CHAPTER 40

1.6K 82 3
                                    

RHIAN'S POV

"Ehem.." Napaunat ako sa pagkakaupo ng tumikhin sa speaker si Glai. Seriously! Mag a ala Juan Miguel Severo siya dito?Geez!

"Sana kahit saglit bigyan ako ng oras,
Di kasi kita mabibigyan ng tsokolate't rosas.

Napangiti ako nung marinig ko kung paano niya simulan ang pagtula.

"Chocolate sakit sa ngipin,
Rosas ay nalalanta,

Pero ito mula sa puso
ang sinulat kong tula.

Mukhang hindi lang rosas ang malalanta sa oras na ito.Pati ampupupuso ko.😆

"Na ikaw ang tanging bida
At ikaw lang ang laman,

Mahal kasi kita
Yun lamang ang aking naramdaman.

Mahal din kita lubbidabs. Landeee 😆

"Simula ng makita at makilala ka,
Rhian Denise Howell.

Bakit ang ganda ganda ng pangalan ko kapag siya ang bumibigkas?😍

"Eh paano kung Rhian Denise Howell De Castro?

Yes! Yes! I'll marry you. 😘

"Okey yun ah,
Di ba mas magandang pakinggan?

OA. Okay na Alright pa. Hihi
(Ramdam ko ang saya sa boses niya.)

"Pero balita ko ngayon
Ikaw ay may iba ng...

Napalitan ng lungkot ang kaninang masaya niyang boses.

"Minamahal pero ako
Hanggang ngayon ikaw lang.

Sinong walang puso ang nagsabi sa lubb ko na may iba na akong mahal?😒

"Kasi di ba noong ako'y nanligaw,
Akoy nangako,

Na ikaw lang iibigin,
Kaya tinupad ko nga to.

Biglang bumalik sa akin ang mga memories nung time  na  nanliligaw pa lang siya sakin.Kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.😊

"Kung meron ka mang iba,
Wala na akong pakialam,

Bastat mahal kita,
Yun lamang ang aking alam.

Sino ba kasing nagsabi sayo niyan?Hmp 😒

"Kaya lahat ng nasa puso ko
Ay aking sasabihin,

Kung kanino ka man mapunta,
Ikaw ay babawiin.

No need! Kasi sayong sayo naman talaga ako.

"Dahil ikaw lang natatangi
Na saakin ay nagpabago,

At ikaw lang tinanggap
Ng puso ko na may kandado

Na ang susi ay wala sayo,
Ang susi ay di mo nakuha

Pero ayos lang
Dahil ika'y pinapasok ko ng kusa.

Naiiyak na ako.😢Ramdam ko kasi ang emosyon sa bawat salitang sinasabi niya.

"At bawat paglipas ng minuto at oras,
Litrato mo lagi ang minamasdan.

Tila araw o buwan man ang lumipas,
Sa puso ko di ka parin napalitan.

Huhuhu.😭Di ko na talaga kayang pigilan.Nag unahan sa pagpatak ang luha ko habang patuloy siyang pinapakinggan.

The Princess and The Frog PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon