GLAIZA'S POV
"Aaaahhhh!!"Tinabig ko lahat ng mahagip ng kamay ko nang makarating ako sa unit."Kasalanan ko!Kasalanan ko!"Naghisterikal ako at pinagtatalsik lahat ng mahawakan ko."Rhian!"Sigaw ko sa buong paligid ng kwartong iyon.
Umuulan pa rin.Umiiyak din ba ang langit?Nakikisabay sa pighati na nararamdaman ko ngayon.Napaupo ako sa madilim na sulok ng kwartong iyon.Ni hindi pa ako nakakapagpalit ng damit mula sa pagkabasa ng ulan.Napahawak ako sa pendant ng kwintas na suot ko.It's our wedding ring "sana".Napahagulhol ako sa isipin na dapat ay kasal na kami ngayon ni Rhian kung hindi ko lang siya iniwan noon.Kung naging matapang lang sana ako.Heto na naman,sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya.Naramdaman ko na ito noon.Noong mamatay si Jade.Ngunit mas naging mas masakit ang ngayon.Ngayon na buhay naman si Rhian pero wala akong magawa para mapabalik siya sa akin.
Niyakap ko ang picture niya.Sobrang sakit ng puso ko.Para akong sinasaksak ng paulit ulit pero sa kamalasan ay buhay pa rin ako.Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa ganoong ayos at wala pa rin tigil sa pag iyak.
"Kahit kailan,napakaclumsy mo talaga."Naririnig ko ang boses ni Rhian ngunit hindi ako tumunghay.Madalas iyon mangyari sa akin.Naririnig or worst nakikita ko siya sa unit na ito,likha ng nangungulila kong imahinasyon."Wala ka bang balak tumayo dyan?"
"Tama na!Please,tama na!Sobrang sakit na!"Napahagulhol na naman ako ng iyak.Takip takip ko ang tenga ko.Para akong tinotorture ng boses niya na paulit ulit tumatakbo sa utak ko."Ang sakit-sakit na..."Namamaos na ang boses ko sa walang tigil na pag iyak.
"Hindi pa ako patay para iyakan mo ang litrato ko."Napatunghay ako kung saan nanggagaling ang boses.Pumitlag ang puso ko ng makita ko si Rhian na nasa pinto ng kwarto at iniikot-ikot sa daliri ang susi ng unit ko.Oo nga pala,hindi ko iyon nakuha sa kanya ng maghiwalay kami.Totoo ba ito?O nasisiraan na talaga ako ng ulo?
"Kapag hindi ka pa tumayo at niyakap ako,talagang magwawalkout---"Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya sabay yakap ko ng mahigpit.
"I-I'm sorry,R-Rhian.H-Hindi ko gustong iwan ka.P-Patawarin mo ako."Hinigpitan ko pa ang yakap sa takot na baka hindi siya totoo at bigla na lamang mawala sa harapan ko.
"Aray!Aray ko,Glai"React niya sa sobrang higpit ng yakap ko pero hindi ko siya binitiwan.
"Please,lubb,Kahit ngayon lang.Hayaan mo akong yakapin ka."Pagmamakaawa ko sa pagitan ng mga luha sa aking mga mata.
"Lubb.."Umagwat siya sa akin kahit gusto ko pa siyang yakapin."Walang problema kahit habang buhay mo pa akong yakapin."Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata ko habang nakayakap ang mga kamay ko sa bewang niya."Pero sa ngayon,papaliguan muna kita dahil baka magkasakit ang baby ko."Natatawa niyang sabi sabay halik sa ilong ko.
"A-Akala ko,akala ko h-hindi mo na ako k-kilala."Nagpout pa ako kaya natawa siya saka tumitig sa akin ng seryoso.
Dinala niya ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya."Makakalimot ang isip pero hindi ang puso."Napangiti ako ng maalala na sinabi ko iyon sa kanya noon.Nakatitig pa rin siya sa akin habang ang mga mata ay nakatuon na sa labi ko.Napalipbite ako kaya napahalakhak siya sabay bulong,"You turned me on,baby lubb."Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.Agad kong sinunggaban ang labi niya na dalawang taon ko ding hindi nahalikan.At gaya ng first kiss namin,ganoon na naman ang feels ko.May mga paru-parong nagliliparan sa tyan ko.Mga dagang nag uunahan sa dibdib ko at para akong nakalutang sa alapaap,At ang palagi kong sinasabi,It felt good.
Ramdam ko ang pangungulila sa mga halik niya.Hindi na rin namin namalayan na nasa banyo na kami dahil sa mga halik na ibinibigay namin sa isat isa.Oops,hanggang dito na lang po,hindi na kayo pwedeng sumama sa pagpapaligo niya sakin.*wink*
Door close.
A/n:
Una sa lahat,pasensiya na kung muli ko kayong binitin.😄Gusto kong hingin sa inyo ang chapter na ito para humingi ng tawad(kahit wala po akong kasalanan).Patawad sa mga typo error at wrong grammar.See,maliit lang po ang utak ni author.😂
Patawad sa mga nadisappoint sa story ko at salamat sa mga readers na nagustuhan ito.Patawad sa lahat ng umiyak at salamat sa lahat ng ngumiti.Patawad sa lahat ng nainis at salamat sa lahat ng kinilig.Patawad sa mga naboring at salamat sa mga na inspired.Patawad sa mga nalungkot at salamat sa mga sumaya.Patawad sa pagkawasak ng puso at salamat sa muling pagkabuo nito.Ctto sa mga media na ginamit ko.
Patawad at maraming salamat,kundi dahil sa mga emosyon ninyo,hindi po ako magiging effective na author.😊
Mabuhay tayong lahat at patuloy na magmahal,masaktan at magmahal muli.Gaya nga ng sabi ni Papi G: "Kapag may saya,may lungkot.Sila talaga ang magkapartner eh,ang tatag nga nila dahil hindi sila naghihiwalay.Sila ang Ultimate Combo." At gaya pa ng sabi niya,magfocus tayo dun sa saya.Kaya mga kapanalig,Ngiti lang.😊😊😊
Kapit lang at samahan niyo ako sa mala "hopia" na ending at sa muling pag kain nito.✌✌✌
A.❤
BINABASA MO ANG
The Princess and The Frog Prince
FanfictionIts not who you love. A man, a woman, what have you. It's the fact that you love. That is all that truly matters. A RaStro Story