GLAIZA'S POV
Tok tok tok
Nagising ako sa katok na iyon.Naghikab muna ako bago bumangon.Sino ba naman kasi tong istorbo na to?Kinukusot ko pa ang mga mata ko ng buksan ko ang pinto.
"Goodmorning,tsong.I missed you."Bati sa akin ni Chynz.Aga naman ng asungot na to."Ang ganda pala ng bahay nyo.Ang laki."sabi pa nito."May I see your room?"Di pa ako nakakapagsalita ay bigla na lang itong pumasok sa kwarto ko.
😨Nanlaki ang mga mata ni Chynz ng dumako ang paningin nito sa kama ko.
*Anak ng pusa naman oh!*Natampal ko ang noo ko.Nawala ang antok ko.Nakalimutan kong katabi ko palang natulog kagabi si Rhian at himbing na himbing pa itong natutulog ngayon.
"Tsong,bakit dito ka pa sa bahay nyo nag ninja moves?Hindi ka na nahiya sa parents mo.Dapat nung nangati ka,kiniskis mo na lang sana sa pader."Sermon sa akin ni Chynz.
"Siraulo ka!"Sabi ko sa kanya sabay batok.Ganoon na lang ba ako sa paningin niya?Isang manyak at masamang kaibigan?Pagkatapos ng pakikisama ko sa kanila,ganoon na lang niya ako husgahan.Ano ba ako?Tao ako Chynz,hindi ako hayop at mas lalong hindi ako gulay!Hehe .. Pwede na ba ako sa aktingan?
"Tsong,alam kong namimiss mo na si Jade,pero wag mo naman gawing rebound si Rhian.Kaibigan din natin siya."Kunwaring seryosong sabi nito.If I know,nang aasar lang ang lintik na to.
"Pwede ba tsong,wag kang magdrama.At pwede,sa labas tayo mag usap at natutulog pa siya oh."Turo ko sa natutulog na si Rhian.
"Pinagod mo yata."Nakangising sabi nito habang papalabas na kami ng kwarto.Sabi ko sa inyo eh,hindi marunong magseryoso sa buhay to.
"Sira talaga ang tuktok mo.Walang nangyari sa amin okey."Madiin kong sabi.
"May sinabi ba ako?Masyado kang defensive kaya napapaghalataan ka,tsong."Kantyaw pa nito sa akin.
"Tigilan mo ako Chynna!And please shut your mouth at baka may makarinig sayo."saway ko dito ng pababa na kami ng hagdan.
"Shut your mouth too,hindi ka pa kaya nagtootoothbrush."
"Gago ka talaga!"Natatawa kong sagot.Sa baba na lang ako magtootoothbrush,baka kasi magising ang sleeping beauty kapag bumalik pa ako sa room ko.Opo,may sarili akong banyo sa kwarto.Tamad po kasi akong bumaba.Glaizang tamad.😂
RHIAN'S POV
"Goodmorning,Besty."Rinig ko ang hyper na boses ni Steph pero hindi ko iyon pinansin.Antok pa talaga ako dahil napuyat ako kagabi.Oh wag madudumi ang isip.Napuyat ako dahil kay friendship kidlat.Nagigising kasi ako kapag kumikidlat.Buti na lang at nakayakap pa rin sa akin si pogi.
Teka,
Nasa kwarto nga pala niya ako ngayon.Napabalikwas ako ng bangon.
"Hay,salamat naman at naisipan mo ng bumangon mahal na prinsesa.Nakalimutan mo yata na wala ka sa palasyo nyo."Si Steph.Nakapamaywang pa ito sa akin.
"Panira ka talaga ng tulog,Besty."Sabi ko na lang at bumangon na ko ng tuluyan.Napansin kong wala na sa tabi ko si pogi.Namula naman ako ng maalala ko ang nangyari kagabi.Naghalikan kami.I mean,hindi sinsadya na nagkiss kami.Geez!
Nung naglapat ang lips namin,naprove kong hindi na pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya.At sa halip na iwasan ko nang magkalapit kami,lalo lamang akong napapalapit sa kanya
Kagaya kagabi,nagawa kong makitulog katabi niya.Ewan ko nga ba sa beautiful brain ko kung bakit naisipan ko iyon.Basta natakot ako sa friendship kong kidlat at natagpuan ko na lang ang sarili ko na kumakatok sa pinto niya.Hindi pa namin napapag usapan about sa naganap na kiss o dapat pa bang pag usapan iyon?It's just a kissed anyway.Pero bakit hindi iyon ang sinasabi ng puso ko?
BINABASA MO ANG
The Princess and The Frog Prince
FanficIts not who you love. A man, a woman, what have you. It's the fact that you love. That is all that truly matters. A RaStro Story