GLAIZA'S POV
"Anong ginagawa ng aming professor dito?" Nakangiting mukha ni Reo ang sumalubong sa akin ng gabing iyon.Nandito ako ngayon sa bar niya.Oo, Hindi na kami magkasosyo simula ng maging professor ako.Hindi kasi magandang tingnan na ito ang negosyo ko samantalang isa akong guro. Makakasira sa image ko ang nasabing bar kaya mas pinili ko ang ibang pagkakakitaan.
"Bawal na ba ako dito ngayon?"Nakangiti akong bumeso sa kanya.Ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita ng squad dahil sakanya kanya naming buhay.Buo parin naman kami pwera kay Steph at kay Rhian.Si Steph ay nagmigrate na sa NewYork,isang linggo pagkatapos naming magkahiwalay ni Rhian. Wala na kaming balita sakanya dahil kasabay ng paglayo ni Rhian ay ang paglayo din niya sa amin.I can't blame her.Nasaktan ko ang bestfriend niya.
"Oo, bawal ang mahabang buhok dito."Napangisi ako. Matagal na nila akong kinukulit na magpagupit dahil ga-bewang na ang buhok ko. Di ko iyon pinagupitan sa nakalipas na dalwang taon.Madalas pa nga nila akong asarin na mas babae pa raw akong tingnan kesa kay Chynz.
"Sira!Napagtripan mo na naman ang buhok ko."Natatawa kong sabi sabay upo sa isang table roon.
"Anyway, kamusta ang business?"-Reo.
"So far,so good. Mabuti nalang marami akong napapagkatiwalaang tao."
"How about your students?"
"Well, I can handle them naman." Nagkwentuhan kami ng ilang minuto at napagpasyahan ko na rin umuwi.What a tiring day, but Im looking forward for a beautiful tomorrow .😃
RHIAN'S POV
It's six o'clock in the morning kaya medyo inaantok pa ako habang nagdradrive. Isang linggo na ako dito sa Pilipinas.Ako na rin ang tumatayong CEO ng kompanya namin.
"Haaaaayyy."Napahikab na naman ako sanhi ng antok. Madaling araw na nga pala akong nakatulog dahil sa mga papeles na inasikaso ko. Maaga rin akong umalis ng bahay para gampanan ang tungkulin ko.
*Crook Crook Yaaaa* Sabi ng tiyan ko. Luminga-linga ako kung saan pwedeng magbreakfast saglit.
"Ayuun! The Frog Prince Coffee Shop."May kung anong bahagi sa pagkatao ko ang nagising nung mabasa ko iyon.
Nagpark ako at pumasok na sa loob pagkatapos akong batiin ng guard doon.
Pinagmasdan ko ang paligid saka ako lumapit sa counter at magalang naman akong binati ng naka assign doon.Nagulat pa siya ng mag order ako ng kapeng barako at pancake.Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng sosyal na kape na pwede kong pagpilian,ay bumagsak ako sa kapeng barako.
*Weird!*Feeling ko ay namimiss ko ang lasa niyon kahit na hindi ko pa naman iyon natitikman.
Pinili ko ang bandang dulo ng coffee shop na may pandalawahang upuan.Habang naghihintay ng order ay nahagip ng mga mata ko ang mga paintings na nakasabit sa wall.Mas naging maganda ang ambiance ng lugar dahil sa mga agaw pansin na sining.Hindi ko pa iyon nakikita ng malapitan ngunit alam kong magaganda ang mga likhang iyon.
"Here's your order,Mam."Sabi ng waitress ng mailapag nito ang order ko.
"Thank you."Nakangiting sabi ko.
"Your welcome,Mam."Akma na itong tatalikod ng may maisip akong itanong.
"Miss?"Napabaling muli siya sa akin at saka ako nagtanong."Who's the painter of those masterpiece?"Turo ko pa sa mga nakasabit na paintings.Ewan ko ba,pero nandun ang eagerness ko na makilala ang tao behind those artwork.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Frog Prince
Fiksi PenggemarIts not who you love. A man, a woman, what have you. It's the fact that you love. That is all that truly matters. A RaStro Story