CHAPTER 11

2K 100 1
                                    


RHIAN'S POV

"Hi girls."Malanding bati ni Reo sa amin.Nasa bar niya kami gaya ng napag usapan namin ng kaibigang si Steph.Natawa kami ng marealized ang itsura ni Reo.Naka wig ito at blonde pa iyon,naka dress din na floral at heels ang gaga.Nyahaha So ito pala ang gimmick na sinasabi ni Wacky sa akin ng minsang lumabas kami?

"Mas maganda na ba ako sa inyo,girls?"tanong pa nito na pinipilit baguhin ang boses.

"Gaga!"tatawa tawang sabi ni Steph.

"You're beautiful,mars."Compliment ko kay Reo.

"Thank you,sweetie." Malambing pang sabi nito saka nakipagbeso sa amin."Let's go inside."

Pumasok na kami sa bar.Lalo akong naaliw.Maging ang mga bouncer,bartender at lahat ng mga crew ay naka costume din.Ang mga lalaki ay naka pang babae,and vice versa.Laughtrip kung laughtrip.

Ang pwestong pinili namin ay yung malapit sa stage ng bar.May lumapit sa aming waitress para hingin ang orders namin.Natawa na naman ako.Nakadamit itong panlalaki.May mustach pa ito at pinakapal ang kilay para mag mukhang lalaki.

"Hi beautiful ladies."Napalingon kaming tatlo nina Reo sa nagsalita.Si Wacky,kasama nito si Jugz at papalapit na sa amin.

"Is that you,Reo tsong?"Nanlalaki ang matang tanong nito ng makalapit na sa amin.

"Na!I'm Rea not Reo." Mas malandi pa ito sa babaeng malandi.

"Akala ko kasi si Taylor Swift pero Brad Pitt ang katawan."Nagtawanan kami sa pam bubully nito kay Reo.

Iginala ko ang paningin sa buong paligid.Medyo madilim at meron ding disco lights.Napakarami ding tao.

"Teka,where's Chynz and --"Napansin din pala iyon ni Jugz.Wala pa kasi si Chynz at Dora na kanina pa hinahanap ng mata ko.

"There."turo ni Reo sa entrance ng bar."Nandyan na ang hearthrob."Napalingon kami sa itinuturo nito.Si Chynz ang una kong nakita.Kumaway pa ito sa amin.Saka ako napatingin sa kasama nito.

*Juicecolored!My Prince charming!"Napanganga ako ng makita ang lalaking kasama ni Chynz.Napakagwapo at ang lakas ng dating.Simple lang ang suot ng lalaki pero para akong nakakita ng hollywoos star.Ang hot,powtah.

Papalapit sa sa amin si Chynz at ang kanyang prince charming.

Nagtama ang mga mata namin.

"Jusko!Ang puso ko,laglag,plakda.*

Ngumiti ito sa akin.

*Urghhh."Napakagat labi ako."He's smiling at me.Yieeee..Kinikilig akes.*

"Papi G!" tawag ni Jugz.

*Papi G?No!Prince charming dapat!* Gusto kong sabihin kay Jugz.Nakalapit na ang mga ito sa amin.

*Penge hangin,please* sigaw ng utak ko.Nasa harapan ko na ngayon ang aking Prince charming.

"Tsong,tinalo mo pa si Wacky sa kagwapuhan mo ah."akbay pa ni Reo kay prince charming.

"Napagtripan ako nitong si Chynz eh."Napapakamot sa ulong sagot nito kay Reo.

*Teka,may kaboses si prince charming ko.*

"Dinaig pa nga niya si Jericho Rosales.Mr.Pogi na ba?" Natatawang sabi ni Chynz.

*Ugh..ugh..ugh..* Para akong paulit ulit nauntog sa reyalidad.*Dora is that you?* Gustong lumabas sa bibig ko ngunit sinarili ko na lamang iyon.

Her nose,

Her eyebrows,

Her eyes.

