RHIAN'S POV
"Nakakainis!Nakakainis!
Nakakainis!Uggghhh!"Padabog kong isinara ang pinto ng passenger seat.Kung hindi lang kasalanan ang pumatay.Murderer na sana ako kanina pa.Bakit kasi wala akong magawa?Hindi ko masabi kay Sanya na akin lang si Glai.At ito namang unggoy na girlfriend ko mukhang enjoy na enjoy pa sa atensyong binibigay ni Sanya.May pangiti-ngiti pa.Akala ba niya ikinaliit ng mata niya yon?!Psss!Hindi naman ako ganito sa mga naging boyfriend ko.Pero bakit sa unggoy na yon,napakaselosa ko?!
"L-Lubb.."Speaking of unggoy.Nakapasok na pala ito sa sasakyan at tumabi sa akin."G-Galit ka ba?"
*Aba't!Talaga nga naman ang kapal ng mukhang magtanong!*Binalaan ko na siya na wag na wag niya akong gagalitin at maghahalo ang balat sa tinalupan at baka hindi na siya sikatan ng araw!
"Lubbidabs.."lambing pa nito sa akin.Sinamaan ko siya ng tingin. *Hindi uubra yan sa akin,Glaiza!*
"N-Nagseselos ka ba?"Napapakamot na naman siya sa kilay.Ganito ang unggoy na to kapag kinakabahan.*Ganyan nga De Castro,matakot ka!*Nang hindi ako sumagot ay nagtanong siya ulit.
"L-Lubb..N-Nagseselos ka ba?"Isa pang tanong nito,isisilya elektrika ko na to!😤
"Lubb.."
"Glaiza,wag mo muna akong kausapin.Please lang!"nAiirita kong sabi habang nakahalukipkip.
"Pero----"
"Guys,malling na daw tayo."sumakay si Steph sa driver seat kaya hindi na ako nakulit ni Glai.Nagpasya naman ito na sumabay na sa amin at kay Reo na lamang ipinadala ang sasakyan nito.Mas dumoble naman ang inis ko ng sumakay din si Sanya sa passenger seat kaya nasa middle namin si Glai.
*Pssss!MAKAKAPATAY NA TALAGA AKO!*😡😡😡
GLAIZA'S POV
Dear,God.Marami pong salamat dahil kahit patayin na ako sa mga irap at tingin ni Rhian ay buhay pa rin po akong nakarating dito sa MOA.
"G,let's go."sabay hila ni Sanya sa akin papasok ng mall.Hindi na ako makareact dahil maging ako ay nabigla.Teka,nasaan ang lubb ko?Lumingon ako at nakita ko sila ni Steph na kasunod namin.Ganoon na naman ang tingin niya sa akin.Matalim.Mas matalim pa sa balisong sa Batangas.Lol
"Dun tayo G,oh."turo nito sa isang accessories shop.Nahila-hila na naman niya ako ng walang kalaban-laban.Kung ano-anong binili niyang accessories.Spoiled din katulad ni lubb.Teka,nasaan na ba ang lubb ko?Maitext nga.
To:Lubbko❤
Lubb,san ka po?
Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin akong natatanggap na reply niya.
Lubb,where are you?
Ininglish ko na baka kasi hindi niya naiintindihan kaya hindi siya nagrereply.Lol
From:Lubbko❤
WALA KANG PAKE!
Oha!Sabi ko sa inyo,hindi niya naiintindihan yung kanina.Pero teka,bakit wala daw akong pake?Girlfriend ko siya dito,right?
To:Lubbko❤
May pake ako dahil girlfriend mo ako.
From:Lubbko❤
Ah,girlfriend ba kita?Akala ko kasi si Sanya na ang girlfriend mo!
Heto na naman tayo.Jelly ace na naman si Bb.Hitler.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Frog Prince
FanfictionIts not who you love. A man, a woman, what have you. It's the fact that you love. That is all that truly matters. A RaStro Story