako sa kanya.Ngumiti ito ng ubod tamis.Makalaglag ng lahat na pwedeng malaglag sa akin.*Ay ay ay..ang puso ko,log log log log.*
Kinuha ko ang iniaabot niya.Nahihiya pa akong punasan ang bibig ko sa harapan ni Rhian kaya tumalikod ako bago ito punasan.Nang machecked na wala ng kalat ang mukha ko,humarap na ulit ako sa babae.Nakangiti pa rin ito.
*Ay ay ay.. Cha,ang puso mo,nalaglag na kasama ang panty at bra mo.* :))))
"Ah eh salamat."nahihiyang sabi ko kay Rhian.Nagtama muli ang mata namin.
1s
2s
5s
10s
13s
15s
"Cha,tapos ka na bang kuma--" si ate Sol.Naputol ang sasabihin nito ng makitang may ibang tao roon bukod sa akin."May kasama ka pala."
"Ah yes mam,hinahanap ko kasi yung rest room dito?" baling ni Rhian kay Sol.Nakahinga naman ako ng maluwag.Akala ko malalaglag na talaga lahat sa akin dahil sa titigan factor namin.lol.
*Bakit hindi siya sa akin nagtanong?*
*Paano magtatanong eh tinitigan mong bruha ka* sita ko sa sarili.
"Ah Ma'm dito po yun banda.Turo ko po sa inyo." nauna ng lumabas ng kusina si Sol.Palabas na si Rhian ng nagsalita ako.
"Ahmm salamat ulit para dito." Itinaas ko ang panyo.Sa wakas may nasabi rin ako.Lumingon siya sa akin at ngumiti muli.
"You're welcome."Pagkasabi nito ay nagpaalam na rin siya sa akin.Naiwan akong nakatulala sa panyong hawak.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Frog Prince
FanfictionIts not who you love. A man, a woman, what have you. It's the fact that you love. That is all that truly matters. A RaStro Story