CHAPTER 27

1.5K 93 8
                                    

GLAIZA'S POV

Nandito ako sa harap ng bahay nina Rhian.At kung itatanong niyo kung bakit?Syempre manliligaw.Mabuti na yung maaga para di maunahan ng iba.😉

*Teka,anong meron?Bakit may pila."Dali-dali akong pumunta sa guard para itanong kung naroon ba sa loob si Rhian.

"Sir,nandyan po ba sa loob si Rhian?"tanong ko habang palinga-linga.

"Yes,Maam."Magalang naman nitong sagot.

"Pwede po bang pumasok?"Nakangiti kong tanong kay manong guard.

"Naku,maam,pila na lang po kayo."Kamot sa ulong sabi sa akin ni manong guard.

"What?"Napatingin ako sa mga nakapila.May mga lalaki at may mga lesbian din pero men cut ang mga ito.Sa tantya ko ay nasa 20 plus karami ang mga ito."Pero manong,hindi po ako mag aapply na driver."sa sinabi ko nagtinginan sila sa akin at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Natatawang sumagot ang guard sa akin."Maam,manliligaw po ba kayo?"tanong nito sabay sulyap sa dala kong bulaklak para kay Rhian.

*Hindi!Hindi!Lalagay ko lang to sa flower vase nila tapos aalis na din ako.*Gusto kong sabihin kay manong kaso hindi ko sinabi dahil baka hindi niya lalo ako papasukin.Tumango na lang ako bilang sagot.Binigyan niya ako ng kapirasong papel.Binasa ko naman ang nakasulat.

30

*Teka,para saan to?Hindi naman ako magbabayad sa batelec ngayon ah.*sa isip ko.Tumingin ako kay kuya,nagsalita naman siya,bago ako makapagtanong.

"Yan po yung pila ng mga manliligaw.Pang 30 po kayo mam."

😨😨😓 Napanganga na naman ako sa sinabi ni manong guard.Hannu daaaw?Manliligaw?Pila?30?

*Teka nga,tatawagan ko si Rhian.*Nagdial ako ng number niya pero walang sumasagot.Sunod kong idinial ang number ni Chynz.May usapan kasi kaming sasamahan niya akong manligaw para suportahan.

"Yes,tsong?"sagot ni Chynz sa kabilang linya.

"Where are you?"ako.

"Nandito sa bahay nina Rhi.Kasama ko rin si Steph."

"Sa loob?'paninigurado ko.

"Malamang tsong,alangan naman sa labas.Mga suitors lang niya ang nasa labas.One by one nya kasing ineentertain..Teka nasaan kana ba?"Natatawang sabi sa akin ni Chynz.

"Nandito ako sA labas,tsong."yung boses ko parang humihingi ng saklolo.

"Ano bang ginagawa mo dyan?"

"Manliligaw."Mabilis kong sagot.

"Exactly.Kaya ka nga nandyan sa labas."pang aasar pa sa akin ni Chynz.Rinig na rinig ko pa ang tawanan nila ni Steph.Humanda kayo sa akin mamaya.

"Pero--"

"Oops!Wala ng pero pero.Naririnig ka ni Rhian,sige ka."Pananakot pa nito sa akin.Bigla naman akong naalerto.

"Ha?Ah oo nga,pipila ako dito.Sus!Pang 30 lang naman ako,yakang yaka."Pagyayabang ko pa."Sige na,pakisabi na lang kay Rhi,see you later."Pinutol ko na ang tawag at naglakad na papunta sa pila.Sa paglakad ko ay nabali ang takong ng heels ko.

*Anak ng tokwa't baboy naman oh!*Inis kong hinubad ang heels ko at yapak akong pumila.*Akala ko pa naman ako ang mauuna.Huli pala!*Napabuntong-hininga ako saka ko pinagmasdan ang paligid.*Ano ba yan!Para kaming nag aapply ng trabaho dito!Kaya pala sabi niya dapat matyaga ako.Kung di lang dahil sa dyosa kong mahal,nungkang magtitiis ako dito.*Napansin ko din ang mga kasama ko sa pila.Iba't-ibang lahi ang mga naroroon.*Sorry ka,dyosa ang minahal mo.*May Chinese,Japanese,American,Korean,German,Sheperd,Labrador,Dalmatian at askal.Hihihi👍

"Manliligaw ka din ate?"tanong ng askal na nasa unahan ko.Maka ate naman sa akin wagas.Mas mukha namang matanda.Upakan ko to e.👊

"Ah oo."sagot ko."Anong breed ka?"

"Ano?!"Kunot noong tanong nito.

"I mean,anong lahi ka?"Pagtatama ko.Haha

"German."Mayabang nitong sagot.Halata namang nagsisinungaling.Itsura neto!

"Sheperd?"Natatawa kong bulong sa sarili ko.

"Ano?!"Aba't may lahi talagang aso.Lakas ng pandinig.😁

"Wala.wala."Natatawa kong sabi.Pinasadahan naman ako ng tingin ni askal mula ulo hanggang paa.Siya naman,mula ulo mukhang paa.Hihihi✌

"Paano ka sasagutin ni Rhian,mukha kang pulubi."Nakangising tanong nito.Aba't ang yabang talaga.

"Paano ka sasagutin ni Rhian,mukha kang tutubi."Mapang asar kong sabi.Sa laki ba naman ng mata nito,(oo na,malaki din ang mata ko) pero mas malaki ang kanya.

"Hindi ka sasagutin ni Rhian,nakayapak ka."Mukhang napipikon na si askal ah.

"Hindi ka din sasagutin ni Rhian,baka masapak kapa."Nakangisi kong banat.Akala mo ha.Wag ako uy!

"Kaya kong sungkitin ang puso niya."askal.

"Kaya niyang sungkitin ang nguso mo."ako.

"Wala kang kayang ibigay sa kanya."

"Wala kang mukhang maibibigay sa kanya."

"Di mo siya mabibigyan ng anak."

"Di mo siya mabibigyan ng magandang anak."

"Kaya kong ibigay sa kanya ang langit."

"Ubod ka ng pangit."

"Hindi ka gwapo!"Pikon na pikon na sigaw nito.

"Hindi ka tao."Mahinahon ko pa ring sagot.

"Ang lakas ng loob mo!"Namumula na ito sa sobrang galit.

"Ang kapal ng mukha mo!"Cool na cool ko pa ring sagot.

"Hep-hep!Anong kaguluhan to?"Inawat na kami ng guard.Nakaagaw pansin na rin kami sa ibang nakapila.

"Ito kasing kwagong to."Turo sa akin ni askal.Kwago daw?Nahiya naman ako sa liit ng mata niya.Na kahit nakapikit parang mulat pa rin.

"Hoy tutubi--"

"Hep-hep,tama na yan."awat ulit sa amin ni manong guard."Kapag di kayo tumigil,magrereport ako kay mam Rhian."Pananakot pa nito sa amin.Tumahimik na ako.Ayaw kong mabadshot sa love of my life ko no.Kaya kahit nangagawit na ako sa pagtayo ay nagtiis na lang ako.Huhu An sakit na ng mga paa ko.Nakayapak pa naman ako.Napatingin naman ako kay askal.Ang talim ng tingin niya sa akin.Inirapan ko naman siya.Hmp😒Inayos ko na lamang ang sira kong heels kaysa makipag usap pa ako sa sira ulong to.Hmp😒😒







Sorry na po.✌Tiis ganda muna si G.😁



The Princess and The Frog PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon