TRANGE P.O.V
Pagkapasok ko sa room namin ay Nadatnan ko ang isang itim na bagpack na nakapatong sa upuan ko..
"Lagot yung transferee..-"..
"Ba't hindi niyo kasi binalaan..-"
"Hindi namin napansin..-"
Yan ang mga naririnig kong bulong-bulungan ng mga kaklase ko..
So?? Bag pala 'to nung transferee.. tss!! Ang ayoko pa man din ay yung may nangingialam sa mga gamit ko.. and i considered this chair as mine.. hindi ko siya sasantohin kahit kapatid pa siya ng kaibigan ko.. basta't may nagawa siyang hindi ko nagustuhan.. mapapasama siya sa'kin!!
Binitbit ko yung bag at itinapon sa trash can.. tss! Alamin niya dapat kung san siya lulugar..
Bumalik na ako sa upuan ko at naghalumbaba sa mesa.. habang nakatanaw sa labas ng bintana..
"Excuse me..-"..someone approached me kaya napatingin ako sa gawi niya at dun ko nakita yung babaeng nakaharang sa daan ko kahapon..
"What??"
"Uhm ano kasi..-"..parang kinakabahan niyang sambit.."..yung bag ko kasi inilapag ko diyan..nasan na??"..
"Anong pakialam ko sa Bag mo??"..yun ang balewala kong sagot bago ako umub-ob sa mesa ko..tss!!mabuti pang matulog na lang..
"Irish..??"
"Huh?".. boses nung babae..so Irish pala ang pangalan niya..
"Yung Bag mo nasa ..trashcan..-"...
"Anuh??sinong naglagay nito dito..??ang bag ko.. nadumihan na tuloy.."..
"Eh kasi..pasensya ka na ahH..hindi ka namin nasabihan na Si Trange ang nakaupo dun sa pinaglagyan mo ng bag mo.. ayaw niya kasing may ibang gumagamit ng upuan niya.. "..pabulong na saad ni Stacey- i guess!bumulong pa eh rinig ko naman..mga babae talaga!!
"Ang arte naman..-"..kahit hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko naman ang masama niyang tingin na ipinupukol sa'kin..
"Wag kang maingay.. baka madinig ka.. lagot ka diyan."..tss!wag maingay pala ahH!??..
"Kung pwede lang kung pagtsitsismisan niyo ako..yung hindi ko naririnig!".. walang kaemo-emosyon kong sabi sa kanila pero hindi ako nag-angat ng paningin.. "alam niyo bang nakakarindi yang boses niyo!"..
"Pasensya na Trange.."
"Gwapo sana..ang yabang nga lang..-"..
"Alam kong gwapo ako..pero kailangan bang sabihin pa.."..alam mo yung plain na boses lang.. yung tipong mararamdaman ng kausap mo na wala kang pakialam sa kanya..ganun ako makipag-usap lalo na kapag naiirita na ako.."alam mo Miss.. kung ayaw mo ng gulo lumayo ka sa'kin.."..pahayag ko habang inaangat ko ang tingin sa kanya..napansin ko namang napalunok siya ng titigan ko siya ng matiim.. at agad niyang iniwas ang tingin sa'kin.. para atang naasiwa siya sa titig ko!tss..."naiintindihan mo ba Miss??"
Napatango siya ng hindi sigurado at napatutup ng bibig..
"At wag kayong maingay pwede ba?"..saka ulit ako umubub sa mesa.. tss!!mga istorbo!
At yun nga nakaidlip ako sandali... pero nagising ako ng may malamig na likido akong nararamdaman na bumabasa ng likod ko.. napatiim-bagang ako sa inis habang tumatayo sa aking pagkakaupo..
"Lagot..-"..napaatras si Stacey ng tingnan ko sila ng masama..
"Uhmm...-"..mukhang kinakabahan naman yung Irish.."pasensya na.. hindi ko sinasadya.."..naka-kagat labi niyang paghingi ng tawad sa'kin... napatingin ako sa kamay niya na may hawak na mineral water... parang alam ko na ang nangyari.. tss!!nananadya ba ang babaeng 'to??
BINABASA MO ANG
The Good Guy's Jerk Side (Completed)
Science FictionLove can changed you into someone you'd never imagine you could be.. but it's still your choice, if you changed for the better or change for the worse.. Here's the story of a good guy who suddenly became a jerk. he was so kind.. an angel in disguise...