Chapter 22: Mall

65 3 0
                                    


IRISH'S P.O.V..

Hay!!

Ba't ba ako pumayag sa gusto ng kumag na 'to?? *rolled eyes*.. asar!! Sana pala tumanggi na lang ako na sumama siya dito sa mall.. eh panuh ba naman.. ako nga ang kasama niya.. iba naman hinahanap ng mga mata.. nakakairita kaya!! Alam ko naman kasi kung bakit yan sumama dito.. malamang gusto lang niyang bantayan si Shai.. tss!! Tingnan niyo nga 'yan at panay ang linga kung saan-saan.. kanina pa kami dito at hindi pa rin namin nakikita sina Paolo..

"Hoy babae!! Siguro ka bang dito sila pumunta aHh?? Baka naman niloloko mo ako..-".. mahinang asik niya sa'kin na may pagbabanta ang tono ng pananalita..

"Oo dito 'yun!!tss..-".. irap ko sa kanya!! Bahala siya diyan.. siya maghanap!! Ginusto niya 'yan ehH yung maging guard in disguised.. tsk.. pambihira pati ako nadadamay sa kagaguhan ng isang 'to.. masaya sana na kasama ko siya ngayon.. iisipin ko na sanang date 'to ehh!! Kaso hindi ehH.. kasi nagmumukha na kaming spy dito.. i mean siya lang pala.. naka-cap at naka-sunglasses pa talaga kkasi ang kumag na 'to!! Parang timang lang.. akala ata artista siya na kailangang magdisguised para hindi makilala.. haynaku!!

Minsan ba naranasan niyo na yung tipong kayo nga 'yung kasama pero may hinahanap pa ring iba?? Nakakabwisit yun di ba!!?? Tss..

"Kapag hindi natin nakita ang dalawang 'yun.. malilintekan ka sa'kin..-"..

"Nyenye..tsk-".. haixtz!! Saan bang parte ng mall sila nagpunta.. baka naman sa bubong na kaya hindi namin makita.. ha-ha.. natawa ako sa sarili kong joke.. *insert sarcasm here*.. pwee.

"Tss..-".. konti na lang at masasapok ko na 'to.. tsk!! Para siyang tanga.. binabalewala niya si Shai kapag nasa harapan niya pero kapag nakatalikod naman.. wow sobrang concern.. tsk.tsk.. hindi na lang kasi amining may gusto pa din siya sa ex niyang 'yun.. kesa heto siya bubuntot-buntot.. haixtz!!

Oo na nasasaktan na ako sa pinagiisip ko pero keri lang.. tss!!
Kasi naman nakakalimutan kong gusto ko pala ang kumag na 'to kapag naasar na ako sa kanya. Tsk!!

"Kung pumunta na lang kaya tayo sa costumer service at ipa-paging natin.. para madali..-".. i said sarcastically.."-hindi na tayo mahihirapan maghanap kasi sila na mismo ang pupunta sa'tin..-"

Pero sa halip na barahin ako ay sinamaan lang niya ako ng tingin at nagdere-deretsong sumakay ng escalator paakyat ng third floor..

Nang mapansin naman niyang hindi ako nakasunod sa kanya ay lumingon siya sa'kin at kahit na nakasuot yan ng sunglass ay nakita ko pa din ang matatalim na tinging ipinupukol sa'kin.. yung tipong sinasabi niya na kapag hindi pa ako sumunod eh.. malalagot talaga ako sa kanya..

''PssshH!!.. ayan na nga PO di ba??"..asar kong sambit at tumuntong na din sa escalator.. tsk!! Takot ko lang sa barumbadong 'yan.. baka masapak pa ako dito sa harap ng madaming tao.. kakahiyan 'yun mga dude..hoho

"Bagal.. tss..-"

"Palit kaya tayo ng biyas para naman maranasan mong humakbang ng maiikli.. tsk!reklamador..bwisit!!".. nababadvibes na naman ako.. kapag talaga nagtagpo ang mga landas namin ng kupidong 'yan.. lagot siya sa'kin.. uumbagan ko siya.. hindi ko kasi magets kung bakit niya pinana ang baby heart ko para magkagusto sa jerk na 'to.. my Ghad!! May mali ba sa senses ko?? Why him?? Why this jerk?? Gosh!! Magkaka-wrinkles ako ng maaga nito ng dahil sa kanya.. isa siyang sakit sa bungo!! Haixtz!! "Kaasar!!".. gusto ko na lang umuwi sa bahay at matulog.. kesa naman makasama siya.. kaso gustuhin ko man mag-walk out ay hindi ko magawa.. di ba sabi ko nga takot ko lang diyan.. may pagkasadista pa naman ang ugali..tsk!! Nang umulan siguro ng kapangitan ng ugali ay nasalo niya lahat.. hmpft!!..

Marahas naman siyang napalingon sa'kin na may asar sa pagmumukha.. napalunok tuloy ako.. baka mawalan 'to ng pasensya sa'kin.. mainitin pa naman ang ulo..

The Good Guy's Jerk Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon