CHAPTER 20

1.6K 90 0
                                    

RHIAN'S POV

Napagod na ako sa kahahanap ng mga kasama ko kaya inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagkuha ng mga litrato.Nahagip ng lens ng camera ko ang taong kanina ko pa hinahanap.Naglakad ako papunta sa direksyon niya.Nakaupo at nakatungo ito.Umiiyak ba siya?

"Glai?"Approach ko sa kanya.She look at me and I confirmed that she's crying.But why?I want to ask her.I was shock ng tumayo siya at biglang yumakap sa akin.

"Is there a problem?"tanong ko sa kanya and hug her,in return.

Hindi siya sumagot.Iyak lang siya ng iyak sa balikat ko.Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya di na ako nagdalawang isip na ilayo siya sa lugar na iyon.Hinawakan ko ang kamay niya at hinila papuntang simbahan.Kung bakit doon ko siya dinala?Hindi ko din alam.

Pagpasok namin sa loob ay kakaunti pa lamang ang naroroon.Umupo kami sa bandang harapan.Malapit sa altar.Umiiyak pa rin siya pero hindi niya inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I am willing to listen."Sa sinabi ko ay napatingin siya ng deretso sa akin.Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata sanhi ng pag iyak.I want to hug her tight.I want to comfort her.

"Am I a bad person?"tanong nya at dahan dahang bumitaw sa kamay ko.Hmp.Sayang.😒

"Why?In what way?"ako.

"Dahil hindi naging ako ang gusto nilang maging ako."malungkot nitong sabi.

"What do you mean?ako.

"Itinakwil ako ng pamilya ko dahil sa sexual preference ko."Napakunot ako ng noo at napatingin sa kanya dahil sa sagot niya.

"So,hindi mo pa pala alam?"bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita ulit."Yes,I am a lesbian."Titig na titig nitong pag amin sa akin.

*Huwaaattt?😱😱😱This can't be!Sa hot niyang yan,lesbian siya?Bakit hindi ko man lang napansin?!Hays..lalo lang nagulo ang pagkababae ko este ang utak ko dahil sa pinagtapat niya.*

"Ngayong alam ko na,is it really a big deal?"Oo,totoo na hindi naman big deal sa akin ang preference niya.Ang big deal sa akin ay ang nararamdaman ko.Para akong natuwa and at the same time natakot dahil sa pinagtapat niya.

"Yes,it is.Especially to my family."
Nakaharap na ito sa altar."They can't accept me.Dahil mali,dahil nakakahiya,dahil imoral."Nakita ko ang pagtulo ng luha sa makinis na pisngi nito.Dumukot ako sa bulsa at inabot ang hanky ko sa kanya.Tinanggap niya iyon at pinahid ang mga luha niya.

"Bakit ganon?Sinusukat nila ang pagkatao namin dahil sa pagiging lesbiana namin?Bakit hindi sa pagiging mabuti naming tao?Bakit hindi sa mga nagawa naming tama?Bakit parang ang dumi-dumi namin sa paningin nila?Bakit para kaming may nakahahawang sakit na pinandidirihan?Mga taong walang karapatang magmahal at mahalin.Mga taong hindi totally naging masaya dahil sa pangungutya ng iba."Umiiyak na naman siya.Nasasaktan ako sa nakikita kong paghihirap ng loob niya.Kung pwede ko lang tagtagin lahat ng sakit na nagpapahirap sa kanya ngayon,gagawin ko.Pero wala akong magawa kundi makinig lang sa kanya.Kaya pala hindi ko siya madalas makitang nakangiti,hindi pala biro ang pinagdadaanan niya.

"Kung tutuusin,hindi naman namin ginustong maging ganito.Kung sana pwede kaming mamili.Siguradong maraming tulad ko ang mas pipiliin ang isang normal na buhay.Iyong walang takot.Iyong walang nanghuhusga.Dahil sa totoo lang,sobrang hirap.Hindi madaling maging katulad namin.Ang hirap humarap sa mga taong hindi bukas ang isip at puso sa mga katulad ko.Ang hirap maging masaya kung alam mong buong mundo ang kalaban mo."

"Kakalimutan mo na lang ba na mabuting tao ka dahil against sila sayo at sa mga katulad mo?Pipiliin mong wag sumaya dahil pakiramdam mo wala kayong karapatan doon?Why don't you prove to them that you're also worth it.That you're so darn worth it."Ako.

"For what?Ni pamilya ko,hindi ako nabigyan ng chance para iprove na kahit lesbian ako,mabuti akong kapatid.Mabuti akong anak."-Pogi

"Kaya ngayon ayaw mo rin silang bigyan ng chance na maging mabuting kapatid at magulang sayo?Hindi ba parang wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila?"ako.

"Natatakot ako.Yes,they asking my forgiveness but what if they don't really accept me.What if they reject me again?I can't afford na masaktan ulit nila sa pangalawang pagkakataon."-Pogi

"Yes,you are hurting right now but still,they are your family.Hindi mo matatakasan ang katotohanang iyon."Tumingin ako sa altar saka nagpatuloy."Meron ngang iba dyan,hindi kumpleto family nila.Meron ngang iba dyan,buo nga,pero wala naman yung love sa pagitan nila."Naalala ko si Mom and Dad.Binibigay nga nila sa akin lahat.Pero may kulang pa rin.Kahit sa mahahalagang araw ng buhay ko ay wala sila.Busy sa pagpapayaman.Minsan gusto kong sabihin sa kanila na hindi ko kailangan ang maraming pera,na mas kailangan ko sila.Hays..Tama na nga,hindi naman ako ang dapat mag eemote dito e..Kayo ha..

"Samantalang ikaw,nandyan pa ang family mo.Why don't you give them another chance?Coz' whether you admit it or not,I know..."Tumingin muna ako sa kanya kaya nakita kong nakatingin rin pala siya sa akin."You still love them."Nakangiti na ako ng sinabi ko yun.I just want to change the atmosphere here.

"I don't know where to start?How?"-Pogi.

"Here.Magsimula ka sa kanya."sabay tingin ko sa altar.Kahit naman hindi ako banal,may takot pa rin naman ako kay God."Hindi ka niya iiwan."Nakatingin na rin si Pogi sa altar at infairness,nakasmile na siya ..Oha!👌

"And I'm also here."Napalingon ulit siya sa akin,at nangunot ang noo niya sa sinabi ko.Ang cute.😭

"I'll come with you at kung sakaling ireject ka ulit nila,atleast,hindi ka na nag iisa.I won't leave you behind."Nakangiti kong sabi sa kanya.At nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko.

"Thank you."Sincere niyang pasasalamat sa akin.

"Just thanks to him dahil buo pa ang family mo.At binigyan ka niya ng isang dyosang taga advice."magiliw kong sabi sa kanya na ikinatawa niya.

"Then,thanks to him.."Tingin nito sa altar."And thanks to you,dyosa."Baling nito sa akin.😄Wow.Nagblush ba ako?Geez!Nakakahiya!

"Welcome Pogi."Bigla kong nasabi na ikinatawa niya ng malakas.Hays.
naging clown na talaga ako sa paningin niya.Pero okey lang,atleast ngayon,ako ang source of happiness niya.Yieee..Namula na naman ako sa isiping iyon.Lumuhod na ako at nagsimulang magdasal.Ganoon rin naman ang ginawa niya.

The Princess and The Frog PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon