IRISH'S P.O.V
Nagdadalawang-isip ako kung ise-search ko ba ang pangalan ni Trange o hindi dito sa facebook.. hindi ako stalker ahH!!gusto ko lang may malaman tungkol sa kanya.. curious lang kasi ako sa takbo ng buhay niya.. ito kasing si Shawn eh!ayaw magkwento.. hindi ko na daw kailangang malaman pa.. kaasar!!hmmpft!
Mula kasi ng mangyari yung eskandalo sa Cafeteria ay hindi na siya pumasok sa klase.. ganun ba siya kabadvibes sa'kin at mas pinili niyang magditch ng class.. hindi ko maintindihan kong bakit hindi siya naeexpel sa kabila ng magaspang niyang ugali!!grabe kung ako ang teacher niya baka dinrop ko na siya... haixtz!pero may parte sa utak ko na gusto ko siyang makilala ng lubos yung tipong gusto kong malaman kung bakit ganyan ang pakikitungo niya sa mga taong nakapaligid sa kanya??
Di ba nga??
There's always a reasons behind every actions..Kaya naman, i have this urge na malaman ang rason na yun.. gusto ko siyang maintindihan pero narealize ko din na bakit ko naman gugustuhing maintindihan siya eh hindi nga kami close.. aixtz!ang labo ng utak ko.. basta!! I want to know him.. i want to know who he really is.. and i'll going to find it!
This is it!!sisimulan ko sa facebook niya.. malay natin may malaman ako kahit konti sa kanya..hehe
Napahinga ako ng malalim at tinype ang pangalang 'Trange Fier Vendemiare"..
And oh my Golay talaga.. ba't ang gwapo ng profile picture niya dito?!ang hot!ai erase.. erase.. erase!! Hindi siya hot!!ang cold nga niya ehH!hmmpft!
"Pero.. ang gwapo talaga..-"..bulong ko sa sarili ko.. alam ko na kung bakit gusto ko siyang makilala kasi naa-atract ako sa kanya.. yeah!!naa-atract ako sa presence niya mula ng una ko siyang makita.. hindi ko nga alam kong bakit sa kanya pa ehH ang sama-sama naman ng ugali niya..aixtz!!may mali ata sa sense ko..hehe
I scroll down.. hmpft!!wala namang iba ehH!puro lang naman mga post ito ni Shawn at Lucas na ti-nag si Trange.. hmm.. hindi naman ata siya mahilig magfb ehH..
Napakunot ako ng noo.. ng makita ko ang ilang appreciation post sa timeline niya na galing sa iba't-ibang babae.. grabe!! Kahit pala ganun kagaspang ang ugali niya ay meron paring nagkakandarapa sa lalaking yun..sabagay hindi ko naman sila masisisi kasi gwapo naman talaga si Trange at ang lakas pa ng appeal.. pero nakakatakot siya!!
Nagulat naman ako ng bigla kong mapindot ang friend request..
"Ai.. sh*t!!".. ia-undo ko na sana ng bigla namang may nagpop na 1 notification..
At Napansin ko namang nagGreen ang dot sa gilid ng pangalan niya.. indication na online siya..
Tiningnan ko agad ang notif ko.. just to find out na in-accept niya ang friend request ko.. weh??baka naduling lang ako.. hindi ko inexpect yun ahH! Isnabero kaya siya..hmft!!baka naman goodmood siya ngayon?? Pero imposible.. baka hindi naman siya ang gumagamit nito??
"Hoy Irish!"..
"Ai kabayo..-"..muntik ko ng mailaglag ang tablet ko ng biglang lumitaw sa harapan ko si Shawn.. nandito kasi ako ngayon sa garden nila..
"Di kabayo ka din.. kasi magkapatid tayo..-"..
"Ewan sa'yo ba't ka kasi nanggugulat..hmft!''..pagtataray ko sa kanya..
"Ang lalim lang kasi ng iniisip mo kaya nagulat ka.. at nga pala Irish!masyado ng gabi..ba't nandito ka pa din sa labas??"..tanong niya saka siya nag-indian sit sa may tapat ko..
"Wala lang hindi ako makatulog eh.. umalis ka na nga at nagmumuni-muni ako dito.. kaya shuppiii..-"..pagtataboy ko sa kanya na may kasama pang hand gesture..
"Muni-muni.. nagfe-facebook ka lang naman ehH.. sino ini-stalk mo diyan ahH??".tanong niyaat aakma sana niyang kukuhanin ang tablet ko pero agad ko itong iniwas sa kanya.."uyyy!!may ini-stalk nga siya!!hahaha..sino yan??"..pang-aasar niya pa.
"WALA AHH!!"
"Asus deny pa more.. si Trange noh??"..napasingkit naman ang mata ko sa kanya..hmm paano niya nalaman??
"Hindi ahH!ba't ko naman i-stalk ang lalaking muntikan na akong suntukin sa mukha??".. i asked him sarcastically.. kapag naaalala ko yun para akong kinikilabutan.. mukha kasi siyang serial killer that time..wiw!