*Lupa!Kainin mo na ako please!*Si Dora nga ito.Ang laki kong tanga para mapagkamalan itong lalaki.Kung bakit kasi hindi ko malinaw na makita ang pesluk nito dahil sa disco lights.

*Ikinahihiya kita,Rhian Denise!Pati mga ilaw sinisisi mo pa!*Sermon ko sa sarili.Gusto ko ng maglaho ng mga oras na yon.Pati sa sarili ko nahihiya na ako.

*Biktima ng sariling kalandian.Bow.*

"Ayos na ayos.Siguradong maraming makikipagsayaw dyan mamaya." Si Wacky.Tumungo na lamang ako at kunwaring busy sa cellphone ko.Namumula ako sa pagkahiya sa sarili kong katangahan.
Buti na lang hindi ako tumayo roon para sugurin ng yakap ang inaakala kong Prince charming na isang Frog prince pala.

*Lalo kang ligwak!Gaga!*

"Hi Rhian.Hi Steph." Bati ni Chynz ng mapansin ako nito.Muli namang nagtama ang mga mata namin ng aking Frog prince.

*Lintik!Bakit ba kasi ang gwapo nya at ang ganda at the same time.*

"Hmm guys,hiramin ko muna si Papi G sa inyo ha." excuse ni Reo bago umalis sa table namin.Sakto namang dating ng orders namin kaya habang nag iinom ay nakikipagkwentuhan na rin ako sa mga ito.

"Ang cute niya,ano?"bulong ni Steph sa akin na nakatingin din pala sa stage kung saan naroon si Reo at Dora.

"The who?" kunwaring tanong ko.

"Si Diego the hearthrob." Natatawang sagot nito.

"Diego?" Hindi ko gets kaya bumaling ako sa kaibigan.

"The male version of Dora."Napakalakas ng tawa ko ng marinig ang sagot nito.

"Yeah,yeah."pagsang ayon ko.

"Crush mo siya?"bulong ulit nito sa akin.

"No!" Laking tanggi ko.Muntik ko ng maibuga sa mukha nito ang laman ng bibig ko.

"Exaggerated ang reaction mo,friend." pang aasar pa sa akin.
"Lovi Poe is my girl crush.So there's nothing wrong kung maging crush mo siya.It means naaappreciate mo yong beauty niya."Paliwanag pa nito.

"I don't have a crush on her.At pwede ba tigilan mo yang crush crush na yan.Were not a kid."

"Alright but crush ko pa rin si Lovi."sabi pa nito.

*Crush ko nga ba si Dora?*

*Hindi!Kasasabi mo lang di ba?*
Umiling iling ako sa isiping iyon.Napapraning na nga talaga ako sa mga naiisip ko.

Hays ..

Hays ulet ..

Sumulyap muli ako sa dako ni Diego.Abalang abala ito sa stage.Ano ba tong nararamdaman ko?Napakadami ko ng taong nakasalamuha,pero bakit sa taong yun lang ako nagkakaganito?Kapag alam kong malapit lang siya sa akin,hindi ko na mapigilang dagain.Kapag nakatingin siya sa akin,pakiramdam ko ay nagwawala ang mga organs ko sa katawan.Never pang nangyari iyon sa akin.Sanay ako na ako ang naglalaro ng emosyon ng iba pero bakit kay Diego parang sarili kong emosyon ang nilalaro ko?

Naalala ko na naman ang unang araw na nagkita kami.Hindi ko rin inaasahang magtatagpo muli ang landas namin sa party ni Shin.Hindi ako pinatulog ng mga pangyayaring iyon.At heto nga nagkita na naman kami,kahit inaasahan ko na makikita ko siya,still,hindi pa rin ako naging handa.

May ibig sabihin ba ang pagtatagpo namin?O gaya ng iba na dadaan lang sa buhay ko at aalis din naman.

We'll see.. ;)

The Princess and The Frog PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon