RHIAN'S POVNasa harapan na ako ng malaking salamin sa rest room.Kinauusap ko ang sarili at kinagagalitan ito.
"Howell,ano bang nangyayari sayo?!"Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.Bago iyon sa pakiramdam ko.
"Pati yung panyo mo pinagamit mo sa kanya!Kailan ka pa natutong magpahiram ng gamit mo?"Kilala ko ang sarili ko.Sa lahat ng ayaw ko ay may ibang gagamit ng gamit ko.Hindi ako nagpapahiram ng gamit.Para sa akin,ang akin ay akin lamang.
"Pero bakit mo nga pinahiram?"Nanggigigil na tanong ko sa sarili.Ang totoo,hindi naman issue ang panyo na inoffer ko sa babae.Ang issue dito ay kung bakit ko iyon ginawa.Kahit kay Steph never ko pang ginawa iyon.Napakateritorial ko kaya kahit ang sarili ko ay di ko mapaniwalaan na ginawa ko iyon.
"And you?Oo,ikaw nga."kausap ko pa rin sa sarili ko habang nakaharap sa salamin."Nakipagtitigan ka pa talaga.Ano ka teenager?!"
"And my God.Kailan ka pa nakipagtitigan sa babae?!Disgusting!"Naiirita kong komento sa sarili.
"Huminahon ka,Rhi.'Calm down.Wala naman ginagawa sayo ang tao ah."Nag inhale exhale pa ako para irelax ang sarili.Buti na lang nagawa ko pang ngumiti kay Dora kanina kahit nag uunahan na ang mga daga sa dibdib ko.
Nagretouch na ako bago lumabas ng rest room.Dali dali ako dahil narinig kong may ngdadrums sa may bakuran.Nakabalik na ako sa umpukan ng hindi namamalayan ng mga kasama ko.Ang atensyon ng mga ito ay nakatutok kay Shin.Nagpeperform ang bata sa stage gamit ang drums.Napa "wow" ako sa husay ng bata.
"Manang-mana sa ama."Napabaling ako sa nagsalita.Si Dora.Nakaupo na rin ito sa umpukan namin.Mukhang giliw na giliw ito sa bata.Pero bakit ganon?Kahit nakangiti ito,hindi ko maramdaman yung happiness sa mga mata niya.
*Ano naman care mo?* sita na naman ng utak ko.Itinuon ko na lamang ang panonood sa bata habang patuloy ito sa pagpeperform kasama ang ama.
Malakas na palakpakan ang narinig ko ng matapos ang bata.Nakipalakpak din ako.
Tumakbo si Shin sa direksyon namin pagkatapos ng performance nito.
"Nangnong,can you sing for me?"Lapit nito kay Dora.Naglalambing.Lumapit na din si Reo.
"Pagbigyan mo na ang bata."sabi nito.Nakita kong namula si Dora.Hinihintay naming lahat kung papayag ba ito.Para tuloy naexcite ako.Magaling ba ito kumanta o pang banyo lang din ang boses nito?Lol.
"I don't have a guitar."palusot pa nito.
"Meron ako,so pagbibigyan mo na si Shin?" si Reo.
"Please,nangnong."Nagpuppy face pa si Shin.
"Pinagtutulungan ka na namin,pabebe ka pa tsong."biro ni Jugz na ikinatawa naman namin.
"Sira."si Dora.Kumuha ito ng beer at ininuman iyon.Nagpapalakas siguro ng loob,naisip ko.
"So okey na,kunin ko na yung guitar."Nakangiting paalam ni Reo.Habang hinihintay ay nakakalong ang bata sa lap ni Dora.Ang cute pagmasdan ng mga ito.Nakita kong nakatingin sa akin si Dora kaya nag iwas ako ng tingin.Kumuha rin ako ng beer at nilagok iyon.
Nakuha na ni Reo ang gitara nito at sineset up na nila iyon sa stage.Naroon na rin si Dora.
*Seryoso?Kakanta talaga siya?*Titig na titig ako sa babae tutal hindi naman ito nakatingin sa amin dahil abala ito sa ginagawa.
"Is she sing,well?"tanong ni Steph.
Si Chynz ang sumagot."Yeah,she's a singer."Proud na proud ang pagkakasabi niyon.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Frog Prince
FanfictionIts not who you love. A man, a woman, what have you. It's the fact that you love. That is all that truly matters. A RaStro Story