"May crush ka sa kanya di ba??"..ano ba 'tong si Shawn!??kung anu-anu ang tinatanong sa'kin..puro naman kabalbalan.. muntik pa akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain o iniinom!!
"WALA NOH!!"..defensive na kong defensive basta ayoko ko ngang malaman ng mokong na 'to na may konting pagkacrush ako sa tropa niya.. baka lagi niya akong tuksuhin noh!!kaya no no way in this world na aamin ko.. and besides,crush lang naman yun..hmm..
"Hahaha.. halata ka masyado.. don't cha worry..hindi ko naman sasabihin kay Trange ehH.. sekreto natin 'to..-"..natatawang sabi niya bago niya pinitik ang noo ko..
"Hindi ko nga siya Crush!!ba't ang kulit mo??hmmm..-"..
"Wag ka kasing pahalata.."
"Ako??pahalata???bakit??ano bang ginawa ko para masabi mong pahalata ako ha!!??? Hah!!??"..
"Bakit ka nagtatanong ng tungkol sa kanya..??saka siya kaya ang ini-stalk mo sa facebook.. nakita ko kaya..hahaha..ang manhid mo kanina pa kaya ako nasa likuran mo..hahaha hindi mo man lang napansin presensya ko..busy ka kasi sa pagtitig sa profile ni Trange..hahahahahah anu??idedeny mo pa???-".. patawa-tawa niyang lintanya.. kaya naman napanguso ako!hmmpft! Kanina pa pala siya sa likuran ko..ba't hindi ko man lang naramdaman?? Hmft!! Kung kanina pa siya diyan..narinig kaya niya yung sinabi ko??..-"..i also heard what you've said..''..
"Heh!nagcompliment lang naman ako ehH.. ba't mo pinapalaki??hmmm.. ngayon ko lang nalaman na may pagkatsismoso ka pala..-"
"Wag mong ibaling ang atensyom sa'kin.. gusto mo lang maiwasan yung tungkol sa crush-crush di ba??hahaha aminin mo na kasi.. hahaha..-"..nakakaasar na siya ahH!ba't ba pinagpipilitan niya??
"Shawn naman ehH.. oo na sige na aaminin ko na.. crush ko yung kaibigan mo..hmmm.. crush lang naman ehH.. gwapo kasi siya..hehe..-".. pag-amin ko na ng tuluyan para hindi na niya ako kulitin pa.. hindi naman siguro niya ipagkakalat di ba?? Pero tsismoso siya.. wiw!
"Crush ah??..-''..mapang-asar niyang bigkas habang hinihimas ang baba at nagno-nod pa siya.. pero agad naman siyang nagseryoso at tinitigan ako ng mataman.. "Irish, makinig kang mabuti sa'kin okay?? At sana pakatatandaan mo itong sasabihin ko ngayon sa'yo..-"..seryosong sabi niya na ipinagtataka ko..kanina lang ang kulit-kulit niya.. tapos ngayon ang seryo-seryoso naman siya!!hmm.. another trait na nalaman ko sa kanya ngayon is ang pagiging bipolar.."..Irish.. sana hanggang crush lang yang nararamdaman mo.. wag mo ng paabutin pa o palagpasin pa ang paghangang 'yan.. mahirap na.. baka masaktan ka lang..-"..sabi niya na ikinatahimik ko lang..ba't niya ba ito sinasabi sa'kin?? At ba't ako masasaktan?? Ang advance naman ng utak nito.."-..stop admiring Trange.. iba na lang wag na siya.. not him Irish!not definitely him.. understand??"..
"Huh??ano bang pinagsasabi mo Shawn..-"..
"Wag mo siyang gustuhin.. iba na lang.. sinasabi ko 'to para maprotektahan ka sa pwedeng mangyari.. kapatid kita kaya ayoko kitang masaktan.. si Trange, nakakulong pa din siya sa nakaraan.. ah basta.. wag siya!naintindihan mo ba ako.. at please lang ahH.. ngayon pa lang itigil mo na ang paghanga sa kanya.. hindi yan maganda para sa'yo..-"..mungkahi niya saka siya tumayo at iniwan na lang ako basta..
"Anuh yun??"..bulong ko sa sarili ko na ikinakibit-balikat ko lang.. hmm.. naguluhan lang ako sa mga sinabi niya.. aixtz!!
Crush lang naman ehH!ba't parang ang big issue nun para sa kanya??
At bakit hindi pwedeng gustuhin si Trange??
At saka yung sinabi niyang nakakulong pa si Trange sa nakaraan??lalo lang atang nadagdagan yung urge ko na kilalanin siya ng dahil dun..
Trange Fier Vendemiare???
Sino ka ba talaga??
------
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Good Guy's Jerk Side (Completed)
Science FictionLove can changed you into someone you'd never imagine you could be.. but it's still your choice, if you changed for the better or change for the worse.. Here's the story of a good guy who suddenly became a jerk. he was so kind.. an angel in disguise...