Chapter 36: The Activity

48 3 0
                                    


SHAI'S P.O.V

"Class Quiet!!".. sigaw ni mam sa'min habang tina-tap pa ang mesa niya.. nagkagulo na naman kasi sa klase namin ehH.. puro reklamo at kuntra ang namamayani sa bawat sulok ng aming classroom.. panu ba naman hindi kami mag-iingay eh sabi ni Mam sa School Gym daw gaganapin 'yung Activity namin.. sinong hindi sa'min ang kukuntra ehH.. una palang ayaw na namin sa activityng 'to tapos malalaman pa naming sa school gym kami kakanta?? Hello?? Kakahiya kaya.. syempre merong ibang years and blocks ang makakapanuod sa amin.. buti ng nandito lang kami sa room.. kasi kami-kami lang ang makakarinig.. hayz!! Pero kaasar naman si Mam.. gusto ata talagang pinagtitripan kami.. hmmpft..

"Mam naman kasi ehH.. pinaglololoko mo naman kami eHh!".

"Oo nga naman Mam, wag kang ganyan.. baka hindi na kami makapasok bukas niyan dahil sa kakahiyan..-"..

"Haha bakit naman kayo mahihiya??"..natatawang tanong ni Mam.. see?? Pinagtitripan talaga kami.. kapag kumukuntra kami ay lalo naman niyang pinu-push ang gusto niyang mangyari na ayaw naman namin.. naku!naku.. si mam ang sarap abangan mamayang uwian..haha

"Hindi pa ba obvious mam.. wala kami sa tono!!"..kuros naming sabi except pala dito sa katabi ko..poker face lang eHh.. tss!! Ganyanan eHh! Walang pakialam..

pero sa halip na simpatyahan kami ni Mam ay lalo lang siyang natawa sa'min.. hmm??

"Itong mga batang 'to talaga ohH.. haha .. pero im sorry class... hindi pa din magbabago ang isip ko.. haha kaya galaw-galaw na.. at tara na sa Gym kesa reklamo kayo ng reklamo diyan.. -".. napa-roll eyes na lang ako.. haixtz! Kakahiyan na'to..

"Yun Oh.. sa Gym pala tayo pupunta ehH.. magwowork-out na lang daw tayo sabi ni Mam..".. nagtatalon-talong mungkahi ng isa sa pasaway naming classmate..

"Manahimik ka diyan Lester.. oo sa Gym tayo pupunta.. para ma-work out naman 'yang mga boses niyo.. hahaha..-"..

"Si mam talaga ohH?"

"Tama ng reklamo class.. sumunod na kayo sa'kin.. at binabalaan ko kayo walang tatakas..-"..haixtz.."or else alam niyo na ang mangyayari.. either low grade or drop..-"..nakangiti niyang mungkahi bago tuluyang lumabas ng silid.. agad namang sumunod ang ilang kaklase ko sa kanya..

Napalingon naman ako sa katabi ko.. hay.. mukhang wala talaga siyang pakialam sa activity namin.. and base sa personality niya ngayon ay baka hindi din siya magpaparticipate dito.. oh well, paano nga naman siya kakanta sa harap ng madaming nanunuod kung ang mga ito ay tingin sa kanya ay Jerk.. parang ang imposible di ba..

Pero maganda ang boses ni Trange.. ilang beses na din niya akong kinantahan noon.. at masasabi ko talagang ang husay niyang kumanta..

"Shai.., tara na..-"..yaya sa'kin ni Stan kaya tumayo na ako at sumabay sa paglalakad niya.. hindi pa man kami nakakalabas ng room ng pumagitna sa'min si Paolo at bakas sa mukha niya ang kaba at pagdadalawang-isip.. kaya naman tiningnan ko si Irish mula sa peripheral View ko.. kasama niya si Stacey habang nakatingin sa'min?? Or should i say, kay Paolo??

"Problema mo 'tol??"..tanong ni Stan dito saka niya ito inakbayan..".-mukha kang natatae.. kailangan mo bang bumanyo??haha"..pagbibiro nito.. alam kasi ni Stan ang plano nitong umamin ngayon.. hehe kaya ayan tampulan ng tukso..

"Stanley!!"..saway ko dito..

"Hehe.. ito na po susuportahan na..-"..nakangisi niyang sambit at minasa-masahe ang balikat ni Paolo.. hay! Itong si Stan.. trip ang mang-asar.. alam naman niyang dinadaga na nga sa kaba itong si Paolo inaasar pa..

Napailing na lang ako habang tinatahak ang daan papuntang school Gym..

"Kaya ko ba??". Napalingon naman ako kay Pao..

The Good Guy's Jerk Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon